Chapter 23

4.5K 85 0
                                    

ABALA SI Edgar sa pagpirma ng mga kontrata nila sa mga distributor ng mga magazine nila ng biglang bumukas ang pinto ng office. Kusang lumiwanag ang mukha niya at sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi nang makilala niya ang bagong dating. Mabilis na tumayo siya at akma sanang sasalubungin niya ito ng yakap nang mapansin niya ang madilim nitong mukha at ang mga mata nitong seryosong nakatingin sa kanya. At tuluyang nawala ang ngiti niya nang isang malutong na sampal ang bumagsak sa kaliwa niyang pisngi.

Kahit masakit at hapo pa ang kaliwang pisngi ay tumingin pa rin siya sa mukha ni Mariyah na nahahamigan niyang may galit sa mga mata nito. "B-Bakit?"

"Wala ba akong karapatang magbagong-buhay, Edgar?"

"Ha?" nagtatakang tiningnan niya ang mukha nito. Nakikita niya ang pagkinang ng mga mata nito na sa tingin niya'y galing na sa pag-iyak. Bigla ay nilukob siya ng konsensya at pagtataka kung sino o ano naman ang nanakit sa babaeng nasa harap niya.

"Alam mo kung gaano ko kagustong magbagong-buhay. Tinalikuran ko ang dati kong katauhan para mabuhay ng matiwasay! Pero bakit ganito, Edgar! Pinaglalaruan mo ba ako!"

Gusto niyang hawakan si Mariyah pero nagulat siya ng bigla itong umatras at lumayo sa kanya. "Iyah, hindi ko maintindihan. Bakit ka ba nagagalit?"

Tinanggap niya ang mga hampas nito sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita! Akala ko okay na tayo! Akala ko kakalimutan na natin 'yung nangyari! Sinungaling ka!"

"Wait," hinuli niya ang mga kamay nitong pinghahampas sa kanya. Mabilis niya itong kinulong sa mga bisig niya at hindi niya hinayaang makawala kahit na nagpupumiglas itong makaalis sa tabi niya.

"Gusto ko lang naman magbago, Edgar. Gusto ko lang naman mabuhay ng maayos. Gusto ko lang mabuhay nang hindi na nakakulong sa nakaraan ko."

Narinig na niya ang paghikbi nito. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. "Tahan na. Tama na 'yan."

"Kung ipapakulong mo 'ko, please, dalhin mo na ako sa presinto."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad niyang nahawakan si Mariyah sa balikat at iniharap sa kanya. Bigla siyang inusig ng konsensya nang makita niya ang mukha nitong basing-basa na luha. "Anong ibig mong sabihin? Bakit kita ipapakulong?"

Inalis nito ang mga kamay niya sa pgakakahawak sa balikat nito. "Kasi kasabwat ako sa pagkawala ng painting ng ama mo. Kasalanan ko ang lahat ng iyon."

"The painting doesn't matter anymore."

"Ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko, Edgar. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Ayoko na. Please," ani Mariyah sa bawat paghikbi. "Tapusin na natin 'to. Ayoko na."

Umiling-iling siya. "Hindi. Hindi kita maintindihan."

Nakita niyang nagpunas ito ng luha gamit ang sariling palad. "Baka nga hindi talaga puwede na makisama ako sa taong alam ko namang may atraso ako. Baka hindi talaga puwedeng mapatawad ako sa lahat ng naging kasalanan ko. Naging magnanakaw ako ng halos dalawangpung taon. Mahirap makalimutan 'yon."

Hindi niya napigilang lumabas ng opisina niya si Mariyah at naiwan siya roong tulala sa lahat ng nangyari. Hindi niya alam ang gagawin nang bigla siyang sugurin ng dalaga at ibuntong sa kanya ang lahat ng galit. Malaking tanong pa rin sa kanya kung bakit bigla nitong nahalungkat ang tungkol sa nawawalang painting at ang banta niya rito noong magkita ulit sila sa fashion show ni Katrina. Hindi na niya namalayan na nahulog na pala siya sa malalim na pag-iisip kung paano aayusin ang gusot na ito sa pagitan nila ni Mariyah.

---------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile 

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon