50 - Preparation

18 4 0
                                    

MIRA POV.


"Ano sayo Mira? Bilisan mo na pumili baka magbago pa isip ko HAHAHA"

Inirapan ko si Luke at kinuha ang menu, agad akong nakapili at binalik ito sakanya at tinuro ang gusto ko.

Dahil nagkita-kita kami, napagdesisyunan na ililibre kami ngayon ni Luke, nandito na kami ngayon sa isang coffee shop.

"Okay, wait a minute" tumayo siya at pumunta sa counter para sa order namin.

"Sino sasama sa educational trip?" Trisha asked. Nagtaas silang lahat ng kamay maliban sa'kin, kaya naman sabay-sabay din silang tumingin ng masama lalo na si Sean.

"How about you?" tanong niya sa'kin. Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa phone ko.

"Hindi ko pa alam,"

"Tss. Sumama ka, ako na magbabayad sayo at ako na din bibili ng baon mo, bibigyan narin kita ng pocket money kung gusto mo"


Napanga-nga ako sa mga sinabi niya, tingin niya ba ay nag-hihirap na kami?

"Mukha ka na kasing naghihirap kaya ako ng bahala sa lahat para naman maranasan mo" pahabol niya pa sabay kindat.


Wtf?


"For your information--"


"Pwet mo may lotion?" seryosong tanong niya, sabay-sabay naman tumawa ang mga halimaw na akala mo'y bagong joke ang narinig nila.

"Argh! Stop it! I can buy anything, even your life"

"Buy? No need, ibibigay ko nalang sayo ng libre" nakangisi niyang sabi. Napabuga nalang ako sa hangin at sinamaan siya ng tingin.

"Here's your order" 

"Ayan huh! Ililibre ka na ni Sean and pati na rin ang sarili niya HAHAHA" nang-aasar na sabi ni Trisha. Inirapan ko siya at nag-umpisa ng kainin ang waffle ko.

"Ayo--"

*12:51 when I thought my feelings were gone and im lying--*

I tap the answer button at itinapat ito sa tenga ko. It's Cedric.

"What?" walang ganang sagot ko. Mukha naman walang pakielam ang mga kasama ko dahil kanya-kanya na silang kain ngayon.

["Mom wants to meet you today"]

Huh?

Anong kailangan sakin ng mommy niya? It's about wedding thing?

"I'm in a coffee shop now, taking my lunch"

["Do you want me to pick you up?"]

Tumingin ako kay Sean pero nakatingin lang siya sa phone niya habang kumakain ng fries.

"Kailangan ko munang magpaalam kay kuya"

["Alright, just text me"]

"Okay" I bid goodbye and hang up the call. Kasalukuyang nakatitig sa'kin si Sean na parang inaalam kung sino at ano ang napag-usapan namin ng kausap ko, hindi ko siya pinansin at agad kong hinanap ang contact ni Kuya and I tap the call button.

"Kuya---?"

["I'm here, outside the coffee shop- where you're eating"] walang gana niyang sagot. 

Agad akong tumingin sa pinto ng shop and I saw my brother lazily waving his hand. Agad ko nang pinatay ang tawag at inayos ang gamit ko.

"Bat nandito si kuya Marco?" Trisha asked

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now