"WE SHOULD celebrate for the success of The Avenue July 2018 issue."
Hindi alam ni Mariyah kung bakit kasama siya sa meeting ng mga officers ng Belworts. Nasa loob sila ng conference room. Mabuti na lamang ay nasa dulo siya ng mahabang mesa na iyon. Katabi niya si Katrina na nagtext sa kanya na may lakad daw sila kaya naman dali-dali siyang nag-ayos, iyon pala ay dito siya dadalhin sa Belworts. Pilit niyang iniiwas ang tingin sa lalaking nasa gitna sa kabilang dulo ng mesa.
"Positive ang feedback ng mga tao sa July issue natin," nakilala niya ang boses ni Randy. "I read some comments on our page and they said that the articles about the models and dresses are perfectly motivates them to be their own style."
"It's a challenge for us to maintain the standards of our customers ngayon napansin nila ang pagbabagong binigay natin sa kanila ngayon," isang matandang babae na nakilala niyang si Mrs. Ramona Esqueta, ang managing editor ng Belworts.
"Pero saka na muna 'yan," agaw ni Haley, ang beauty editor na naalala niyang nag-make-up sa kanya. "We need to celebrate first! Sa bahay ulit ni Sir Edgar!"
Bigla naman siyang napatingin sa mga officer ng Belworts na nag-uusap. Hindi na niya nabawi ang tingin nang magtama ang mga mata nila ni Edgar. Hindi niya nakikitaan ng pangsang-ayon at pagkontra ang mukha nito sa suhestyon ng mga kasama nila.
"Oo nga!" si Katrina. "Hindi pa nasusubukan ni Iyah na dumalo ng thanksgiving party."
Bigla namang napalingon siya kay Katrina nang idamay nito ang pangalan niya. Hinawakan niya ito sa braso pero kinindatan lamang siya nito. Ito na nga bang pinag-aalala niya. Napabuntong-hininga na lamang siya.
"As usual," si Randy. "Si Nanay Ramona ang magluluto."
"Okay lang basta huwag lang si Edgar," si Mrs. Esqueta.
Narinig na lang niya ang tawanan ng mga kasama niya pero hindi maipinta ang mukha niya. Nag-iisip na siya ng kung anong puwedeng idahilan para hindi siya mapilit ni Katrina na dumalo.
"This Saturday," narinig niya ang boses ni Edgar pero hindi siya nag-abalang lingunin ito. "Everyone is invited."
At palakpakan na ng lahat ang sunod niyang narinig. Niyugyog siya ni Katrina pero hindi siya sumagot. Abala siyang mag-isip kung paano siya lalagnatin sa Sabado.
NARARAMDAMAN NIYA ang malamig na simoy ng hangin sa gabing iyon habang malayo ang tingin sa mga bituin na nagbibigay liwanag na lamang sa kanyang madilim na paligid. Nakita na lamang ni Mariyah ang sarili na nakatanaw sa malawak at maingay na lungsod ng Maynila; ang lugar na yumakap sa kanya hanggang sa magkamulat siya at matutunan ang kaharasan na bumuhay sa kanya. Naroon siya sa rooftop ng inuupahang apartment. Madalas kapag gusto niya ng katahimikan ay tumatambay siya roon. Siya lang halos ang madalas umaakyat doon kapag naghahanap ng katahimikan.
Kinukulob na naman siya ng kalungkutan at paghahanap ng sariling katauhan. Mariin niyang naipikit ang mga mata habang nakatingala sa kalangitaan. Umaakyat na naman ang karimlan sa kanyang buong pagkatao. Pilit hinahanap ang sarili sa halos dalawampung taon na ang lumipas. Nakita niya ang sarili na pagala-gala sa marungis at masikip na kalsada ng Maynila. Kung saan-saan siya lumulusot pero hanggang ngayon ay hindi niya alam ang patutunguhan. Saan nga ba ang destinasyon niya?
' Sa pagdilat ay naramdaman na lamang niya ang malamig na likidong tumulo mula sa kanyang mapungaw na mga mata. Gabi-gabi na lamang siyang naghahanap. Gabi-gabi na lamang siyang nag-iisip. Ano nga bang direksyon ang dapat niyang tahakin? Saan nga ba papunta ang direksyong nasa harapan niya?
Nayakap na lamang niya ang sariling mga tuhod habang nakasalampak sa malamig na sahig ng lugar na iyon kung saan naging saksi ang mga gabi niyang nababalutan siya ng pagtataka at paghahanap ng sariling katauhan.
--------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...