Chapter 20 "Girlfriend??!"

62 4 0
                                    

MIRA POV.

"Good morning!"

Dahan dahan kong minulat yung mata ko and I saw Marion sitting beside my bed and smiling at me.

"Good morning, what's have on you?" bati ko rin sakanya at umupo sa kama.

"Breakfast in bed?" alanganing sabi niya habang inaayos yung tray na may laman na breakfast.

"How sweet" 

"Eat well!" sabi niya I smiled at him then he left my room.

Kinain ko na yung breakfast na dinala ni Marion. Sobrang nag-alala sila sa akin dahil sa nangyari, kaya naman binabantayan nila ako at laging chineck ang pagkain ko sa nakalipas na dalawang araw. I'm just wondering kung sino ang naghatid sa akin? Or sinundo ba ako?

"Hey!" bati ko pag dating ko sa may sala. Nandoon sila kuya at Marion, nag lalaro nanaman ng video games.

"Hey princess, how are you?" tanong ni kuya at pinaupo ako sa tabi niya.

"I'm feeling good, kuya" nakangiting sagot ko.

"Good" bumalik na siya sa ginagawa niya "By the way, I will go out with Sanya later, magdi-dinner kami sa labas"

Napahinto naman ako, ganun rin si Marion at sabay kaming napatingin kay kuya Marco.

"Oh? Anong problema?" tanong ni kuya.

"Are you dating ate Sanya?" nakangising tanong ni Marion.

Napatili naman ako dahil sa sinabi ni Marion. I really like ate Sanya!

"Of course not! We're childhood slash best friend, yun lang yon!" supladong sagot ni kuya.

"Really? Pero 'di naman masama diba? Single naman si ate Sanya and ganun ka rin"

"Oo nga naman and isa pa mag childhood friend  kayo means both of you already know each other" kinikilig na sabi ko at nagtatalon sa sofa.

"Mira! Stop it! We're just friends, that's all" pinatay niya ang PC at tumayo na.

Ang sungit!

"By the way, magmamall po kami ni Trisha later!" pahabol ko. Lumingon naman siya at nag taas ng kilay.

"Para daw makapagrelax relax kami, this past few days kasi naging busy kami sa studies" 

"Okay, just go home early"

"Yes! Thanks, kuya!"

"Okay" sagot niya at dumiretso na sa taas.


*12:51 and I thought my feelings were gone,I'm lying in my bed.....*

Kinuha ko kaagad yung phone ko sa center table at sinagot ang incoming call.

["Hello sissie! I'll pick you up!']

"Alright! See you!"

["See you!"] then she hang up the call.


Umakyat na ako sa taas at agad pumasok sa kwarto ko. I go to the bathroom and do my thing. Madali lang din naman ako natapos at nagbihis narin. Sinuot ko na yung red hanging blouse ko and I pair with a high waist pants. Kinuha ko na yung sling bag ko at bumaba na, nakita ko naman si Trisha na nakaupo sa sala kasama si Marion.

"Hey!" bati ko pagkababa ko. Tumayo naman siya at lumapit sa akin para makipagbeso.

"Hello!" the she giggled .I just smile at her.  "So? Let's go?" 

"Marion, we're going. Take care!" 

"Same to you, bye!" 

Naglakad na kami palabas ni Trisha at sumakay sa blue porsche niya. Sana all!

"In our favorite hangout place?" tanong niya habang nagsusuot ng seatbelt. She's referring Mall of Asia.

"Yeah!"


She start the engine and drive

***

"Saan ang una nating pupuntahan?" 

Nakarating din naman kaagad kami dahil hindi pa naman traffic.

"Mag quantum ka diba? Pupunta lang ako sa NBS, then kita nalang tayo sa KFC after. I'll text you nalang" 

"Okay! See you!" 


Magkahiwalay na direksyon ang pinuntahan namin. Agad din naman akong nakarating sa NBS. Pumasok na agad ako, at pumunta sa book section. There are a lot of new books, maybe new publish? I search each corner, and looking what kind of theme I wanted this time.

"May book 2 na pala ito?"

I get the book 2 of the story I read before, matagal tagal narin talaga nung last na punta ko dito kaya hindi ako updated na may release na pala. Dumiretso narin agad ako sa counter para bilhin yung books at other materials na kinuha ko.


"GET OFF!"

Habang nakapila ay napansin ko na may pinagkakaguluhan sa labas ng bookstore kaya naman napatingin din ako doon. May artista ba?

"DAMN! I SAID GET OFF! ARGH!"

And this time lahat kaming nakapila ay napatingin na sa nagkakagulo sa labas! Ang daming tao at naguumpisa narin magbulungan ang mga kasunod ko sa pila.

"Ma'am, P200.00 pesos po..." 

Inabot ko yung 500 pesos. Then pagkabigay nang sukli at receipt, lumabas agad ako para tignan yung nagkakagulo. 

"Kyahhh! Ang gwapo niya"

"Can I have you? Wahhh"

"Shemss...I'm gonna die!"

"Kill me now....ang gwapo niya!"


Ang lakas ng mga sigawan at parang artista nga ang nandito, may iilan na umaalis kaya palapit ako nang palapit sa unahan. Hindi ko naman makita kung sino kaya naman---


Halos madapa ako dahil sa paghila na ginawa sa akin. Napahinto ako at diretsong napatingin sa mga pamilyar niyang mata, hindi ko alam ang gagawin! Umakbay siya sa akin at bahagyang yumuko para magtama ang mga tingin namin.


Kasing lakas ng sigawan kanina ang tibok ng puso ko. He cupped my face and quickly brush his lips into mine...

"My Girlfriend is here..." 



Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now