Chapter 7

5.9K 111 0
                                    

NAKANGITING SINALUBONG siya ng hepe ng himpilan na iyon sa Quezon City. Iginaya siya nito hanggang sa tanggapan nito. Kagabi pa gumugulo sa kanyang isip ang hakbang na gagawin matapos ang pagkikita nila ni Mariyah noong isang araw sa fashion show ni Katrina. Hindi na mawala sa isip niya ang mukha ng dalaga; pero hindi niya alam kung para saan. Tinatak na lang niya sa isip na kailangang mabalik ang painting sa pangangalaga niya.

"What brings you here, Mr. Edgar Belgrad?" tanong si Chief Inspector Vergara nang makaupo sila sa opisina nito.

Ngumiti siya dito. Kilala na siya ng Chief Inspector dahil sa nakilala rin nito ang kanyang ama bago ito pumanaw. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko ulit buksan ang kaso ng Dystopia."

Tumango-tango ito sa sinabi niya.

"Alam naman nating hindi pa nalulutas ang kaso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang nawawalang painting na pagmamay-ari ng ama ko," pagdadahilan niya rito.

"Baka mahirapan tayo, Mr. Belgrad," panguna ng chief inspector. "Matagal nang nawawala ang painting at wala tayong sapat na suspek sa pagkawala ng Dystopia. Atsaka matagal nang pinasara ng ama moa ng kaso. Siya mismo ang nag-urong ng kaso."

"As his son, siguro naman may karapatan akong iapela ang kaso," matapang na saad niya.

Napatungo na lang ang inspector. "Tama ka naman doon, Sir."

"Maglalabas ako ng statement ko ng nangyari sa mansion tatlong taon na ang nakakalipas. Puwede niyo iyong gamitin ebidensya para mahanap ang painting."

Tinitigan siya ng inspector. "May nangyari tatlong taon na ang lumipas?"

"Yes."

"Mukha namang determinado ka," ani ng inspector. "Kukuha ako ng imbestigation team na mag-aaral ng kaso ng Dystopia."

"Salamat," at nakipagkamay siya kay Chief Inspector Vergara.



"KAILANGAN PA ba nating ituloy ito?"

Biglang bumilis ang tinok ng puso ni Mariyah nang mabasa niya ang malaking sign sa labas ng halos lagpas sa dalawampung palapag na gusaling iyon sa kahabaan ng Quezon Avenue. Tinawagan siya ni Katrina kaninang umaga at sinabing susunduin daw siya nito sa kanyang apartment. Hindi naman niya nahulaan na ngayong araw pala sila pupunta sa Belworts Publishing para sa contract signing.

Hinawakan ni Katrina ang mga kamay niya. "Huwag kang matakot. Mabait si Edgar. At alam kong maaalagaan ka ng Belworts bilang modelo nila. Alam mo namang pangarap koi to para sa'yo."

Gusto niyang maiyak sa sobrang tiwala na binibigay sa kanya ni Katrina. Halos ito ang bumangon sa kanya mula sa madilim niyang nakaraan at hindi niay kayang sirain ang pangarap nito para sa kanya.

"Halika na," yaya ni Katrina.

Sumunod lang siya sa kaibigan kung saan ito patungo. Napatingin na lamang siya sa sign na nakasabit sa pinto ng opisinang pinagdalhan sa kanya ni Katrina.

President.

Hindi niya alam kung bakit biglang lumihis sa isip niya ang mukha ni Edgar. Ano pa bang ikagugulat ko? Panigurado siya ang may-ari ng kumpanyang ito. Binuksan ni Katrina ang pinto at iginaya siya sa loob ng opisina. Hindi niya maiwasang milibot ang mga mata sa buong opisina. Kitang-kita niya ang kamangha-manghang design ng lugar. It perfectly suits a design for male officer. Mula sa salaaming bintana ay tanaw ang buong kalsada ng Quezon Avenue.

"Nandito nap ala kayo."

Sabay pa sila ni Katrina na napalingon sa pintuan nang may magsalita pero alam niya kung kanino ang boses na iyon. Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila at hindi niya alam kung bakit nagrambulan ang mga daga sa dibdib niya nang makita ang seryoso nitong mga mata.

"S'yempre, baka magbago isip mo, e," si Katrina na sumunod dito na naupo sa harap ng office table nito. Samantalang siya ay nakuntento na lamang sa sofa sa loob ng opisina. Kahit papaano ay malayo siya kay Edgar na nagpapabago sa pakiramdam niya.

"Kailan ko ba binawi ang mga binitawan kong salita?" Alam niyang hindi lang si Katrina ang pinariringgan nito maging siya ay pinapatamaan nito. Kung magkagayon ay seryoso nga ito sa sinabing ipapakulong siya kapag hindi niya nabalik ang painting.

"Kaya 'yan ang gusto ko sa'yo, may isang salita ka," si Katrina. "By the way, isama mo na ako. I'll be a contributor to your photo shoot. Gusto ko kasama ako sa bawat photo shoot niyo with Iyah. Hindi pa siya sanay sa ibang tao since ako lang ang nakasama niya buong career niya sa pagmomodelo."

Laking pasalamat niya na hindi pala siya iiwan ni Katrina sa Belworts at makakasama ni Edgar. Gusto niyang mayakap si Katrina sa mga oras na iyon.

"Sure. Hindi ka na rin bago sa kumpanya. Mas maigi ngang may bantay siya," pagdidiin ni Edgar.

Napalunok na lamang siya. Kung may ibang ibig sabihin si Edgar sa sinabing iyon ay wala siyang ideya. Nanahimik na lamang siya sa kanyang kinauupuan habang nag-uusap ang dalawa. Hanggang sa papirmahin siya ni Katrina na nagsasabing magiging modelo siya ng Belworts sa loob ng tatlong taon.

Parang matagal masyado ng three years. Naisip niyang tatlong taon niyang pakikisamahan ang lalaking nakahuli sa kanya sa ginawa niyang panlolob sa sarili nitong mansion. Napabuntong-hininga na lamang siya sa naisip na iyon.

------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon