"ARE YOU okay?"
Napatungo lang siya sa tanong ni Katrina. Matapos ang eksena nila ni Edgar kanina ay mabilis na inayos niya ang sarili. Natanggap niya ang text ng kaibigan na hinihintay siya nito sa may parking lot ng Belworts. Sinigurado niyang walang bakas ng pag-iyak ang kanyang mukha upang hindi ito makahalata at magtanong pa.
"We need to celebrate your contract signing! Where do you want to eat?" tanong nito sa kanya. Hindi niya masira-sira ang saying nasa mukha ng kaibigan.
"Kahit saan," aniya. "Bast kaya ng budget."
"Huwag kang mag-alala. Ako'ng taya."
"Ikaw na lang lagi ang taya."
"Bumawi ka na lang kapag nakuha mo na ang unang suweldo mo bilang modelo ng Belworts," suhestyon nito.
"Sige."
Sinala siya nito sa isang restaurant along Roxas Boulevard. Agad na umorder si Katrina ng makakain nila. Iginaya naman sila ng isang waiter sa bakanteng mesa.
"How's Edgar?"
"Ha?" natulala naman siya sa tanong ni Katrina na bumagsak ng katahimikan niya.
"'Di ba nagkita na kayo dati?" anito. "Sabi niya?"
Tumango-tango na lamang siya.
"So, anong pagkakakilala mo sa kanya?"
Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Kung alam lang ng kaibigan ang pinagdadaanan niya sa kamay ni Edgar. Hindi siya nakapagsalita.
"I know. Med'yo istrikto si Edgar. Gusto niya laging on time. Pulido ang gawa. He always wants the best for the Belworts since wala namang ibang gagawa noon kundi siya lang."
Napatungo na lamang siya sa sinabi ni Katrina.
"He losts his mother two years ago due to colon cancer. Masakit para sa kanya ang nangyari. And then, a year later, ang ama naman niya ay namatay sa sobrang stress at pagod. Nagkasakit hanggang sa hindi nakayanan ng katawan. Kaya biglang napunta sa kanya ang responsibilidad sa Belworts. Ayaw rin naman niyang mawala ang kaisa-isang kayaman ng mga magulang niya kaya nagpupusirge siya para manatili sa rurok ng tagumpay ang kumpanya."
Natulala siya sa ikinuwento ni Katrina. Hindi niya alam na may ganoon rin palang mabigat na pinagdadaanan ang binata. Sa likdo ng tagumpay ay may madilim palang parte ng buhay nito.
Dumating na ang order nila kaya sinimulan na nilang kumain nang biglang basagin ni Katrina ang katahimikan nila na halos mabulunan siya.
"Pinasok ng mga sindikato ang mansion nila sa Tagaytay tatlong taon na ang lumipas."
Mabilis na uminom siya ng tubig at pilit binaba ang nakaing kanin.
"Okay ka lang?"
Tumango-tango siya bilang tugon.
"Uminom ka pa ulit," suhestyon nito.
"Okay na 'ko."
Ngumiti ito sa kanya na ipinagtaka niya. Mukhang sa mga titig nito sa kanya ay may ibang ibig sabihin si Katrina.
"Bakit?" usisa niya.
"Alam kong malaki na ang tiwala mo sa akin, Iyah.: Pangunguna nito. "At alam ko ring may ibang ibig sabihin si Edgar nang sabihin niyang nagkita na kayo dati."
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa kung anumang patutunguhan ng pag-uusap nila ni Katrina. Sa tingin niya'y tinutumbok nito ang nangyari sa mansion ng mga Belgrad.
"Pero gusto kong malaman mo na may tiwala ako sa'yo, Iyah. Alam kong hindi mo kayang gumawa ng masama. Nakita ko kung paano ka nagbagong-buhay. Hindi iyon kayang sirain ng isang pagkakamali lang," hinawakan ni Katrina ang kamay niya wari ba'y sinisimpatya ang piangdadaanan niya ngayon.
Hindi na niya napigilang maiyak sa binibigay na lakas na loob ni Katrina sa kanya. "Hindi ko kinuha ang painting sa mansion nila. Maniwala ka, wala akong bitbit na anumang gamit mula sa kanila nang gabing iyon."
Ngumiti lang si Katrina. "Alam ko. Hindi mo magagawa iyon."
"Pero hindi niya ako pinaniniwalaan," hindi na niya mapigilang maglabas ng sama ng loob.
"Lalabas rin ang katotohanan," pang-aalo ni Katrina sa kanya. "Magpakatatag ka. Kung minsang kausapin ka ulit ni Edgar tungkol d'on, panindigan mo kung ano ang alam mong tama. Wala kang kinuha. Wala siyang maipipilit sa'yo."
Tumango-tango siya. Hindi niya lubos maisip na bibigyan siya ng Panginoon ng isang kaibigan na maniniwala sa kanya sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya.
"Tahan na," pinunsan nito ang mga tumulo niyang luha. "We are here to celebrate. Tandaan mo, nandito lang ako. Kapag inaway ka niya, tawagin mo ako. Ako'ng sasapak sa kanya."
Napangiti na lang siya sa sinabi ni Katrina. Nagpatuloy sila sa kanilang kinakain hanggang sa maghiwalay sila ng landas matapos ang gabing iyon. Hindi na siya nagpahatid sa kanyang tinutuluyang apartment dahil alam niyang sapat nang naniniwala sa kanya si Katrina. Sapat na iyon para harapin ang bukas na may lakas ng loob kung sakaling magkaharap na naman sila ni Edgar.
----------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...