Chapter 14

5.3K 121 20
                                    

PILIT PINAGSIKSIKAN ng batang Mariyah ang kanyang sarili sa bilog na bato sa masikip na iskinita na iyon. Hindi na niya alam kung nasaan na siya at kung bakit siya naroon nnag gabing maulan na iyon. Ang naalala niya lamang ay may nakahawak sa kanyang kamay pero napabitaw siya nang magsimulang magsitakbuhan ang mga tao sa isang malaking lugar. Sa kakatakbo niya ay napadpad siya sa isang mabaho at masikip na lugar na iyon.

"Mama!" malakas ang mga iyak niya na halos dinig sa buong iskinita na iyon. Iniikot niya ang kanyang paningin pero walang taong dumadaan sa lugar na iyon. Nayakap na lamang siya ang kanyang sarili dahil sa lamig nararamdaman niya sa kanyang balat. Paulit-ulit lamang ang sigaw niya. "Mama!" pero walang dumarating para kunin siya.

Napayuko na lamang siya. Dinig na dinig ang bawak paghikbi niya. Nakaramdam siya ng takot nang may marinig siyang mga yabag sa 'di kalayuan. Pilit niyang tinatago angs arili upang hindi siya makita kung sinuman.

"Mariyah?"

Napaangat siya ng ulo nang marinig ang boses ng isang lalaki na tinawag ang kanyang pangalan. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng tuwa na may kukuha na sa kanya. Nakita niya ang palad ng lalaking tumawag sa kanya. Hindi siya nagdalawang-isip na abutan ang mga kamay ng lalaki. Nakita niya ang ngiti nito na ikinaluwag ng kanyang damdamin.

Naipunas na lamang ni Mariyah ang sariling palad sa mga luhang hindi niya namalayang tumulo na pala habang lumilipad ang isip niya kanina. Mas pinili na lamang niyang mag-isa kaysa makisalo sa okasyon na dahilan kung bakit siya nandoon sa verandah at nagmumuni-muni. Tiningala niya ang mga bituin sa kalangitan. Kumikislap sa gabing lagi siyang binabalot ng kalungkutan. Kahit hindi siya tumingin ay alam niyang may tao sa kanyang likuran. Hindi na siya nag-abalang tapunan ng tingin ang gumambala sa kanyang katahimikan.

Napaupo siya sa mga upuang naroon sa verandah habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Umupo rin ang bagong dating sa kanyang gilid. Tanging mesa na lamang ang pumapagitna s akanilang dalawa. At kahit hindi niya ito tiningnan ay nakilala niya ang imahe nito sa gilid ng kanyang mga mata. Laking pasalamat na lamang niya dahil hindi siya nito ginugulo tungkol sa painting.

"Kailan kaya ako kukunin ng mga bituin?" bigla niyang natanong nang hindi siya lumilingon dito. "Kailan kaya nila ko kukunin?"

NAPUKAW ANG pansin niya nang isang maamong mukha na nakatingala sa langit. At mas lalong natuon ang pansin niya rito nang bigla itong magsalita. Buong akala niya ay hindi siya nito papansin. Simula nang banggitin ni Katrina ang pangalan nito kanina habang nagkakasiyahan sila sa loob ng kanyang bahay ay hindi na ito nawala sa isip niya. Naghanap lang siya ng t'yempo kung kailan siya puwedeng makatakas sa mapang-asar niyang mga kasamahan. Nang mapansin med'yo hilo na ang mga kasama ay saka naman siya lumusot upang makapunta sa verandah.

Kung anong lungkot ang lumukob sa pagkatao niya nang makita niyang nagpunas si Mariyah ng luha kanina. Alam niyang may bumabagabag sa isip nito. Bigla ay gusto niyang suntukin ang sarili nang maalala niya ang mga ginawa niya ritong panggigipit. Dahil kaya sa nawawalang painting? Naglakas loob siyang umupo sa kabilang upuan. Hindi naman niya lubos maisip na kakausapin siya nito sa kabila ng mga ginawa niya.

"Bakit mo naman naisip na kukunin ka ng mga bituin?" Hindi niya alam kung bakit sinakyan niya ang tanong nito pero sa tingin niya'y kailangan niyang magpakabait muna kay Mariyah.

Tumungo ito at ngumiti pero nakita niyang hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Baka lang. Baka sakali maawa na sila sa akin at kunin na nila ako."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Mariyah pero nababanaag niya ang lungkot sa boses nito. "Kunin nino?"

Umiling-iling ito. "Hindi ko rin alam."

Gusto niyang abutin ito at maramdaman man lang na kahit may hindi magandang bagay na pumapagitan sa kanila ay puwede itong maglabas ng sama ng loob sa kanya. "Bakit ang lungkot moa ta ngayon? Wala ka bang ibang kasama? Maliban kay Katrina?"

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon