Epilogue 2

24 4 0
                                    

Sobrang dami ng dumating na pagsubok sa buhay namin. Mga pagsubok na sumubok sa katatagan namin, pagsubok na dumurog ng puso at pagkatao namin.

But here we are now.. still standing and fighting in the game of life. We're not sure if we can get through this till the end..

But one thing is for sure... we will keep fighting and do our best to fight for our own happiness, without ruining anyone's life.



"Papa? Na'san po ba tayo?" tanong ko kay papa. Hininto niya ang kotse at agad na lumabas, tinanggal ko na din ang seatbelt ko at lumabas na ng sasakyan.


Bumyahe pa kami ng medyo malayo, pero hindi pa din sinasabi ni papa kung saan kami pupunta.


"Alam mo ang lugar na ito, pagmasdan mo"


Tumingin naman ako sa kapaligiran, mabuhangin at mapuno ang kapaligiran, lumapit ako sa isang pinto at agad na binuksan ito. Napatutop ako sa bbig ko ng makita ang pangalan ng resort, hindi ako pwede magkamali.


"Serafin Resort?"


Ito yung resort na pinuntahan namin, kila Luke ito pero sigurado akong wala siya dito kaya sinong--


"Papa?" lumingon ako sa likod ko pero hindi ko nakita si papa "Papa!?"


Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng hindi ko makita si papa. Gah! nasan na siya? Anong gagawin ko?


"Ano ba naman to!?" I frustrated kick some small rock. Nag-lakad ako papasok ng resort at bawat hakbang ko ay may umiilaw sa paa ko. Tinignan ko yun at may nakahilarang led light na may mga petals. Hindi ko alam pero may kung anong nagsasabi sa akin na mag-patuloy ako.


Naglakad pa ako at may nakita akong dinner table. May bouquet sa gitna at isang bote ng wine. Luminga linga ako upang makita kung may iba pa bang tao dito but then wala akong nakita. Nasa tapat na ako ng dalampasigan at nagsisimula ng lumamig ang simoy ng hangin.


What day is it? And in what month?

This clock never seemed so alive


Kusang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kanta, hindi yun music kung hindi live sing yun. At hindi ko pwedeng magkamali, siya ang kumakanta..


Nagbalik na siya?? Nandito siya??


Nag umpisa na maginit ang sulok ng mga mata ko at hindi ko na malaman ang dapat kong gawin, sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.


I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time


"Princess.."


Mula sa likuran ko ay humarap ako sa nagsalita at kusang bumagsak ang mga luha ko, inabot niya sa'kin ang isang puting rosas.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now