Chapter 21

4.6K 90 4
                                    

"IT IS good to finally meet you again, Mr. Belgrad."

Tinanggap niya ang alok na kamay ni Chief Inspector Vergara pagkapasok niya sa opisina nito. Naghanap talaga siya ng oras para makausap ang chief inspector matapos niyang makatanggap ng tawag mula rito. Sabay silang naupo matapos ang kanilang pakikipagkamay.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Belgrad," sabay abot sa kanya ng isang white folder. Tinanggap naman niya iyon. Kahit nagtataka ay binasa niya ang nakasulat sa white folder.

"Dystopia Case," aniya pagkabasa sa nakasulat. Binuksan niya ang folder at tiningnan ang lama niyon. Kahit nalilito ay inisa-isa niya ang nakalagay roon hanggang sa napako ang tingin niya sa isang papel na may sulat-kamay. Kunot-noong binasa niya ang nakasulat roon.

Jul 2, 2015

Elissa, mahal kong anak, miss na miss ka na namin ng iyong ina. Pagpasensyahan mo na ang biglaang pagpapadala namin sa iyo dito sa Amerika. Mas mabuti nang nasa poder ka ng Auntie Sabel at Uncle Lino mo. Mas ligtas ka kung nasa malayo ka, malayo sa anumang kapahamakan na puwedeng mangyari. Hindi naming gusting mapalayo ka pero kapag magkakasama tayo ay baka mapahamak ka.

Kasama ng sulat na ito ay ang isang painting na ginawa ko para kay Mr. Eduardo Belgrad. Pinagawa niya iyon para sa kanyang mahal na asawa pero ninakaw ang painting sa kanyang mansion sa Tagaytay ng mga sindikatong nagbebenta ng mga nakaw na mamahaling bagay sa ibang bansa. Makalipas ng dalawang araw ay natagpuan ang painting sa abandonadong gusali sa Cavite. Kahit na nabawi ni Mr. Belgrad ang painting ay hindi na siya nagpakampante. Tinawag niya ako at binigay ang painting na ginawa ko para sa asawa niya. Sinabi niyang nakakatanggap siya ng death threat na kapag sinabi niya sa publiko ang tungkol sa sindikato ay mapapahamak ang pamilya nito. Marahil ay nakita ni Mr. Belgrad ang mga sindikato. Kaya minabuti na ni Mr. Belgrad na mawala na sa landas niya ang painting. Binalik niya ito sa akin. Wala akong ibang puwedeng pagtaguan. Kapag nalaman ng mga sindikato na nasa akin ang painting ay paniguradong guguluhin nila kami. Tinulungan kami ni Mr. Belgrad na sikretong mapadala sa iyo ang painting. Itago mo ito habangbuhay. Magsilbi itong alaala sa iyo nang mga araw na magkakasama tayo ng iyong ina. Kahit magsama ang araw at gabi, mananatiling maliwanag ang daan saan ka man papunta. Mahal na mahal ka namin, anak.

Matapos mabasa ang buong sulat ay kunot-noong napatingin siya sa chief inspector. "Nasa pangangalaga ng isang babaeng nagngangalang 'Elissa' ang painting ng ama ko?"

Tumango-tango si Mr. Vergara. "Natagpuan ang painting sa hide-out ng mga sindikato sa Cavite matapos silang mapatay sa shoot-out sa bahay ni Senador De Alegre."

Hindi niya lubos maisip na inilihim sa kanya ng kanyang ama ang nangyari. "It means nabawi talaga ng ama ko ang painting pero pinatago na niya sa ibang tao?"

"Yes,' ani ng inspector. "Sa taong gumawa n'on. Si Mr. Lucio Madrigal. At pinadala niya ang painting sa anak nitong nasa Amerika na si Elissa. But now she's here in the Philippines, dala ang painting. Kay Elissa mismo galing ang sulat na iyan na pinadala sa kanya ng kanyang ama kasama ang painting. If you want to file a custody for the painting, puwede nating bawiin sa kanya iyon."

Napailing siya. "P-Pero? Pero sabi dito sa sulat 'magsilbi itong alaala'? Paano ko babawiin sa isang tao ang painting na nagsilbing alaala sa kanya ng mga magulang niya. And still, let's consider that it's her father's work?"

Napaupo ng tuwid ang inspector sa sinabi niya. "Kaya 'yan ang pagdedesisyunan niyo. Are we still going to file a custody complain for the painting or let it with the painter's daugther."

Napailing siya. Bigla siyang nilukob ng konsensya. Hindi siya ganoon kasama para sirain ang magandang alaala ng ibang tao lalo na't sa magulang pa. Pero may munting alaala din ng mga magulang niya sa painting na iyon. That's his father's gift to his mother. Hindi niya akalain na mas mahirap pa pala ang magdesisyon tungkol d'on kaysa sa maghanap ng concept para sa monthly issue nila sa kumpanya.

"By the way, Sir. Tungkol d'on sa binigay niyong testimony. We already file a case against the woman you found in you house during the crime."

"What?!" bulalas niya. "Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?!" Hindi niya alam ang gagawin sa huling sinabi ng inspector.

"Bakit? May problema po ba? 'Di ba 'yun ang una nating plano?"

"No!" nagulat ang inspector sa pagtaas ng boses niya. "I mean..."

"Nakahanda na po ang kapulisan natin para mahanap ang babae ayos sa pagkaka-describe niyo."

"No!" pigil niya rito. "Binabawi ko na ang kaso. Please, let's just settle it here, now. Walang aarestuhin. Walang huhulihin. Let her be. Walang gagalaw sa kanya. Please, inspector." Halos pagmamakaawa niya kay Chief Inspector Vergara.

"Nagbago na ang isip niyo, Sir?"

"Yes," mabilis niyang sagot. "And about the painting, let the painter's daughter have it. I don't want to file a custody complain for it. Since ang ama ko mismo ang nagbigay noon kay Lucio Madrigal, hindi ko kokontrahin ang ama ko." Bigla ay nakaramdam siya ng takot na makasira ng buhay ng sinumang babae.

"Okay, Sir."

"And about my favor," sabay kuha ng isang larawan sa kanyang bulsa at inabot sa chief inspector. "Please."

"Okay, Sir. Got it."

Bago siya tuluyang lumabas ng opisina nito ay nakipagkamay pa siya sa chief inspector. Alam niyang tama ang gagawin niya. Alam niyang mas mabuti ito kahit na alam niyang may masasaktan sa ginawa niya. Lumabas siya ng opisinang kalahati ang nararamdaman; masaya para sa anak ng pintor na gumawa ng Dystopia dahil may umaangkin pa rin dito bilang isang kayamanan, at alanganin dahil hindi niya alam kung anong kakalabasan ng hakbang niyang 'yon.

-----------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile 

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon