45 - With him

81 6 0
                                        

MIRA POV.

"Sean..."

Nandito siya..may kasama ako, hindi na'ko mag-isa..hindi niya ko iniwan.


Mabilis siyang lumapit sakin at hinila ako patayo at agad na niyakap ng mahigpit.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, kasing bilis nung panahong una niya akong niyakap.

Kasing bilis nung panahong nararamdam ko na.. na mahal ko na siya..

"S-Sean"

Hindi ko alam kung anong meron sa'kin.. parang bigla nalang akong nabunutan ng tinik at nawala lahat ng takot ko nang makita ko siya.

Tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Kusang kumilos ang mga braso ko at niyakap siya pabalik..

"I'm sorry..."

Madiin kong pinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko para akong hihimatayin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko man lang magawang mag salita at magalit sakanya, bigla nalang umurong ang dila ko at napipe.

"Hindi ko ginusto na saktan ka, hindi ko intensyon na lokohin ka" he said with a sincere tone while still holding me.

"Lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo, that's all true, we call off the bet after a month, after I realize that... that I already like you"

Nakikinig lang ako at hindi nag-sasalita. Pakiramdam ko bawat salitang sinasabi niya ay nag-papalambot ng tuhod ko.

Gusto kong maniwala, pero paano kung lokohan nanaman eto? Paano kung lokohin nanaman niya ako?

"I realize na sa bawat araw na lumilipas at bawat araw na nakikilala at nakakasama kita, I start to feel something special for you," mahinang sabi niya at bahagyang hinalikan ang ulo ko "You have something special that made me fall in love, Mira Jane."

Idinilat ko ang mga mata ko,dahan-dahan niya akong inilayo sakanya at tinignan ako diretso sa mata ko, tinignan ko lang din siya at hindi nagsalita.

"You're the girl I like, you're the girl I want and I don't want to lose you,"

Hinawakan niya ang mag-kabilang pisngi ko at bahagyang inilapit sa mukha niya. Pinagdikit niya ang mga noo namin kaya nararamdaman ko na ngayon ang malalim niyang hininga.

"Please, forgive me."


"Hindi ko pa kaya..hindi ngayon, Sean" pilit kong inilayo ang sarili sakanya at agad na tumakbo sa pintuan kinalabog ko iyon dahil hindi mabuksan.

"Argh!"

"Mira.. stop."

Hinawakan ni Sean ang mag-kabilang braso ko at hinarap sakanya.

"Ano ba?! Aalis na'ko!" sigaw ko sakanya. Binitawan niya ako mahigpit na humawak sa pader, pinipigilan ang sarili na sumabog.

"I don't want to!"

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko, pero mabilis ko ring tinanggal.

"Please.. Wag mokong pahirapan! Gusto kitang patawarin pero bumabalik parin sa isip ko kung ano yung ginawa mo, kung ano yung ginawa niyo!"

Natumba ako at napaupo, hinang-hina at pagod na pagod na ang katawan ko, gusto ko nang sumuko at magpahinga.


"Mahal kita...mahal na mahal kita"


Alam ko...pero bakit? Bakit ginawa moto? Sobrang sakit, hindi ko na alam kung paano pa mag-sisimula ulit.

"Tumigil kana, Sean! Hindi mo'ko pwedeng mahalin!"

"Bakit? Bakit hindi--"

"Dahil magpapakasal na'ko!"


Parang nag-echo ang boses ko sa apat na sulok ng bahay dahil sa sobrang lakas. Seryosong nakatingin lang sakin si Sean, nakatingala ako sakanya mas lalong nanghina ang buong katawan ko nang unti-unting bumagsak ang mga luha niya..

Mga luha niya na never ko nakita.. parang kusang nag-desisyon ang pagod kong mata at nag buhos din ng luha.

Si Sean..siya yung taong ayoko, pero kusa ko nalang ginusto.

Sinaktan niya ko, pero siya parin yung gustong-gusto ng puso ko.

Sa bawat araw na lumilipas mas nahihirapan akong ibalik ang tiwala ko, pero habang nahihirapan ako gusto kong yumakap at manatili sa tabi niya..sakanya na isa sa mga dahilan ng pag-hihirap ko.

"I'm sorry..aalis na'ko" mahina kong sabi. Seryoso parin ang mga namumugto niyang mga mata.

Tumayo ako at inabot ang pinto...nakabukas na, nakabukas na... paano nangyaring nabuksan ito? 

"I am Sean Alejandro Hernandez"

Dahan-dahan akong lumingon sakanya..He's Sean Alejandro Hernandez? That is the first line he said when we first met.

"I'm the only prince of Hernandez and I can deal with everything"

Mabilis siyang lumapit sa'kin at tinulak ng malakas ang pinto.

"Ugh! Damn you, Kierth!"

Nakatingin lang ako sakanya, he's just standing there, observing the dark place. I don't know what to do now, I want to hold in to him, but I am afraid to be left alone again.

Bat ganun? Ano bang ginagawa niya? Uma-arte ba siya na wala kaming problema para hindi ako umalis? Nahihirapan ako... hindi ako komportable sa sitwasyon namin.

"Sean?"

Lumingon siya sa'kin habang nakahinto sa pag-aayos ng dalawang sofa, pinag-didikit niya ang mga ito.

"Ano bang gusto mo? Bakit--"

"Gusto ko lang na makasama ka," he paused and stare deeply through my soul "Gusto kong iparamdam sayo na totoo ang pagmamahal ko" tumayo siya at pinag-pag ang kamay tyaka tumingin ulit sa'kin "Madami akong gustong iparamdam sayo, na hindi ko magagawa kung aalis ka."


Nabibingi na ako, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naririnig niya ba? Alam niya din ba ang nararamdaman ko para sakanya?

"Kahit may mali ako, gusto kong maging komportable ka kasama ako, hindi man kita mapasaya dahil sa sakit na binigay ko, sa pag-hihirap mo na ako ang dahilan, sa mga problema mo na nag-papabigat sa loob mo,"

Mabilis siyang lumapit at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Kahit ganun, I want you to feel that, I'm here, I'm here loving you.."

Kusang tumulo nanaman ang mga luha ko, natatawa ako dahil hindi ko alam kung kailan ba titigil ang mga luha ko sa pagbagsak.

"Nahihirapan ako ngayon.. k-kaya gusto kong lumayo  s-sayo, pero b-bakit pakiramdam ko pag-lumayo ako sayo, mas lalo lang akong mahihiirapan?"

Isinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at hinayaan akong umiyak, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman..

"If I can deal with everything right now, hindi ka na sana nahihirapan"

"No. You can't handle everything in your own.." mahina kong sabi at dahan-dahan kong ipinulupot ang braso ko sakanya.

"No. Kaya ko lahat kahit mag-isa lang ako, kahit mahirapan ako at kahit pa masaktan ako" mahina niyang sabi at mas lalong hinigpitan ang yakap sa'kin "Because I know after all the hardships is your happiness, your happiness is my safe place"


Sinubukan kong itaas ang ulo ko pero niyakap niya lang ulit ako ng mahigpit.

"I love you,"

I love you too...

Love that we only know (COMPLETE)Where stories live. Discover now