40 - Back to Childhood

52 4 0
                                    


MIRA POV.

"Hindi ka na kumakain ng ganto?"

Nandito kami ngayon sa street food hall nitong park na pinuntahan namin dito malapit sa MOA, I'm with Warren as usual.


"Nah, wala namang ganyan sa London" nakangiwing sabi niya at pumunta sa fishball stall. Ang arte hah!

"Arte mo hah! Kamusta naman ang London?" tanong ko at kumagat sa hawak kong barbeque,

"Syempre London pa din, magulat ka pag naging Mars yun!"

Argh!

"Ouch! Ano nanaman ba?" inis na tanong niya pagkatapos ko siyang batukan. 

"Ano bang meron sa London at grabe ang pag-kabaliw mo? Kinain mo ba yung tae dun? Tss" supladang sabi ko. Yumuko lang siya at sinubo yung kickyum na tinusok niya.

"Wala" sagot niya at mabilis na naglakad papunta sa swing.

Aba

Sinundan ko siya at umupo sa katabing swing. Tinignan ko siya pero patuloy lang siya sa paglamon sa fishball at kwekwek niya. Aish! 

"Uy Warren!" tawag ko sakanya at inabot ang swing niya.

"Oh?" sagot niya habang hindi lumilingon, kain padin siya nang kain at walang imik.

"Ang arte mo!" sigaw ko sakanya. Tinignan niya ako at inirapan lang. What the?

"Uy!"

"Oh?"

"Psst!"

"Hmm?"

"Warren!"

"Why?"


Aish! Bwisit hah! 

"Okay fine,"mahina kong sabi at bumuntong hininga. Bumaba ako sa swing ko at pumunta sa harap niya, hindi niya ako pinansin at patuloy parin siya sa pagkain. Tss.

"Let's go, bud"

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin itinapat niya sakin ang kwek-kwek na nasa stick.


"Say 'ahh' " nakangiti niyang sabi ngumiti din ako at kinain ang isinusubo niya.

"Tara! sakay tayo dun!" aya niya at hinila ako papunta sa rentahan ng motorbike.

Motor bike? No!

"Don't tell me na isasakay mo ako diyan hah?!" pigil ko sakanya habang nakatayo kami at tinitignan kung magkano yung rent.

"Yeah, I will" bored niyang sagot at pumasok na at nag-titingin ng mga motorbike.

"No! Hindi pwede! Baka nakakalimutan mo na naaksidente ka dahil diyan!" sigaw ko sakanya. Tinignan niya lang ako at lumapit na dun sa babayaran ng rent. "Warren!"

"Its bud" seryosong sabi niya, I rolled my eyes on him and cross my arms. Hmp!

"Hindi ako sasakay diyan" sabi ko at tinalikuran siya. 

"Edi wag, maiwan ka diyan" natatawang sabi niya. Humarap ako sakanya at hinampas ang braso niya.

"Ouch! Problema mo nanaman?"inis na sabi niya. Tinignan ko siya ng masama

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now