Chapter 2

7.4K 149 10
                                    

After three years

"WE STILL need to find some models to be featured in our magazine."

Abala siya sa pagbabasa ng latest fashion magazine na inilathala nila noong nakaraang buwan. Maganda ang feedback ng mga tao sa kanilang magazine. Malaki rin naman ang pasasalamat niya sa kanyang mga staff dahil sa loyalty ng mga ito sa kanilang kumpanya.

Napatingin siya sa kanyang editor-in-chief nang magsalita ito. "Sa tingin mo makakabuti iyon sa The Avenue?" Iyon ang official fashion magazine title nila.

Tumango si Mrs. Ramona Esqueta, ang EiC. "We need to offer our readers new faces of our magazine. Iba-iba nga ang damit pero iisang tao lang, 'di ba parang sa kanya lang nagpi-fit ang mga damit. Iba-iba rin naman ang itsura ng tao. We should offer models that our readers could reflect themselves."

Tumango-tango siya. Tama rin naman ang kanyang EiC.

"Sir," tawag sa kanya ng kanyang managing director. "Ms. Katrina Belarmino will have a fashion show this Saturday. I think we can consider her models since she is a very known designer. Minsan na rin siyang nag-contribute ng mga dress niya sa mga models natin last year."

Binitawan niya ang hawak na magazine. "I didn't receive any invitation from her."

"Ah, she called me, Sir," ang kanyang fashion editor. "Puwede daw po tayong pumunta without any invitation since she had been our contributor last year."

He nodded. "So, may lakad pala kayo sa Sabado." Ngumiti siya sa kanyang mga staff.

"Ah, Sir," tawag ni Randy, ang kanyang fashion editor. "Sabi po ni Ms. Katrina pumunta po kayo. She will introduce a model to you."

"Kailangan ba talaga nandoon ako?" napakamot siya sa kanyang ulo. "Hindi rin naman kasi ako sanay pumunta sa mga ganyan.

"Sabi po kasi niya you would like her model. Mag-iinvest daw po siya ulit ng designs sa atin if ever na magustuhan niyo ang model niya."

"Why don't you try it, Edgar," si Mrs. Esqueta. "Since you are in a fashion industry, 'di ba dapat umaattend ka sa mga ganyang gatherings."

Kapag ang matandang EiC na niya ang nagsalita ay wala na siyang choice. Halos ito rin ang nag-guide sa kanya nang hawakan niya ang Beltworts Publishing Inc. Kasabayan nito ang kanyang mga magulang habang sinisimulan ng kanyang yumaong ina ang kumpanyang iyon. Napatango na lang siya habang nakangiti ito sa kanya.

"All right then," aniya. "May lakad pala tayo sa Sabado." Pilit niyang pinasaya ang kanyang boses habang nagpalakpakan ang mga staff niya.

"FIERCE EYE!"

At tumitig naman siya ng seryoso sa harap ng camera. She's wearing a pink Pussyfoot and a pink trousers and earrings made by the jeweler Ms. Sepa Bohol. Iba't ibang pose na ang ginawa niya at mukhang nagugustuhan naman ng photographer ang bawat kuha sa kanya. This is what she really want. This is what she really want to be. Ang malayo sa kanyang nakaraan. Ang malayo sa malawak na kalsada ng Maynila.

"Good job, Iyah!" bati sa kanya ng kanyang kaibigan na si Katrina. Ito ang naka-discover sa kanya para maging isang modelo. Lumapit ito sa kanya mahigpit na niyakap siya. "Sabi ko na ng aba magaling ka dito."

Napangiti siya. "Salamat. Kung hindi rin naman dahil sa'yo wala ako dito."

Pinisil nito ang pisngi niya na nakasanayan na nitong gawin. "Huwag kang male-late sa fashion show ko sa Sabado. Ikaw ang main dress ko."

Tumango-tango siya. "Promise."

"O, siya, gusto mo bang kumain muna sa labas?"

"Sige."

Niligpit na nila angbawat kagamitan sa studio ni Katrina. Ang editor na ang bahala sa mga larawangkuha niya. Dinala na siya ni Katrina sa paborito nitong restaurant alongMakati. Malaki ang pasasalamat niya kay Katrina. Kung hindi siya nitotinulungan tatlong taon na ang nakakaraan ay wala siya ngayon kung anuman ang mayroonniya. Hindi rin lingid sa kaalaman ni Katrina ang naging buhay niya bago mag-krusang landas nila sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Cavite. Pinasakay siya nitosa sasakyan nito kahit wala itong alam tungkol sa kanya. Hindi itonagdalawang-isip na tulungan siya. Nagbagong-buhay siya sa tulong na rin niKatrina. Kaya hanggang ngayon ay tumatanaw pa rin siya ng utang na loob sababae. 

-------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon