"HINDI NA po ba babalik si Iyah?"
Bigla siyang natahimik habang nasa conference room sila ng mga staff niya habang pinag-uusapan ang naging report para sa August 2018 issue nila kung saan bumaba ang sales nila dahil sa kakulangan ng advertisement and articles for the magazine. Bigla naman siyang napatingin kay Haley nang bigla itong magtanong tungkol sa babaeng gumugulo sa isip niya gabi-gabi. Aminado siyang hindi niya naasikaso ang kumpanya lalo na noong nakalipas na August issue dahil ang utak niya ay nakay Mariyah.
"I'm sorry. Can we reschedule this meeting," hindi na niya nahintay na sumagot ang mga staff niya at mabilis na lumabas siya ng conference room.
Mabigat ang pakiramdam niya hanggang sa makarating siya ng kanyang office. Pinipigilan niya ang sarili na maiyak. Litong-lito na siya sa lahat ng nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito ang naging relasyon nila ni Mariyah. Halos hindi siya makatulog nang maalala ang naging huling pag-uusap nila ng dalaga. Akala niya ay gagaan ang loob niya kapag nasabi na niya dito ang tunay na nararamdaman. Pero sobrang sakit pala kapag hindi ka niya pinaniwalaan. Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang galit; galit para sa sarili na wala man lang siyang magawa para magkaayos ilang dalawa.
"May problema ba tayo, Edgar?"
Bigla niyang naipunas ang mga palad sa luhang tumulo sa kanyang mga mata. Paglingon niya ay nakita niya si Mrs. Esqueta sa may pintuan. Ngumiti siya rito pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.
Lumapit ang matandang babae sa puwesto niya at hinawakan siya sa kanyang balikat. "Puwede mong iiyak ang lahat ng dinadala mo d'yan sa puso mo pero huwag na huwag mong pananatilihin. Pagkatapos mong umiyak, tama na, gawan mo na ng hakbang."
Napatitig siya sa kanyang nanay-nanayan. Bigla ay para siyang ginising nito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ano nga bang silbi ng pag-iyak niya? Wala pa ring magbabago. Bigla ay nayakap niya ito ng mahigpit. Nakaramdam siya ng pangungulila sa sariling mga magulang.
"Ang kilala kong Edgar Belgrad, gumagawa ng paraan. Hindi nagmumukmok sa isang gilid ay umiiyak," anito sa kabila ng mga yakap niya.
"Thank you, Nay," aniya. Ang laki ng pasasalamat niya rito dahil kahit papaano ay hindi niya naramdamang ulila na siyang lubos. Mayroon pa rin siyang natatawag na 'nanay' kahit sa loob ng trabaho.
"Hindi ko kilalang maigi si Iyah pero sa tingin ko'y isa siyang mabait na babae. Pinagkakatiwalaan siya ni Katrina. At nakikita ko ring maganda ang naging pakikitungo niya sa mga ktrabaho natin. I think she's really fit to you. And I can smell that you like her."
Napangiti siya sa sinabi nito tungkol kay Iyah. "I love her."
"And do something to have her. Hindi 'yung umiiyak ka dito."
Napatawa siya sa sinabi nito. "Opo."
"That's my boy."
------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
RomanceAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...