MIRA POV.
"Ang lamig na" sabi ko habang nakayakap sa dalawa ko'ng binti.
Hindi masyadong traffic kaya naman nakarating din kami agad. Kagaya ng sinabi ni Sean, it is a family resort, at dahil nga kila Luke eto we are in the private part of the resort. Nandito na pala sila Kierth at Luke, kasama din pala si Trisha. Nandito kami ngayon sa dalampasigan, nakaupo kami sa buhanginan habang ang mga boys ay nagi-ihaw.
"Ang ganda dito no?" it's Trisha. Nagulat ako ng makita ko siya kanina dito, ang sabi naman niya nagkataon lang daw.
"Inaya ako ni Sean kaya sumama na'ko, pinagpaalam narin naman niya ko kila mama"
"That's good! Tara! kuha tayo ng hotdogs and bbq" aya niya sakin at agad na tumayo. Tumayo din ako at sabay na kaming pumunta sa iniihaw ni Kierth.
"Hey girls! want something? barbeque? hotdogs? marshmallow?" agad na tanong ni Kierth.
"Hotdog sa'kin, Kierth" sabi ko. Kumuha naman siya ng hotdog at pinahiran ng ketchup.
"Barbeque sa'kin" energetic na sabi naman ni Trisha at siya na mismo ang kumuha ng barbeque niya.
"Doon muna kayo sa may bonfire, medyo malamig na eh" sabi ni Kierth. Tumango lang kaming dalawa at naglakad na papunta sa bonfire.
"Did Sean confess?"
"You okay?" tanong ni Trisha habang hinahaplos ang likod ko. Muntik na ako mabulunan dahil sa biglang tanong niya! I hate this girl! Argh!
"What the hell, Trish?"angil ko sakanya at nauna ng maglakad papunta sa bonfire.
"Sus. Kinilig ka lang eh" sabi niya at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.
"I hate you!" sabi ko sakanya at inirapan siya, tinawanan lang naman niya ako at nauna ng maglakad.
"Hey girls!"
"Kamusta Mira? Maganda ba dito?" tanong ni Luke sakin. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid para mapagmasdan ito.
"Oo. Maganda." sabi ko naman.
"Right. Sobrang ganda." pareho kaming napatingin ni Luke sa direksyon ni Sean at nahuli ko siyang nakatingin sa direksyon ko pero agad ding umiwas ng tingin.
"Iba naman ata ang tinutukoy mo, dude!" pangg-aasar naman ni Luke. Hinayaan ko nalang sila at tahimik na naupo habang kumakagat sa hotdog ko.
"Cancel na daw ang pasol tomorrow, meron din atang papasok na bagyo kaya makulimlim nung mga nakaraan" Luke said while checking his phone.
"That's good"
"Bibili muna ako sa grocery ng other needs" he paused at may kinuha sa bulsa niya. "I have a list, don't worry guys" nakangiting sabi ni Kierth.
"Samahan na kita, dude"
"No, thanks. Assist mo nalang sila sa mga room" he said at tumingin samin "Una na ako hah!" paalam niya at naglakad papunta sa motorbike niya, umalis narin siya kaagad.
"Okay lang ba na mag-isa siya? Medyo makulimlim na at parang malakas na ulan yan" sabi ni Trisha. Tumingin ako sa paligid at makulimlim na nga, malakas pa ang hangin.
YOU ARE READING
Love that we only know (COMPLETE)
Teen FictionHer name is Mira Jane Lopez. Raise by a loving family and environment, believing that love is all around. But who will thought that behind those love are lies? That after the happy times are the painful reality? There are a lot of people we met in l...