Chapter 17

5.1K 104 7
                                    

"AY, PALAKA!"

Naglalakad sa kahabaan ng Quezon Avenue si Mariyah nang may biglang bumusina sa kanyang likuran. Paglingno niya'y isang itim na kotse ang tumambad sa kanyang harapan. Sinubukan niyang silipin ang loob noon at laking gulat niya nang makilala ang driver. Binaba nito ang bintana ng kotse.

"Uwi ka na? Hatid na kita!"

Napatuwid ulit siya ng tayo at ngumiti ng alanganin. "Hindi na. Sa bus stop na ako maghihintay ng masasakyan." Sabay lakad nang hindi na hinihintay ang sagot ni Edgar.

"Teka lang!"

Sa muli niyang paglingon ay nakita niyang bumaba ito ng kotse. Tinapunan niya ito ng nagtatakang mga mata nang lumapit ito sa kanya. "Bakit?"

"Ihahatid kita," sabay hawak sa kanyang kamay.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Dinala siya nito sa pinto ng passenger's seat. Binuksan ni Edgar ang pinto at tinurong pumasok siya sa loob.

"Sasakay na lang ako ng UV."

Pero ito na ang nagtulak sa kanya papasok ng kotse. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero hindi niya nagawa. Umikot si Edgar at bumalik sa driver's seat. Wala siyang nagawa nang paandarin na nito ang sasakyan. Naging tahimik lang ang unang limang minutong pagbiyahe nila.

"Sa Vicente Santos St. sa may Espana," aniya sa kalagitnaan ng kanilang biyahe.

Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata na ngumiti ito. "Let's eat first." At laking gulat na lang niya nang bigla nitong kinabig ang manubela at iliko ang sasakyan. Wala na siyang nagawa nang tahakin nila ang kahabaan ng D. Tuazon. Tumigil sila sa isang grill and restaurant along the highway. Sinubukan niyang buksan ang pinto ng passenger's seat pero hindi niya nakaya. Hinintay na lamang niyang pagbuksan siya ni Edgar ng pinto.

"Sira ba 'yung kotse mo?" natanong niya pagkalabas ng sasakyan.

"Hindi. Hindi ka lang marunong."

Napanganga siya sinabi nito. Gusto man niya itong batukan ay hindi niya na tinuloy. Sinundan niya lang ito hanggang sa loob ng restaurant. Iginiya sila ng isnag waiter sa isang bakanteng table set. Pagkaupo ay inabutan sila ng menu. Kunwari ay nagbabasa siya pero ang totoo wala sa pagkain ang isip niya.

Wala akong pambayad! Wala pa akong suweldo!

"Isang buttered garlic shrimp, special pork sisig and plain rice. And then, pineapple juice," ani Edgar sa waiter.

"Kayo po, Ma'am?" tuon naman ng waiter sa kanya.

"Ah," wala siyang makitang mura sa menu.

"Dalawahin mo na," agaw ni Edgar.

"Okay po, Sir."

Bigla niyang nababa ang menu nang makaalis na ang waiter sa harapan nila. "Wala akong pambayad." Mas mabuti nang inunahan niya si Edgar. At the first place, ito ang nagyaya sa kanyang kumain.

Tumawa ito ng marahan. "Hindi ko naman sinabing ikaw ang magbabayad."

"Ibawas mo sa suweldo ko."

"My treat."

Bigla siyang napatitig dito. Anong nakain nito? Bakit parang ang bait ata? Iniba na niya ang direksyon ng mga mata. Napalingon siya sa buong lugar. Tradional ang restaurant na gawa sa kahoy ang mga pader. Nagpapaganda sa buong restaurant ang mga halaman sa paligid. At sa puwesto nila ay may malapit na aquarium. May malamyos na awiting rinig sa buong lugar.

"Are you still frustrated sa pag-alis ni Katrina?"

Bigla niyang nabalik ang tingin dito dahil sa tanong nito. "Hindi naman. Malaki na ang naitulong niya sa pagbuo ulit ng pagkatao ko. Deserve naman niyang unahin na ulit ang sarili."

Tumango-tango si Edgar sa sinabi niya.

"After ng contract ko sa Belworts, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho." Napansin niya ang nakakailang na titig sa kanya ng binata kaya naiba niya ang direksyon ng kanyang mga mata.

"Bakit kailangan mong umalis, wala namang nagpapaalis sa'yo sa Belworts?"

"Mahirap magtrabaho sa isang taong alam mo namang may atraso ka pa," naidahilan na lamang niya.

"E, 'di kalimutan natin."

Napatitig siya sa mga mata ni Edgar. Naghahanap ng sign na nagbibiro lang ito sa sinabi. Naputol lamang iyon nang inihain na ng waiter ang kanilang order.

"Enjoy your meal," ani Edgar sa kanya.

"Salamat."

Tahimik lang silang nag-enjoy sa kinakain. Med'yo nahirapan siyang balatan ang hipon kaya hindi na lang niya iyon ginalaw sa halip ay piangpiyestahan na lang niya ang pork sisig. Kumakain na siya nang biglang tumayo si Edgar.

"Wait lang."

Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa may wash area at bumalik sa upuan nito. Laking gulat niya nang kamayin nito ang mga hipon at iisa-isang binalatan at nilagay sa kanyang plato.

"Naglinis ako ng kamay."

Hindi niya alam kung bakit iyon ginagawa ni Edgar sa kanya pero mas lalong hindi niya maintindihan ang sariling damdamin na para bang natutuwa sa pinapakita nito sa kanya.

"S-Salamat."

Ngumiti ito sa kanya. "Welcome."

At ganoon na lang ang kabang naramdaman niya nang masilayan ang ngiti nitong umabot sa mga mata. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang komportable siyang kasama nag binata hindi katulad ng mga nakaraang buwan na halos lamunin siya nito sa galit.

Natapos sila sa pagkain na may kasiyahan sa kanyang puso. Hinatid siya nito hanggang sa kanyang bahay. Nailang pa siya nang makita nito ang apartment na tinutuluyan niya.

"Huwag ka nang pumasok sa loob. Hindi pa ako naglilinis, e."

Tinawanan lang siya nito sa sinabi niya. Hindi naman niya alam kung bakit lumabas pa ito ng sasakyan at sumandal sa kotse. "Ligtas ba dito?"

Tinapunan niya ng nagtatanong na mukha si Edgar. Nakita pa niyang nilibot ang tingin sa buong Vicente Santos St. na sa tingin niya'y sinisiyasat ang bawat makita. "Oo. Ligtas naman dito. Atsaka mabait ang landlady ko. Minsan siya pa naglilinis ng apartment na tinutuluyan ko."

Tumango-tango ito sa sinabi niya bago binalik sa kanya ang tingin. "Gusto mo lumipat sa tinutuluyan ni Haley? Tumutuloy rin iyon sa apartment na malapit sa Belworts. Mas maayos. At may bantay."

"Hindi na!" Hindi niya alam kung bakit bigla itong naging concern sa kanya. Imbes na matuwa ay nakaramdam siya ng pagkailang sa mga kinikilos nito. "Mas komportable ako rito. Wala namang nangyayaring gulo dito maliban sa paminsan-minsang inuman ng mga tambay."

"Sigurado ka?"

Tumango-tango siya. "Sige na. Salamat sa pagkain at paghatid. Masyado nang malalim ang gabi." Akmang papasok na siya ng gate ng apartment nang tawagin ulit siya nito. Tiningnan niya ito. "Bakit?"

"Puwede makahingi ng pabor?'

"Ano 'yon?" Lumapit siya kay Edgar. Nakita naman niyang tumayo ng tuwid ang binata mula sa pagkakasandal nito sa kotse. Nagulat na lamang siya nang bigla siya nito kabigin at ikulong sa mga bisig nito. Hindi agad siya nakakilos nang ipatong nito ang ulo sa kanyang balikat. Kalahati ng kanyang utak ang nagagalak sa maayos nang pakikitungo sa kanya ni Edgar pero ang kabilang bahagi ay nagtatanong ng bakit?

---------------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon