33 - Group Work

48 4 0
                                        

MIRA POV.

"Kuya? Pwede mo ba akong ihatid kina Sean? Last day na kasi namin ngayon para gawin ang project namin"


It's already 1st week of October. After the cause presentation and some events, we've become busy for our activities, reporting and prelims exams. This week we will be having a group project.


"Sure"

"Thanks! Bihis na'ko" paalam ko at umakyat diretso sa kwarto ko.

Mabilis ako nagpalit ng casual attire at kinuha na ang bag ko, nagsuot lang ako ng flat sandals ngayon. Dumiretso na ako sa baba, nakita ko naman si kuya na naglalakad papunta sa gate namin kaya sumunod nalang ako sakanya.

"Umuwe ka din agad dahil makulimlim, baka malakas na ulan yan"

Tumingin ako sa bintana ng kotse, makulimlim nga ang lakas pa ng hangin.

"Okay"

***

"Wag kayo masyadong magpagabi dahil makulimlim" bilin ni kuya kay Sean.


Nandito na kami ngayon sa bahay nila Sean, nilang tatlo nila Kierth at Luke.


"Don't worry kuya, we'll just finalize our report" sabi naman ni Sean. Tumingin sakin si kuya at pinalapit ako sakanya.

"Take care" he said before he kiss my forehead. Kumaway siya samin at sinarado ang windshield niya tyaka pinaandar ang kotse niya. Humarap naman ako kay Sean na naghihintay sa gate nila ngayon.

"Let's go?" tanong niya, tumango ako sakanya at pinauna niya na akong maglakad. Agad naman akong pumasok sa bahay nila at nakita ang iba pa namang group mates.


"Hello guys!" bati ko sakanila at umupo sa tabi ni Sheena-classmate din.

"We can start already, right?" tanong ni Sean at dun siya sa may center namin umupo, para makita niya kaming lahat-group leader namin siya by the way.

"Our topic is about wellness right? Nakapagresearch narin naman tayo about dun at meron narin namang nagawa na some infomercial. Ang kailangan nalang natin ay yung list ng kada part ng ire-report natin" he paused. Kinuha niya ang laptop niya at may pinakita samin na outline.

"Para naman hindi na masyadong marami ang mag re-report, ako nalang ang magprepresent" suggest ko naman. Tumingin sakin si Sean at tumango.

"Good" he said at sinave na ang outline niya sa laptop "Thank you for all your time I'm  gladly to say na wala naman na palang problema sa report for tomorrow. We should just practice nalang din"

"YES!" we cheer in chorus. Nice we're finally done!

"Hi guys!"

Sabay sabay kaming napatingin sa babaeng nag salita.

"Am I interrupting something?" tanong niya. Walang nag salita pero umiling lang ang iba naming kagrupo.

"I brought something! kumain muna kayo" alok ni Alissa at binuksan yung 3 box ng donuts na dala niya.

"What's bring you here?" walang ganang tanong ni Sean. Lumapit naman si Alissa sa kanya at kumapit sa braso nito.

"Wala, dumalaw lang ako! Sakto wala pala sila Kierth" she smiled sweetly, ngumiwi lang si Sean at kumagat sa donut niya.

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now