44 - Because of you

60 3 0
                                    

MIRA POV.

"Are you alright? Gusto mo labas tayo? Oh kaya bili ako ng mga foods tapos kain tayo? Movie marathon?" naga-alalang tanong niya. Tinignan ko lang siya kaya sumimangot ang mukha niya "C'mon sis! Tell me"

Inirapan ko siya at sumandal sa headboard ng kama niya.

"Kahit ano sis, don't worry okay lang ako" pilit na nakangiting sabi ko.

Nandito ako kila Trisha..

Dito ako nag stay for almost 3 days narin. Hindi ako umuwi sa bahay that night pero alam naman sa bahay na nandito ako.

"I will buy some snacks, dito nalang tayo kumain" nakangiting sabi ni Trisha. Kinuha niya ang sling bag niya at humalik sa pisngi ko bago lumabas ng kwarto.

Hays.

Parang gusto ko nalang dito tumira sa kanila, parang ayoko ng lumabas ng bahay nila dahil grabe yung takot ko, takot sa mga pwede ko nanaman marinig at malaman.

I've got 20 missed calls and 18 text message mula kay Sean.. Kahit isa dun hindi ko pinakinggan o binasa man lang.

Its been 3 days, pero sariwang-sariwa pa din sa isip ko yung mga nangyari, at sariwa pa din sa puso ko yung sakit na binigay nila.

Hays.

Tumayo na ako at nag hilamos kumuha narin ako ng damit sa closet ni Trisha, nagbihis ako at lumabas ng kwarto


Dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko para hindi magambala sila Tita Tracey.

"Good morning hija, how's your sleep?"

Lumapit ako kay tita Tracey at humalik.

"I'm fine tita, salamat po sa pag-papatuloy"

Ngumiti si tita sa'kin at sumenyas na maupo.

"I understand your situation hijabut I advice, pakinggan mo ang sasabihin nila and whatever your decision, our house is always open for you" nakangiti niyang sabi at hinalikan ang noo ko.

Niyakap ko si tita, I feel comfortable napakalapit talaga nila sa'kin. Napaka saya ko dahil nandito sila para sa'kin.

"Here the food"

Tumingin ako kay Trisha at napatanga dahil sa dami ng binili niya. 

"Mom? Doon muna kami sa kwarto hah" paalam ni Trisha at hinatak na ako paakyat sa kwarto niya.

"Bat ang dami mong binili?" tanong ko. Ngumiti lang siya at dumiretso sa side table niya para ilagay ang mga pagkain.

"Foods can take away your stress" nakangiti niyang sabi. Tinignan ko siya at alam kong pinipilit niyang pagaanin ang loob ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin---"

"May gusto kumausap sayo"


I look at her, her eyes looks anxious. My heart automatically respond, it beats fast and loud.

"S-sino daw? P-pwede bang--"


"Mira"


Napapikit ako nang marinig ang boses niya, I sigh and try not to let my tears fall.

"Lalabas muna ako"

Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha ko at humarap sa pinto ng kwarto upang makita siya.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now