Chapter 13

5K 100 1
                                    

KAHIT HINDI aminin ng kanyang puso ay hindi maiikakaila ng kanyang mga mata na may hinahanap siya sa grupo ng mga taong nagkakasiyahan sa kanyang sala. Abala si Mrs. Esqueta na ayusin at isalansan ang mga handa nila para sa okasyon. Nakita niyang lumapit si Katrina sa kanyang managing director para tulungan itong mag-ayos. Pigil naman niyang lapitan ito upang magtanong. Nagkakasiyahan na ang iba nilang tauhan sa sala ng kanyang bahay sa Quezon City pero pakiramdam niya ay may kulang. Hindi niya maitatangging may hinahanap ang kanyang mga mata.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Lumapit siya sa mga nakakasiyahan niyang tauhan para makisalo. Isa-isa siyang binati ng mga ito para sa success ng The Avenue. Pinasalamatan naman niya ang mga ito para sa dedikasyon sa trabaho. Naging ugali na nilang mag-thanksgiving party tuwing may successful outcome sa trabaho and as usual, sa bahay niya ang venue. Sakto namang lumapit sina Katrina at Mrs. Esqueta dala ang mga pagkain nila para sa okasyon na iyon.

"Iba talaga si Mrs. Esqueta!" papuri ni Randy. "Ready-ing-ready sa mga ganitong okasyon!"

"'Di bale nang mapagod sa pagluluto, huwag lang si Edgar ang magluluto para sa atin," pang-aasar sa kanya ng kanyang managing director.

"Grabe naman iyan, 'Nay!" pagtatampo niya kunwari. Nakagawian na niyang tawagin itong 'Nay' kapag nasa labas sila ng trabaho.

Narinig niya ang malaks na tawa ng mga kasama niya.

"And wine is ready!" sigaw naman ni Haley.

Kinalikot ni Randy ang sound system niya. Nagulat na lamang siya nang umalingawngaw ang boses ni Daryl Ong habang kinakanta ang 'Araw-Gabi'. Napahilamos na lamang siya ng palad sa mukha. "'Yung pang-party na namang kanta, Randy!"

Pero tinawanan lamang siya nito. "Araw-gabi! Nasa isip ka, napapanaginip ka. Kahit sa'n man magpunta," nagawa pa nitong sabayan ang kanta.

"Gabi na kaya. Bawal mangbulahaw ng kapitbahay!" saway ni Katrina sa kanya. "Maganda 'yan. Malamyos ang gabi."

Nakita pa niyang nilapitan ni Haley si Randy at niyaya itong sumayaw sa malamyos na boses ng kumakanta.

"Araw-gabi! Nasa isip ka, napapanaginip ka. Kahit sa'n man magpunta," ulit ni Randy na mukhang iyon lang ata ang saulado mula sa kanta.

Hindi naman niya naiwasang matulala sa ginagawang pagsayaw nila Randy at Haley kasabay ng tugtog. Napailing naman siya nang mabawi na niya ang isip niya. Hindi! Hindi ko na siya napapanaginipan! Napabuka siya ng malalim na paghinga para mawala ang pokus niya sa kanta.

Nagyaya ng toss si Katrina habang hawak nito ang wine glass. Isa-isa namang nagtaas ng baso ang mga kasama niya habang nilalagyan ng huli ng wine ang bawat basong nakataas.

"Cheers!" sabay-sabay na sigaw ng mga kasama niya.

"For the success of 'The Avenue'!"

"For the success of Belworts!"

Nagalak ang puso niya sa kasiyahang nakikita niya sa mukha ng mga kasama niya. Sa tingin naman niya'y hindi siya naging mahigpit na amo sa mga ito dahil nagagawa nilang magsaya ng ganito na para bang hindi siya amo ng mga ito.

"Iyah! Samahan mo na kami dito!"

Hindi naman niya alam kung saan nanggaling ang mga kabayong nagrambulan sa kanyang dibdib nang marinig niya ang pangalan ng isinigaw ni Katrina. Napatingin siya huli pero mali ata ang ginawa niya dahil nakita niyang nakangisi sa kanya si Katrina.

"May hinahanap ka ba?" nakangiting tanong sa kanya ni Katrina.

"Wala!" depensa niya.

"Kanina pa si Iyah sa verandah," agaw ni Haley. "Hindi ba siya sanay pumarty?"

Bigla namang dumako ang tingin niya sa pinto kung saan ang daan palabas ng verandah. May nag-uudyok sa kanyang lumabas pero hindi naman niya alam kung bakit. Ano naman kung ayaw makisali sa kanila ng babaeng iyon? 'Di ba dapat wala na siyang paki?

"Iyah! Hinahanap ka na ni Edgar!"

Napanganga naman siya sa sinigaw ni Mrs. Esqueta. Hindi niya akalain na makikisakay rin ito sa pang-aasar ng mga kasamahan nila sa kanya.

"Hindi siya sanay sa mga party. Kapag sinasama ko siya lagi lang siyang nasa isang sulok. Tulad niyan, mas gusto niyang mag-isa," paliwanag ni Katrina.

Bigla ay hindi niya maiwasang makonsensya sa mga ginawang pang-iipit dito nitong mga nakaraang araw. Hindi niya dapat ata ginawa ang mga iyon. Naupo siya sa isa sa mga sofa sa kanyang sala. Nakuntento na lamang siyang panoorin ang mga kasama niyang nagkakasiyahan habang hawaka ng isang wine glass. Miminsan niyang sinisimsim ang laman niyon hanggang sa maubos at kukuha ulit siya ng panibago.

--------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon