Chapter 19

4.7K 93 2
                                    

HINDI MAITATANGGI ni Edgar na nagugustuhan na niya ang presensya ni Mariyah. Nakikita na lang niya ang sarili na hinahanap-hanap ang dalaga. Maluwag ang kanyang pakiramdam na unti-unti nang nawawala at nabubura sa kanilang isipan ang pangit na nakaraan nila. Mas minabuti na lamang niyang kalimutan ang anumang naging karanasanan nila kaya naging pangit ang unang pagkakakilala nila sa isa't isa.

Bumaba siya ng kanyang kotse at binuksan ang gate ng kanyang bahay. Dahil nagbakasyon sa probinsya ang kanyang nag-iisang kasambahay na si Aling Conchita para bisitahin ang pamilya nito, mag-isa niyang inaasikaso ang sarili. Pagkabukas ay bumalik siya sa kanyang kotse at pinaandar 'yun papasok ng parking lot. Nang mai-park niya ng maayos ay saka siya bumaba ulit para isara ang gate ng kanyang bahay.

Hawak na niya ang bakal na gate ng kanyang bahay nang may maramdmaan siyang sumagi sa kanyang batok. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng panlalamig ng buong katawan at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Naglaks-loob siyang tunti-unting umiikot upang tingnan ang kanyang likuran. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagtanto niya ang sumagi sa kanyang batok kanina. Nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa kanyang harapan ang isang baril at isang lalaking nakaitim at may takip ang bibig. Dahil may hood ang suot nitong jacket ay hindi niya agad maanigan ang mukha nito. Napalunok siya nang mapansin niyang hinigpitan nito lalo ang hawak nab aril na nakatutok sa kanya. Pakiramdam niya ay habulin siya ng mga baril. Panglawang pagkakataon na itong natutukan siya ng baril nang wala man lang siyang kalaban-laban at sa pagkakataong iyon ay mukhang hindi niya puwedeng sipain ang kamay nito dahil sa mukhang mas banat pa ang katawan ng lalaking nagbabanta sa buhay niya.

"We can talk about this," naisip niyang baka pera lang ang habol nito sa kanya kaya nahiling niyang sana ay puwede itong mapakiusapan. Ayoko pa mamatay, p're!

Nakita niyang naningkit ang mga mata nito sa sinabi niya. Umanbante ito na kinaatras niya. Sa mga oras na iyon ay gusto niyang mapasign of the cross kung iyon na ang katapusan niya. Mariin naman siyang napapaikit ng mga mata na para bang handing sanggain ang balang manggagaling sa hawak nitong baril.

"Wala kay Mariyah ang painting."

Ganoon na lamang ang pagkabigla niya at naimulat niya ang mga mata pagkarinig sa pangalang binanggit nito. "Ha?"

"Biktima lang siya ng isang sindikato."

Kahit guso niyang magtanong tungkol sa binabanggit nito sa kanya ay mas nanaig sa kanya kuryosidad kung sino itong lalaking nasa harap niya at bakit alam nito ang tungkol kay Mariyah at sa painting. "Sino ka?"

"Alam kong napapalapit sa'yo si Mariyah."

"Sino ka nga?!" Gusto niya sanang humakbang palapit dito pero bigla naman nitong kinasa ang baril at binalik sa pagkakatutok sa kanya. Mukhang seryoso na ang lalaki sa pagbabanta sa kanya.

"Pigilan mo siyang alamin ang pagkatao niya."

Bigla niyang naikuyom ang mga kamao niya sa sinabi nito. "Karapatan niya 'yon."

"Hindi mo alam ang ginagawa mo. Masasaktan lang siya."

Gusto niyang sugurin ang lalaki dahil sa mga sinabi nito pero naisip niyang baka hindi na siya ganoon kaswerte kapag nakipag-agawan siya rito ng baril at pumutok na sa isa sa kanilang dalawa hindi tulad dating makipag-agawa siya kay Mariyah ay maswerte pang sa kisame ng amnsion nila nakatutok ang baril.

"Sino ka?" paulit-ulit niyang tanong. Hindi kaya? Siya ang ama ni Mariyah?

"Sinasabi ko sa'yo, Mr. Belgrad. Hindi magandang malaman pa niya ang kanyang pinagmulan. Tulungan mo siyang magbago at harapin ang kanyang kinabukasan. Hindi na mahalagang malaman niya ang pagkatao niya."

Gusto niya sanang humakbang palapit dito pero hindi niya inasahan ang sumunod na aksyon nito. Bigla siya nitong hinampas ang baril sa kanyang batok na kinabagsak niya. Hapo niya ang ulo nang habol tingin niya itong sinundan nang tumakbo ito palabas ng kanyang gate. Hindi siya agad nakatayo sa sakit na naramdaman s akanyang batok. Mukhang wala talagang balak ang lalaking iyon na patayin siya kundi balaan lang sa paghahanap ni Mariyah ng pagkatao nito.

Kahit masakit pa rin ang kanyang batok ay pinilit niyang makatayo at isara ang gate ng kanyang bahay. Hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay ay lubog pa rin ang isip niya sa mga sinabi ng lalaki kanina.

---------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon