Chapter 20

4.7K 84 2
                                    

"BAKIT?"

Kahit nakakailang para kay Mariyah ang mga kinikilos ni Edgar nitong mga nakaraang araw kaysa sa lagi silang nag-aaway. Naalala niya noong isang araw kung hinahanap niya daw ang mga magulang niya. Kahit paulit-ulit ang sagot niyang 'oo' ay paulit-ulit pa rin itong nagtatanong kung hinahanap niya ang mga magulang niya. At ngayon nga ay nakaisandaang tanong na ata sa kanya ang binata tungkol sa mga magulang niya.

Umiiling-iling si Edgar. "Wala lang. Natanong ko lang."

Nasa studio sila para sa isang photoshoot nang biglang tumabi sa kanya si Edgar. Habang tumatagal ay nagiging komportable na siya sa presensya ng binata tulad ng turing ng ibang staff sa kanilang amo. Wala na siyang awkwardness na nararamdaman tuwing nasa paligid niya lang ang binata. Naisip niyang naalala siguro nito ang minsan niyang paglabas ng sama ng loob kaya natatanong nito ang tungkol sa kanyang mga magulang.

"Napano pala yang batok mo? Nakita ko parang may sugat?" pag-iiba niya sa usapan nila.

Bigla naman itong nataranta at hinawakan pa ang batok na may sugat. Nakasuot lang kasi ito ng plain t-shirt kaya kita ang batok. Napansin niya iyon kanina habang nakatalikod ito bago lumapit sa kanya.

"W-Wala!" anito. "Baka nauntog lang ako sa bahay."

"Nauntog ka?" takang-tanong niya. "At sa batok ka pa talaga tinamaan? Paano ka natumba? Pahiga?"

"Huwag mo na ngang pansinin 'yan," anito sabay hawi sa kanya paharap sa photoshoot nangyayari sa loob ng studio. "Mag-ayos ka na. Ikaw na susunod. Bilisan mo."

Wala na siyang nagawa nang pagtulakan siya nito. Hindi na lang niya pinansin ang pagiging balisa nito. Dumiretso siya sa dressing room at doon siya inayusan ni Haley. Napabuntong-hininga pa siya at napangiti. Sa mga nakalipas na araw, nagugustuhan niya ang pagiging mabait at maaalahanin ni Edgar sa kanya. Minsan ito pa ang kasabay niya sa pagkain tuwing tanghali o minsan ay nakaksabay nila ang amo sa mismong studio kumakain habang nakabilog nakasalampak sa sahig. Hindi naman niya mapigilang mapangiti tuwing maaalala kung paano siya titigan nito tuwing photoshoot. Kahit na nagagalak ang kanyang puso sa mga pinapakita nito sa kanya ay hindi niya pa rin kinakalimutan kung sino siya sa buhay ng binata; na siya ay modelo nito sa kumpanya at after two more years ay tapos ang kontrata niya.

Siguro, seryoso talaga siya sa sinabi niyang kalimutan na lang namin ang nangyari sa mansion nila.

-----------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon