"ANONG IBIG sabihin nito?"
Pumunta si Edgar sa himpilan ng araw na iyon. Nakatanggap siya ng text message mula kay Chief Inspector Vergara na may resulta na ang pinagawa niya sa hiniling niyang research team. Pagkapasok niya ng opisina ng chief inspector ay inabot na sa kanya agad ang isang brown envelope. Nang buksan niya ang laman niyon ay may mga nakita siyang mga larawan at ilang documents. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang matatanggap niyang resulta mula sa research team na hiniling niya.
"That's 98 percent accurate," singit ng chief inspector sa pagitan ng pagbabasa niya sa mga documents na nakuha niya sa loob ng envelope.
Binalik niya sa loob ng envelope ang mga larawan at documents. "Thanks for this. I owe you big one."
"You're always welcome, Mr. Belgrad. Minsan lang talaga magulo ka mag-isip."
Natawa siya sa sinabi nito. Pagkatapos makipagkamay ay lumabas na siya ng opisina nito. Mukhang magiging mahaba ang araw na iyon para sa kanya.
ABALA SI Mariyah sa pag-aayos ng kanyang tinutuluyang apartment ng may biglang kumatok sa kanyang pinto. Mabilis niyang tinapos ang pagsasalansan ng mga gamit siya sa mesa saka pinasadahan ng tingin sa kanyang life-size mirror. Dumiretso siya sa kanyang pinto at mabilis na binuksan iyon. Automatic na ang ngiti niya pero biglang nabura iyon nang makilala kung sinong bisita.
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya maitatanggi na nagalak ang puso niya nang makita si Edgar pero ang utak naman niya ang nagsasabing hindi niya dapat ito pinapansin.
"Kumusta?" bakas ang ngiti sa mukha nang pagbuksan niya ng pinto.
"Okay na 'ko," aniya.
"Can we talk?"
Nababanaag niya ang pagmamakaawa sa boses nito kaya maluwag niyang binuksan ang pinto at hinila ang isang upuan para dito. "Pasensya na, maliit lang ang tinutuluyan ko."
"Okay lang," anito nang may ngiti sa labi. "At least pinatuloy mo 'ko."
"Ano bang kailangan mo?"
Nagkagat-labi muna ito bago tumayo at lumapit sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba nang ilabas nito mula sa likuran ang isang brown envelope at inaabot sa kanya.
"A-Ano 'yan?" ngarag na tanong niya.
Tumukhim muna ang binata bago nagsalita. "Ito ang dahilan bakit may hawak na larawan mo ang pulis na nakasalubong mo sa Belworts."
Hindi niya alam kung bakit nanginig ang buong katawan niya sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang laman ng envelope. Kahit natatakot ay nginig ang mga kamay na inabot niya ang hawak nitong brown envelope.
"I did everything to help you. To find yourself."
Hindi niya alam kung bakit biglang nangilid ang mga luha niya at pakiramdam niya ay kapag nakita na niya ang mga laman n'on ay kusang tutulo ang mga luha niya.
"Mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa'yo. Sana hindi ka magalit na hinanap ko ang nakaraan mo."
At tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya nang makita niya ang mga larawan na nakatago sa loob ng envelope. Natutop niya ng sariling palad ng bibig nang makilala ang babae sa larawan. "S-Siya 'yung babae sa panaginip ko," sabay lingon kay Edgar na nakatingin lamang sa kanya. "S-Siya 'yung may hawak sa kamay ko."
"She's your mom."
Tinitigan niyang maigi ang larawan. Kitang-kita niya ang sarili sa mukha ng ina. Kuha ang larawan sa isang bahay na barong-barong at karga siya ng babae sa mga hita nito. Kitang-kita niya ang matamis na ngiti ng ina habang karga siya. Tiningnan niya pa ang ibang larawan. Kuha lamang ang ibang larawan sa parehong lugar pero may mas pumukaw ng pansin niya ang isang particular na larawan kung saan karga naman ng isang lalaking pamilyar sa kanya ang isang batang babae na sa tingin niya'y nasa dalawang taong gulang pa lamang. Tinitigan niyang maigi ang mukha ng lalaki at halos buhusan niya ng malamig na tubig nang maaalala na niya kung saan niya nakita ang lalaking iyon.
"He's your father."
Bigla ay nabitawanan niya ang mga hawak na larawan at halos ang umikot ang mundo niya nang marinig ang huling sinabi ni Edgar. Mabilis naman siyang nahawakan nito at kinulong sa mga bisig nito. Pakiramdam niya ay nawala siya sa kanyang ulirat nang mapagtagpi-tagpi niya ang mga nangyari.
"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" bulong niya rito. Sinubukan niyang kumawala sa mga bisig nito pero hindi siya pinagbigyan. "Sabihin mo nagbibiro ka lang, 'di ba!"
Narinig niya ang mahinang paghikbi ni Edgar kasabay ng mga hagulgol niyang bumalot sa buong apartment. "Sana nga lang biro lang ang lahat."
"Edgar!" mariin niyang pinaghahampas ang dibdib nito sabay ng unti-unti niyang pagluhod sa sahig. "Edgar! Hindi ito totoo! Edgar!"
Pilit siya nitong hinawakan pero nagpupumiglas siya. "Iyah."
"Bakit ganito, Edgar?!" aniya sa pagitan ng mga iyak niya. "Bakit pinaglalaruan ako ng tadhana?!"
Mabilis na kinabig siya ng binata at sinandal ang ulo niya sa dibdib nito at pilit na pinapatahan siya. "Tama na, Iyah."
Pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng karimlan sa kanyang sarili. Hindi pa rin niya lubos maisip na nagkabuhol-buhol ang buhay niya. Kasabay ng pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata ay ang patuloy na lumalalim ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso.
"Sabihin mo sa akin hindi ito totoo, Edgar. Hindi ito totoo! Hindi!"
Pilit siyang pinapatahan ni Edgar. Hindi niya alam kung kailan hihinto ang mga luha niya. At hindi niya alam kung may katapusan pa ba itong paghihirap niya para lang malaman niya nag tunay na katauhan. Hindi niya lubos maisip na ganito pala ang mangyayari. Lalo lang pala siyang masasaktan kapag pilit niyang hinahanap ang katotohanan. Hinayaan niya lang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa bisig ng binata. Hindi na niya namalayan ang oras.
------------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...