Chapter 5

5.8K 125 0
                                    

NAIKUYOM NI Edgar ang mga kamao habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang office sa Belworts Publishing. Hindi niya lubos maisip na makikita pa ang babaeng naging pangunahing suspek niya sa pagkawala ng painting sa kanilang mansion sa Tagaytay. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang nagpatigil sa kanya ng ilang sandali nang gabing iyon. Hindi niya lubos akalain na magagawa ng isang maamong mukha ang magnakaw. Sa nakita niyang kilos nito ay halatang sanay ito sa ganoong gawain.

"Kapag hindi mo nilabas ang Dystopia, ipapakulong kita!"

Marahas na napailing siya sa naalala. Alam niyang may kung anong pagpipigil sa kanyang puso na gawin ang sinabi kay Iyah pero mas nananaig ang hustiyang nawala sa kanila tatlong taon na ang nakakaraan. Namatay ang kanyang ama na hindi man lang nito nabawi ang painting na niregalo sa kanyang ina. Hindi siya titigil hanggat hindi nababawi ang painting sa mga kumuha nito at gagamitin niya si Iyah para magawa iyon kahit kapalit pa n'on ay ipabukas ulit ang kaso.

NAIHILAMOS NI Mariyah ang mga palad sa kanyang mukha. Naglalaban pa rin ang kasamaan at kabutihan sa kanyang puso. Ang isa ay nagsasabing isawalang bahala na lang ang pagbabanta sa kanya ni Edgar dahil wala namn itong ebidensya na siya nga ang kumuha ng painting pero may isang parte rin na nagsasabing dapat siyang gumawa ng hakbang dahil mukhang tama nga ang nasa isip niya, sinundan siya ng ibang tauhan ng dati niyang boss para masiguradong makuha ang painting mula sa mansion ng mga Belgrad.

Hindi muna siya nagpakita kay Katrina nang araw na iyon. Nagdahilan muna siyang masama ang pakiramdam kahit ang totoo ay may nabubuong plano sa kanyang isip. Pagkauwi niya sa tinutuluyang apartment sa Maynila ay dumiretso siya sa kanyang cabinet at kinuha mula sa kailaliman n'on ang isang kahon. Nilapag niya iyon sa maliit na mesa at binuksan. Nginig ang kamay na kinuha niya mula roon ang isang baril; ang baril na pinabaon sa kanya ng kanyang boss at naitutok kay Edgar. Hinimas-himas niya iyon. Hindi niya akalaing hahawakan niyang muli ang baril na iyon. Kailangan niyang malaman ang totoo sa pagkawala ng painting. Determinado siyang malaman ang ginawang panglilinlang sa kanya ng sindikatong pinagmulan niya.

Nakita na lang ni Mariyah ang sarili sa tapat ng isang bahay na may karatulang nakalagay na 'Roger's Talyer Shop'. Matagal na niyang pinlano na pumunta sa lugar na iyon pero nagdadalawang-isip pa siya noon pero ngayon ay may dahilan na siya para makipagkita sa dating kasamahan. Tumawid siya ng kalsada sa kahabaan ng Bayumbong St. sa Brgy. Silo, Lipa, Batangas. Bumiyahe siya agad papunta sa nasabing probinsya para lang malaman ang katotohanan sa pagkawala ng painting. Nakita niya ang isang lalaki na halos nasa trenta anyos na at abala sa pagkukumpuni ng isang sasakyan kaya hindi siya agad nito napansin. Lumabas ang isang batang babae na sa tingin niya'y nasa limang taong gulang palang mula sa bahay. Ngumiti siya nang mapatingin ang bata sa kanya. Ngumiti rin ito sa kanya at lumingon sa lalaking nagkukumpuni ng sasakyan.

"Papa, may magandang babae."

Napaangat naman ng ulo ang lalaking nagkukumpuni na tinawag ng bata na 'Papa'. Napalingon ito sa puwesto niya at nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Alam niyang hinding-hindi siya nito makakalimutan; ang mga pinagsamahan nila sa poder ng mga sindikato.

"Long time no see, Roger," bati niya rito.

----------------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon