MALUWAG ANG pakiramdam ni Mariyah tuwing papasok siya sa malaking salaming pinto ng Belworts Publishing. Matapos niyang mag-log-in ay agad niyang tinungo ang elevator. Nakangiting sinasalubong niya ang bawat staff na bumabati sa kanya. Nakilala na rin siya ng mga ito dahil lagi siyang nakikita sa maganzine issue ng Belworts.
Pagkabukas ng pinto ng elevator ay nakita niyang maraming tao na lulan n'on ang lalabas kaya humawi muna saglit. Nang makailang wala nang tao ay akmang papasok na siya sa loob ng elevator. Hindi niya napansin na may isa pa pala na lalabas na sa harap niya ang dako. Hindi na siya nakaatras at tuluyan na silang nagbanggan sa mismong labas ng elevator. Hindi niya sinasadyang masagi ang kamay nitong may hawak na folder. Bumagsak iyon sa sahig at kumalat ang mga papel na laman ng folder.
"Naku! Pasensya na po!" hinging-paumanhin niya sabay luhod at dinampot ang mga papel. Nakita niyang lumuhod din ang nakabungguan niyang lalaki para dumampot ng mga kumalat na papel. Nakitulong na rin ang ibang staff na nakakita sa pangyayari.
"Okay lang, miss," anito habang dumadampot.
Nang masiguradong nadampot na lahat ng mga kumalat na papel ay inabot niya iyon sa lalaki at inipit naman nito pabalik sa hawak nitong folder.
"Pasensya na po talaga," aniya.
"Wala iyon."
Nakatalikod na ang lalaki nang may biglang kumalabit sa kanya.
"Iyah, ito pa ata sa mamang pulis ito." Inabot sa kanya ang isang picture. Hinabol niya ang lalaking ngayon niya lang napansin na nakasuot ng police uniform. Dahil sa pagkataranta niya ay hindi niya namalayan ang suot nito kundi pa babanggitin ng kumalbit sa kanya. Huminto ang mamang pulis at humarap sa kanya. Akmang kukunin na nito ang hawak niyang picture nang mapansin niya ang larawan. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang larawan.
Hinawakan na ng pulis ang larawan pero hindi niya binibitawan. "Miss?" tawag nito sa kanya. "Salamat."
Umiling-iling siya. "B-Bakit po mayroon kayo nito?" nauutal na tanong niya.
Tumitig naman sa kanya ang pulis sabay baling sa larawang pinag-aagawan nila. Mukhang nakuha naman nito ang pinupunto niya. "Sorry, miss. Wala ako sa posisyon para magpaliwanag. Trabaho lang." Sabay hablot sa larawang pinag-aagawan nila kanina.
Iniwan siya ng mamang pulis na tulala at aparang binagsakan ng langit at lupa. Ano pa nga bang iisipin niya kung may makakita siyang pulis na may hawak ng larawan niya? Isa lang ang tumatakbo sa isip niya.
Akala ko ba okay na kami?
-----------------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...