Chapter 25

4.7K 75 1
                                    

"HUWAG KANG lalayo, Mariyah. Kapag nagkagulo, dito ka lang sa tabi ko. Huwag na huwag kang bibitaw sa akin. Naiintindihan mo?"

Sunod-sunod na tango ang ginawa niya habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng kanyang ina. Sinama siya nito sa trabaho nito ngayong araw. Tuwang-tuwa siya nang sabihin sa kanya ng kanyang ina na isasama siya nito sa trabaho kaya mabilis na nag-ayos siya. Tahimik lang siyang sumunod dito habang hawak ng kanyang ina ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung saan sila napadpad ng kanyang ina. Nilibot niya ang paningin at napagmasdan niya ang ilang kariton na may iba't ibang damit na nakasabit. Minsan naman ay mga gamit sa bahay. Nakilala niya ang mga iyon dahil minsang nag-uwi ng ganoon ang kanyang ina. Masikip ang lugar dahil sa dami ng taong nandoon at ang mga sasakyang dumaraan.

"Dito ka lang sa tabi. Huwag kang aalis d'yan," pinaupo siya ng kanyang ina sa isang bato sa gilid ng kalsada habang ang ina ay nakatayo sa kanyang harapan at nakatingin sa kabilang gawi ng kalsada.

Kahit nagtataka ay nakuntento na lamang siyang pagmasdan ang kanyang ina na buntutan ang ibang tao na naglalakad sa kabilang panig ng kalsada nang tumawid ito. Minsan naman ay inaabot sa kanya ng kanyang ina ang ilang gamit na hindi niya alam kung saan nakuha ng kanyang ina dahil hindi naman nila iyon dala kanina mula sa kanilang bahay. Pinapatago sa kanya ang ilang wallet sa bag na bitbit niya. Pinadala iyon ng kanyang ina dahil kakailanganin daw nila iyon.

Pinaglalaruan niya ang ilang batong nasa harap niya nang bigla siyang may marinig na sumigaw. Napatayo siya at nakita na lamang niya ang mga maraming taong sumisigaw.

"Pulis! Bilisan niyo! May pulis!"

Nakita niya na nag-uunahang makaalis ang mga kariton na nakatambay sa gilid ng kalsada. Sa sobrang dumadaan sa harap niya ay hindi niya namalayang nakaladkad na pala siya ng mga grupo ng mga tao na tumatakbo.

"Mama!" iyak na sigaw niya. Hindi na niya alam kung saan siya napadpad sa kakatakbo. Hindi niya alam kung bakit tumatakbo ang mga takbo. Iniikot niya ang tingin. May narinig pa siyang malakas na putok na lalong nagpatakot sa kanya.

"Mama!"

Napabalikwas ng bangon si Mariyah mula sa masamang panaginip. Habol ang paghinga nang yakapin niya ang sarili. Pilit inaalala ang naging laman ng kanyang panaginip. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam niya nitong mga nagdaang araw. Palagi na lang siyang binabangungot pero hindi naman niya maalala kung anong nangyari sa panaginip niya. Lagi niyang nahuhuli ang sarili na tinatawag ang kanyang ina.

Binalot ng kalungkutan ang kanyang sarili at nakita na lamang niya na tumulo na ang mga luha niya. Paghikbi na lamang niya ang kanyang naririnig sa kailalim ng gabi. Hindi na naman niya mapigilang kaawaan ang sarili. Kahit na anong gawin niyang paglimot sa kanyang nakaraan ay palagi pa rin siyang hinahabol ng mga munting alaalang hindi naman niya matandaan. Mas lalo lang lumalalim ang kagustuhan niyang mapag-isa at makalimot.

---------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile 

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon