SINAMAHAN SILA ni Roger na lumipad papuntang Mindanao. Hindi rin naman mapigilan ni Mariyah si Edgar na sumama. Simula nang umamin ito sa kanya ay naging buntot na niya ito kahit saan siya mapunta. Naging maayos na rin ang pakikitungo niya rito dahil hindi man niya aminin ay malaki ang naging parte nito para makilala niya ang sarili. Malaki rin ang pasasalamat niya sa binata lahat ng ginawa nito para sa kanya.
Nakilala niya ang buong pamilya ng kanyang ina pati ang asawa nito at dalawang anak na babae. Isa ay labinlimang taong gulat at isa nama'y labintatlong taon. Napuno ng saya ang puso niya nang tawagin siya ng mga ito na 'ate'. Mahigpit na nayakap niya ang ina nang buksan nito ang pinto para sa kanila at alam niya sa unang tingin palang sa kanya nito ay nakilala na siya. Pinatuloy sila sa loob ng bahay at maluwag rin naman silang tinanggap ng bagong asawa nito. Masaya siya na nakapagbagong-buhay ang ina malayo sa lansangan ng Maynila.
"Boyfriend niya po."
Laking-gulat naman niya nang magpakilala si Edgar sa kanyang ina at asawa nito bilang 'boyfriend'. Gusto niyang itama ang sinabi nito pero nakita niya ang saya sa mga mata ng ina.
"Hindi na ako mangangamba dahil may mag-aalaga na sa anak ko," aniya ng kanyang ina.
"Makakaasa po kayo," sagot naman ni Edgar.
Masaya siyang nagpaalam sa kanyang ina. Pinangako niya na dadalaw ulit siya ng madalas. Pgakabalik nila ng Maynila ay dinalaw naman niya ang puntod ng kanyang ama. Hindi na sumama si roger dahil kailangan din ito ng sariling pamilya. Hindi rin naman niya mapigilan si Edgar na sumama sa kanya kaya hinayaan na lang niya. Habang nakatitig sa lapidang may nakaukit na 'Greg Del Pilar' ay hindi sakit ang nararamdaman niya kundi pagmamahal at pag-asa. Ngayon alam na niyang kumpleto na ang pagkatao niya. Kilala na niya ang sarili. Hindi naman niya napansin na lumapit na pala sa kanya si Edgar na iniwan niya lang kanina sa loob ng kotse.
"Iingatan ko po ang anak niyo," putol nito sa pakikipagtitigan niya sa puntod ng ama.
Gulat naman na napalingon siya rito. "Pinagsasabi mo?"
"Matigas lang po ulo nito tsala masyadong matapang. Nagmana po sa inyo."
"Edgar!" pigil niya rito.
Lumingon naman ito sa kanya ng may ngiti. "Pero hindi kita susukuan."
Nagalak naman ang kanyang puso. Siguro ngayong kilala na niya ang sarili, puwede na niyang pagbigyan ang puso. Alam naman niyang ang nakaraan niya lang ang pumipigil na mahalin ang lalaki.
"Bumalik ka na ng Belworts. Lugi na ako ng tatlong buwan."
Natawa naman siya sa sinabi nito. "Sige po, boss."
Nagulat naman siya nang bigla siya nitong hatakin at ikulong sa mga bisig nito. Hindi naman siya umangal at binalik niya ang yakap dito. Maluwag na ang pakiramdam niya matapos ng lahat ng nangyari.
"Yes. Ngayon niya lang ako niyakap ng ganito, father."
Pabiro naman niya itong nahampas sa likod. "Sssh. Nakikita tayo ni papa."
"Okay lang 'yan."
At napuno ng tawanan ang paligid nila. Ganoon rin ang kanyang puso na napuno ng pagmamahal na binibigay ni Edgar sa kanya. Alam niyang makakabawi rin siya sa lahat ng sinakripisyo nito para sa kanya.
-------------------------
Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!
Angel With A Shotgun Series:
#1: Julianne, The Beautiful Cop
#2: Elissa, The Untamed Lady
#3: Janelle, The Brave Princess
#4: Mariyah, The Fierce Eye
#5: Margaux, The Lost Smile
BINABASA MO ANG
BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]
Roman d'amourAngel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in her heart kaya gusto na niyang umalis sa poder ng taong gumawa sa katauhan niyang iyon.Pero bago niy...