HABANG NAG-AAYOS ng montly report si Edgar ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya alam kung bakit naging komportable ang pakiramdam niya nang mabasa ang pangalan ng caller.
"Hello?" aniya pagkasagot sa tawag.
"Sir, this is Chief Inspector Vergara. We already have a result about the Dystopia Case. Kung gusto niyong pag-usapan puwede kayong bumisita sa aming tanggapan or do you want to talk about it on your office since alam kong busy kayo."
Hindi niya alam kung bakit mas lalong lumakas ang kaba niya sa ibinalita sa kanya ni Chief Inspector Vergara. Biglang nawala sa kausapin niya ang kanyang isip kundi lumitaw sa kanyang diwa ang mukha ni Mariyah. Nagtatalo ang isip niya kung itutuloy pa ang kaso. Pero alam niya sa sariling kailangan niyang malaman ang totoo.
"Sir?"
Napapitlag siya sa muling pagsalita ng kausap sa kabilang linya. "Ah, yes. Pupunta ako sa office niyo, Sir."
"Ah, sige. Kita na lang tayo sa office."
"Ahm, may hingin pa sana akong pabor, Sir," biglang naalala niya ang naging usapan nila ni Mariyah sa kanyang bahay dalawang buwan na ang nakakaraan. "Okay lang po ba?"
"Sure, Sir."
"Sige po, pag-usapan na lang po natin pagpunta ko d'yan."
"Okay, Sir. Thank you."
"Thank you."
Napatuwid siya ng upo sa kanyang swivel chair at naisandal ang kanyang ulo sa head rest. At this time, nahiling niya na sana tama ang kanyang gagawin. Nahiling niya na hindi siya kamuhian ni Mariyah sa gagawin niyang hakbang. This could be the best for us.
SINAMANTALA NA lamang ni Mariyah ang humanga sa mga editors na nasa harap niya habang nile-lay-out ang mga larawang kinunan kanina sa kanilang photoshoot. Napapatango na lamang siya tuwing tinatanong siya kung okay na sa kanya ang ginawang pagle-lay-out sa mga pictures ng mga modelo. Wala naman siyang alam sa ganoong gawain kaya napapatungo na lamang siya.
"Ang ganda, no? Hindi naman siya masyadong ine-edit. Kita pa rin ang natural beauty ng mga modelo," maya-maya'y komento ni Randy na hindi niya namalayang lumapit na pala sa kanya.
Tumango-tango siya sa sinabi nito.
"Kumain ka na ba?" ani Randy sabay tingin sa relo. "Magla-lunch time na. Sabay-sabay na tayong kumain."
"Oo nga! Gutom na ko!" sabay singit ni Haley.
"Pack-up muna. Maglunch muna tayo!" si Randy.
Isa-isang niligpit ng mga kasama niya ang mga ginamit sa photoshoot. Nakita niyang isa-isang kinuha ng mga kasama niya ang mga baon nitong mga pack lunch at naupo sa gitna ng studio. Napanganga na lamang siya nang makitang gumawa ng bilog ang mga kasama niya at nilapag sa gitna ang mga dalang pagkain.
"Kain na tayo, Iyah," yaya sa kanya ni Haley.
Nakagat na lamang niya ang kanyang labi nang tumingin sa kanya ang ibang staff ng Belworts. Pinapaupo na siya sa tabi ng mga ito pero hindi siya nakakilos. "Sa labas na lang ako. Wala akong dala, e."
"Huwag ka nang lumabas. Share-share tayo. Madami pa ito," ani Randy.
"Hindi na. Labas na lang ako. Salamat," hindi na niya naantay ang sagot ng mga ito at mabilis na lumabas siya ng studio. Kahit na buwan ang binilang nang maging modelo siya ng Belworts ay med'yo nahihiya pa rin siya lalo na't bumalik na ng Singapore si Katrina. Wala na siyang naging sandalan. Pero kahit papaano ay maganda ang pakikisama ng buong staff ng Belworts sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
Storie d'amoreAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...