Chapter 1

10.9K 174 6
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Mariyah habang nakaupo sa mataas na damuhan na iyon sa Tagaytay. Hindi niya akalain na kaya niyang gawin iyon maliban sa nakasanayang pangho-hold-up at pagnanakaw sa mga kalsada sa Maynila. Kahit labag na sa kanyang puso ay pinangako na niya sa sarili na huli na ito at magbabagong-buhay na siya bukas na bukas rin. Gustong-gusto na niyang takas ang masakit na parte ng buhay niyang iyon.

Maingat na lumuhod siya sapat lang para makita ang mansion sa kanyang harapan. Pinasadahan ng tingin ang bawat entrance ng mansion. Naghanap ang kanyang mga mata kung saan siya puwedeng lumusot na walang security guard na makakahuli sa kanya. Nakita niya ang bukas na bintana sa may bandang likuran ng mansion. Mabilis pero tahimik na ginapang niya ang damuhan na iyon sa harap ng mansion. Nang makarating sa tapat ng bukas na bintana ay sinigurado niyang walang bantay sa parte na iyon ng mansion.

Sandali niyang sinilip ang loob at nang mapagtantong walang tao sa loob ay mabilis na tinalon niya ang bintana na halos lagpas balikat niya lang. Marahan na naglakad siya sa loob ng kusina at sumilip sa labas kung mga gising pa. Ala-una na ng madaling araw, siguro naman wala ng gising sa mga oras na ito, no?

Nang makasigurado ay lumabas na siya at tumambad sa kanya ang malaking hagdan ng mansion. Med'yo madilim na ang buong bahay kaya alaya siyang nakapaglakad sa buong bahay. Iniisa-isa niya ang bawat nakasabit sa pader ng mansion. Muntik pa siyang mabangga sa isang stand-vase. Mabuti na lang at nahawakan niya agad iyon bago pa iyon mahulog at lumikha ng ingay sa sobrang tahimik na mansion.

Nakarating na siya sa dulong parte ng mansion sa kakahanap ng sadya niya. Nasaan na ba iyon? Halos mamuti na ang buhok niya kakahanap sa particular na painting. Kung ako ang may-ari, at alam kong maraming puwedeng magkainteres doon, saan ko isasabit ang painting? Mabilis na napatingin sa malaking hagdan sa gitna ng mansion. S'yempre doon sa hindi agad-agad makikita at makukuha. Mabilis na umakyat siya sa pangalawang palapag ng mansion. Tumambad sa kanya ang ilang pasilyo ng mansion. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang maze, at hindi magiging madali ang paglabas niya roon.

Tahimik na naglakad siya sa unang pasilyo na nadaanan niya. Iniikot niya ang paningin niya at halos malula siya sa dami ng paintings na nakasabit sa pader. Kung titingnan ay mukhang mamahalin ang mga paintings doon at gawa ng mga sikat na pintor. Pero bakit may particular na painting na gusting makuha si boss? Halos mapanganga siya nang makarating siya sa dulo ng pasilyo. Pakiramdam niya ay nahipnotismo siya habang nakatitig sa painting na nakasabit sa pader. Hindi niya akalain na ganoon pala kaganda iyon kaysa sa larawang pinakita sa kanya ng kanyang boss.

Kaya naman pala gusting-gusto itong makuha ni boss. Kahit na mukhang simple lang ang painting sa unang tingin ay hindi niya inakalang mukha siyang hinehele habang nakatitig siya. Nakakapang-panatag sa damdamin ang bawat bituin na nasa painting. At kay sarap pagmasdan ang mga punong nakahilera doon. Naikuyom niya ang mga kamao. Kaya ko bang nakawin ito?

"Sino ka?"

Nanlaki ang mga mata niya nang may magsalita sa likuran niya. Nalintikan na! Mabilis na nag-isip siya ng dapat gawin. Unti-unti niyang dinala ang kanang kamay sa kanyang harapan. Hindi niya pinahalatang may kinukuha na siya sa likod ng kanyang damit.

"Anong ginagawa mo dito?"

Kagat ang mga labing mabilis na hinugot niya ang baril na nakaipit sa kanyang pants at humarap sa taong nagsalita. Hindi niya akalaing magagamit niya ang pinabaong baril sa kanya ng kanyang boss. Halos mapanganga naman siya nang makita ang mukha ng lalaking nakahuli sa kanya. Jusko, Mariyah! Ang g'wapo! Hindi ko kayang patayin 'to! Tatakutin ko lang! Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baril. Pinasadahan niya ng tingin ang g'wapong binata sa harap niya. Pointed nose, perfect eyebrows, nice curved-jaws and red lips. Shet, Mariyah! Magnanakaw ka sa paningin niya! Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng binata.

"Wala akong gagawin sa'yo. Patakasin mo lang ako," sa mga oras na iyon ay gusto na lang niyang umalis.

Nawala na ang pagkagulat sa mukha nito. Napaltan na lang ng pagka-seryoso at napangisi na lang ito sa sinabi niya.

"You trespassed in our house then I caught you. And now, you're just going to say that I should let you out like there's nothing happened?"

Napakura-kurap siya. Mukhang mahihirapan siya sa isang 'to. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa baril na nakatutok rito. Hindi naman siya naging handa sa sumunod na ginawa nito. Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang sinapin nito ang mga kamay niya dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril. Mabilis na tinakbo niya ang pinagbagsakan ng baril pero mabilis rin siyang nahawakan ng lalaki sa kanyang braso. Tinulak siya nito dahilan para bumangga ang katawan niya sa pader. Pero bago pa maitutok ng lalaki sa kanya ang baril ay sinunggaban niya ito at inagaw ang baril sa kamay nito.

Pareho silang napatitig sa isa't isa nang umalingawngaw ang isang putok sa buong mansion. Mabuti na lamang ay nakatutok ang baril sa kisame ng mansion. Mabilis na inagaw niya ang baril at tumakbo palabas ng pasilyo.

"Security!" narinig niyang sigaw ng nakaagawan niya ng baril.

Wala na sa painting ang utak niya. Mas nanaig sa kanyang puso ang sariling kaligtasan. Alam niyang paakyat na ng hagdan ang mga security guards kaya wala siyang choice kundi tumalon sa nadaanan niyang bukas na bintana kahit na nasa ikalawang palapag siya ng mansion. Sumilip siya labas at nakitang puro halamanan ang nasa baba.

Bahala na!

Sumampa siya sa bintana at wala nang isip-isip na tumalon. Naramdaman ng katawan niya ang puro tinik na galling sa mga halaman. Mga rosas pala! Kung minamalas ka nga naman, Mariyah! Mabilis na tumayo siya at lumapit sa bakod at inakyat iyon. Ang makatakas na lang ang tanging nasa isip niya. Kahit masakit ang likod dahil sa mga tinik na bumaon sa kanyang likdo ay kinaya niya pa ring tumakbo palayo sa mansion. Mas pinili niyang dumaan sa talahiban kaysa sa kalsada dahil alam niyang hahanapin siya ng mga security guards ng mga Belgrad.

Hindi naman niya maiwasang maalala ang mukha ng lalaking nakahuli sa kanya. Hindi niya namalayang may sumilay na munting ngiti sa kanyang mga labi. Kaso naalala niya kung ano ang ginawa niya.

Wala na. Wala na agad pag-asa. Kriminal na ang tingin niya sa akin. Baka nga ipahanap pa ako n'un, e. Napabuntong-hininga na lamang siya. Bukas magbabago na ako. Ayoko na. Nalingon na lamang niya ang mansion na halos bubong na lamang ang tanaw niya. Dito na matatapos ang kalokohang ito. Hindi na ako si Mariyah'ng magnanakaw bukas, sa pagsikat ng araw.

------------------------

Follow me!
Facebook: @mairigellostories
Instagram: @mairigello
Twitter: @mairigello
Booklat: @mairigello
Wattpad: @mairigello
Gmail: mairigello@gmail.com

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon