56 - With him again

15 4 0
                                    

MIRA POV.


"Ano bang gusto mong regalo, ring or necklace o baka naman home appliances?"


Tinignan ko ng masama si Trisha kaya huminto siya.


"Ano bang sinasabi mo? Ang tanging gusto ko lang ay matapos na ang kalokohan na'to"


Uminom siya sa juice niya. Nandito kami ngayon sa kwarto niya dahil nag-pasundo ako sakanya sa bahay dahil bagot na bagot na'ko.


"You want to go out?" tanong niya. Umiling lang ako at humiga sa kama niya "Paano ka mag-eenjoy kung nandito ka lang sa kwarto? And duh! Ako naman ang naiinip dahil sayo!" iritableng sabi niya.


"Edi ikaw ang umalis, iwan mo'ko dito"


"Excuse me? this is my room, remember?"


Hindi ko siya pinansin at chineck ang phone ko kung may message ba sa'kin si Sean o kung missed call, pero wala. Hindi ko man lang alam kung nakauwe ba siya ng maayos kagabi. Hays.


"Trish?" I called her habang busy siya sa laptop niya "Can I borrow your car? meron lang akong kailangan puntahan"


Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay, pero hindi ako nag-patinag at nakipag-titigan din.


"I will come with you wala kang lisensya, baka mapahamak pa ang kotse ko"



"Let's go" nauna na siyang lumabas ng kwarto kaya sumunod nalang ako sa'kanya. Bumaba na kami at dumiretso sa garahe nila kung nasaan ang mga sasakyan.


"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya habang inaayos ang seat belt niya.


"Sa bahay nila Sean"


"Bahay? Saan dun?" tanong niya. Oo nga pala dalawa nga pala ang bahay ng Mr. putik na'yun


"Sa bahay muna nilang tatlo nila Kierth at Luke"


Gusto ko lang naman malaman kung nakauwe siya ng maayos at kung galit ba siya sa'kin...


"Alright" binuksan niya na ang makina ng sasakyan at nagsimula ng magdrive.


***




"Nandito na tayo" tinanggal ni Trisha ang seatbelt niya kaya ganun din ang ginaw ko at lumabas na kami ng kotse.


Kumatok agad ako ng marating namin ang pinto ng bahay nila. Lumabas si Kierth na parang kagigising lang. Tss. It's already 1:00pm!


"Anong gingawa niyo dito? Uy! Hi Trish!" umaliwalas ang mukha niya ng makita si Trisha.


"Nandito ba si Sean?" tanong ko. 


"Seryoso? Tinatanong mo kung nandito si Sean? Hindi mo ba alam na nasa mansion siya ng parents niya?"


"Dun siya umuwi?" tanong ko.


"Oo at alam ko ngayon ang alis niya papuntang London"


"London?" takang tanong ko. Bakit siya pupunta don?


"Hindi niya nasabi sayo? Alam ko 6:00 pm ang flight niya"


"6:00 pm?"


Tinignan ko si Trisha pero maging siya ay nagulat din.


"Kailangan ko siyang puntahan" nag-mamadali kong sabi habang papunta sa kotse ni Trisha.


"Ihahatid na kita, sandali--"


"Hindi na kailangan" pumasok agad ako sa driver seat at hindi na pinansin ang tawag sakin nila Kierth. Hindi pa ako bihasa sa pag-mamaneho pero marunong din naman ako. Kailangan ko siyang maabutan at malaman kung bakit aalis siya!

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now