52 - The past

23 3 0
                                        

THIRD PERSON POV.

"Ate!"


Tinawag niya ang mas matanda na batang babae. Lumapit naman agad ito sakanya.


"Bakit Alissa? May problema ba?" tanong nito. Agad tinuro ng batang babae ang mga lalaki na nag-lalaro sa kabilang playground.

"Gusto kong makipaglaro sa kanila, tara!" excited na sabi nito at hinila ang kamay nito

"Bakit mag-lalaro tayo niyan? Pang lalaki lang ang laro na iyan, Alissa" 

"Gusto ko nga ang larong iyan!" pag-pupumilit nito at lumapit sa isang batang lalaki "Bata! pwede ako sumali? Gusto ko maglaro niyan eh! ano bang laro iyan?"

"Tumbang preso ang nilalaro namin"  sabi naman ng batang lalaki na nag-aayos ng lata.

"Sino yan, Cedric?" tanong ng isa pang batang lalaki na nag-reready ng tsinelas niya.

"Ewan ko, gusto niya daw makipag-laro sa atin"


Lumapit ang isang lalaki sa batang babae, ngumiti ang batang babae pero walang reaksyon ang batang lalaki.


"Hindi ka pwedeng sumali, bawal sa babae ang laro namin" sabi nito at bumalik na sa pwesto niya kanina.

"Pwede mo ba ako pasalihin?" tanong nito sa unang batang lalaki na pinagtanungan.

"Hindi pwede sabi ni Alejandro eh"

"Pero gusto ko sumali! Kaya ko din ang ginagawa niyo!" sabi nito at kinuha ang sariling tsinelas at hinagis sa lata. "Oh diba!"


"Alissa!"


Lumapit ang nakakatandang batang babae at hinawakan ito sa kamay.


"Alissa, sinabi ko naman sayo na hindi ka pwedeng mag laro niyan"


Yumuko ang batang babae at ngumuso, wala ng nagawa.


"Sige, uwe na tayo"


Nauna na itong nag-lakad habang naiiyak dahil hindi nakapaglaro.

"Oy bata!"


Biglang sumigaw ang batang lalaki na pinagtanungan kanina, humarap muli ang mga batang babae at nagtanong kung bakit.


"Ako si Cedric, pwede niyo naman kaming panoodin eh kaso bawal lang talaga kayo sumali, dahil babae kayo at baka masugatan kayo"


Tumango naman ang nakakatandang batang babae at inalalayan si Alissa na maupo sa gilid.


"Ako si Cedric at sila ang mga kaibigan ko, siya si--"


"I can introduce my self"


Nagulat ang mga batang babae dahil sa pag-sasalita nito. Marunong na itong mag ingles sa edad na 5 taon.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now