"PASENSYA NA, Mariyah, pero sadyang makulit ang binatang nanliligaw raw sa'yo. Hindi ko siya mapaalis."
Halos dalawang linggo na siyang hindi pumapasok sa Belworts simula nang makita ang larawan niyang hawak ng isang pulis. Hindi niya alam kung may dapat ba siyang ipagpasalamat dahil nakabungguan niya ito o hindi. Ganoon na lang sama ng loob niya kay Edgar na sa kabila pala ng pagpapakita nito ng kabutihang-loob sa kanya ay may balak pa rin pal itong ipakulong siya. Akala niya ay kakalimutan na nito ang nagawa niyang atraso dito. Iyon pala ay pinaglalaruan lang pala nito ang buhay niya at ang puso niyang nalilito na. Hindi na niya maitatangging nagustuhan niya ang magandang pinapakita sa kanya ng binata. Hindi na nga rin niya alam kung bakit sobrang masakit para sa kanya na ma-realize na pinaglaruan lang pala siya nito para mapaniwala siya gayong alam naman niya sa sarili na sa una palang ay gusto na siya nitong ipakulong.
Sa dalawang linggong hindi niya pagpasok sa Belworts ay sinubukan niyang maghanap ng ibang trabaho kahit na may kontrata pa siya roon. Kahit paano ay may kikitain pa siya kung sakaling kailanganin niya ng abogado.
"Sige po, Aling Conchita. Ako na pong bahala," aniya sa landlady niyang sumalubong sa kanya.
"Kanina pa siya nand'yan. Sinabihan ko na bumalik na lang pero nagmatigas na maghihintay siya. Mukha naman siyang seryoso kaya pinagbigyan ko na kahit med'yo napagtripan ng mga nag-iinuman kanina. Pinapasok ko na nga muna sa bahay, e."
Tumango-tango siya. "Sige po. Salamat po."
Pumasok na ang matanda sa bahay nito. Dumako naman ang tingin niya sa lalaking nakasalampak sa sahig at mukhang nakatulog na sa kakahintay. Naipagdikit niya ang mga labi. Hindi rin naman niya alam kung gigisingin o hayaan itong matulog sa lapag. Sa lahat ng tao, ito ang pinakaayaw na niyang makita. Kung bakit kasi nagkrus pa ulit ang mga landas natin. Mahinang sinagi niya ang tuhod nito gamit ang kanyang paa. Mukha namang nagising niya ito dahil sa mahinang pag-ungol nito at iniangat ang ulo. Nakita niyang ngumiti ng makita siya. Mabilis na tumayo ito at hindi niya agad nahulaan ang sumunod na kilos nito. Bigla siya nito nayakap na ikinagulat niya.
"Iyah!" tawag nito sa pangalan niya.
Marahas na inilayo niya ang sarili sa pagkakayakap nito. "Anong ginagawa mo rito?"
"Mag-usap tayo," nahahamigan niya ang pagmamakaawa nito. "Please?"
"No," mariin niyang tanggi. "Wala naman tayong dapat pag-usapan."
"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla kang nagalit sa akin. Sabihin mo kung anong problema. Akala ko okay na tayo?"
"Akala ko din, e." Pilit niyang pinipilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. "Akala ko okay na. Akala ko kakalimutan na natin ang nangyari."
"Oo nga. Kakalimutan na natin, 'di ba?" gusto siyang hawakan nito sa balikat pero umatras siya. "Iyah?"
"Bakit may hawak na larawan ko 'yung isang pulis na nakasalubong ko sa Belworts?" nilakasan na niya ang loob para itanong ang nalaman niya. "Pinapasundan mo ba ako?"
"Hindi!" nakita niya ang pagkagulat at pagkataranta sa mga kilos nito. "Hindi kita pinapasundan."
"Bakit may pulis?"
Umiling-iling ito. "Iyah, hindi kita pinapasundan sa pulis. Maniwala ka."
"Bakit may pulis, Edgar?! Bakit nakaipit sa gamit niya ang larawan ko?! Paano mo ipapaliwanag 'yon?!" Hindi na niya naiwasang mapasigaw sa sobrang galit.
Nakikita niya ang paghihirap sa mukha nito na magsabi sa kanya. "Maniwala ka, Iyah. Hindi iyon dahil sa nawalang painting. Nakita ko na pero hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ikaw."
Saglit siyang napatulala sa sinabi nito. Ang hirap nang paniwalaan ang mga sinasabi nito sa kanya. Hindi na niya alam kung anong totoo sa kasinungalingan lang.
"Iyah," sabay hawak sa mga balikat niya. "Hindi na mahalaga 'yung painting. Ang mahalaga na sa akin 'yung mapasaya kita. Gusto ko may magawa man lang ako para sa'yo."
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Mahal kita."
Hindi agad siya nakauma sa huling sinabi ni Edgar. Tulala lang siyang nakatingin sa mga mata nito. Hindi man lang niya nahulaan ang sasabihin nito kaya hindi agad siya nakapag-react. Gusto niyang magsalita pero walang lumabas na anumang salita sa bibig niya.
"Maniwala ka. Hindi ko alam. Basta, isang araw hinahanap-hanap na lang kita. Isang araw, paggising ko, kasiyahan mo na lang 'yung gusto kong gawin. Hindi ako mapakali kapag wala ka sa tabi ko. Naiinis ako kapag nagagawa kong makasama ka peor hindi ko man lang magawang umamin. Hindi ko kailan nagsimula. Basta naramdaman ko na lang. Hindi naman 'yun kailangan i-explain, 'di ba? Basta naramdaman ko na lang. Hindi ka na mawala sa isip ko. Pati sa mga panaginip ko dati, 'yung mga mata moa ng lagi kong nakikita."
"Sinungaling," hindi niya alam ang dapat sabihin sa bigla nitong pagtatapat sa kanya. "Ni hindi mo nga kayang sabihin sa'kin bakit may pulis. Bakit hawak niya ang larawan ko?"
"Iyah," nakita niyang tumulo na ang luha nito sa mga mata sa pagtawag ng pangalan niya.
Gusto man niya itong yakapin pero mas nananaig ang galit sa kanyang puso. "Kakausapin lang kita kapag nakapagsabi ka na sa akin ng totoo." Binuksan niya ang pinto ng kanyang apartment at hindi na niya hinintay na mapigilan pa siya nito. Narinig pa niyang tinawag ulit nito ang pangalan niya pero hindi na niya ito pinagbuksan pa.
Naipangtakip na lamang niya ang sariling mga palad sa bibig para mapigilan ang paghikbi niya. Sabay nang unti-unti niyang pag-upo habang nakasandal sa pinto ay sabay din ng unti-unting pagbagsak ng kanyang mga luhang kanina pa pinipigilan. Hindi niya ginusto na ganito ang mangyari sa kanila ni Edgar. Kahit na ilang beses pang itanggi ng kanyang puso pero nagagalak ang kanyang puso nang malamang mahal rin pala siya ng binata. Hindi na rin niya maitatangging nahulog na rin ang loob niya sa binatang tanging nagparamdam sa kanyang karapat-dapat siyang mahalin sa kabila ng pangit niyang nakaraan.
Pero hindi pa rin maitatagong may pumapagitan sa kanilang dalawa. Kahit na gusto niyang ibalik ang pagmamahal na handing ibigay sa kanya ng binata ay hindi pa rin niya matanggap na nagsinungaling ito sa kanya. May tinatago pa rin sa kanya ang binata at hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito makapagsabi sa kanya ng totoo. Lumalalim lang ang gabing hindi naging maganda ang naging huling pag-uusap nila ni Edgar. Hindi na rin niya namalayang nakatulog na pala siya habang umiiyak.
---------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...