Chapter 11

5.6K 112 3
                                    

HINDI AKALAIN ni Edgar na matutulala siya sa huling sinabi sa kanya ni Mariyah na halos magpatuod sa kanya kanina sa kanyang kinatatayuan. Hindi man lang niya nahulaan ang sumunod na gagawin ng dalaga nang hindi niya sinasadyang mainsulto ito sa kanyang sinabi. Oo. Siguro sa kasong pumapagitan sa kanilang dalawa ay hindi niya malimot ang nangyari tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi pa rin niya matanggap ang nangyari na natakasan siya ng isang babae nang gabing iyon. Kung hindi lang talaga huminto ang ikot ng mundo niya nang makita niya ang magandang mga mata ng dalaga ay hindi mawawala ang isang pinakaimportante painting para sa kanya ama.

Naisandal na lang niya ulit ang sarili habang abala na nagmamasid sa ginagawang photoshoot na iyon sa studio hall ng Belworts. Hindi niya maikakaila na nagkaroon ng epekto sa Sistema niya ang huling sinabi sa kanya ni Mariyah. Posible kaya? Pero mas nananaig sa kanya ang hustisyang nawala sa kanyang ama. Nakita na lang niya na nakatuon ang kanyang pansin sa modelong kinukuhanan ngayon sa studio. She's wearing an ocean-blue silk dress that perfectly fits its perfectly curved body. Hindi niya napigilang mapalunok nang hagurin niya ang itsura nito mula sa paa nitong naksuot ng three-inch white stiletto paakyat sa katawan nito hanggang sa mukha nitong kitang-kita ang angking ganda kahit hindi lagyan ng makapal na make-up.

Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito tuwing kikislap ang camera. Halatang sanay na sa ganoong pagmomodelo. Bigla ay may kumirot sa kanyang puso. Pinagdidiinan niya ang nakaraan ng dalaga kahit na pilit nitong binabago ang buhay. Naikuyon niya ang kanyang mga kamao. Hindi niya ugaling mang-ipit lalo na't babae pero wala siyang magawa. Kung hindi niya gagawin iyon ay walang mangyayari sa pinaglalaban niya.

Nahulog ang isip niya sa dapat niyang gawin habang nakatingin kay Mariyah. Hindi naman niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang magtama ang mga mata nila. Pinagmasdan niya maigi ang mga matang nagpahinto sa mundo tatlong taon na ang nakakaraan. Bigla ay bumalik ang isip niya nang gabing iyon. Ang mga bilugan at itim na mga mata nito na halos gumagambala sa kanya gabi-gabi bago ulit mag-krus ang landas nila sa fashion show ni Katrina. Hindi niya lubos akalain nang mga oras na iyon na magkikita at magtatama ulit ang kanilang mga mata. Nalilito na siya sa dapat maramdaman. Hindi na niya alam kung ano ang dapat manaig sa puso niya.

Mabilis na napabalikwas ng bangon si Edgar mula sa panaginip na halos gumagambala sa kanya gabi-gabi. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya malimut-limutan ang mga mata nang babaeng iyon. Simula nang makita niya ang bilugan at itim na mga matang iyon tatlong taon na ang nakakalipas ay palagi na lamang iyong lumilitaw sa kanyang panaginip.

Napatingin siya sa kanyang wall clock. 1:36 a.m. pero gising na gising na ang kanyang diwa sa hindi niya maisip kung panaginip o bangungot. Kinapa niya ang sariling damdamin. Bakit ba lagi siyang ginugulo ng babaeng iyon sa kanyang panaginip? Pinakalma niya ang kabang namamayani sa kanyang puso. Hindi siya puwedeng makaramdam ng ganoon sa babaeng naging dahilan ng pagkawala ng kayamanan ng kanyang ama. Mananatili itong magnanakaw sa kanyang isip at puso. Dapat itong manatiling magnanakaw.

Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa iyon pero sinubukan niyang hanapin ang babae. Pero nakadama lamang siya ng sobrang frustration para sa sarili. Paano niya hahanapin ang isang babaeng ni pangalan ay hindi niya alam? Naisandal na lamang niya ang ulo sa kanyang swivel chair. Hindi niya matanggap ang nagyayari sa kanyang sarili. Bakit siya nagkakaganoon sa isang babaeng minsan niya lang nakita? Sa isang hindi pa magandang pagkakataon? Pinilit niya ang sariling ituon na lamang ang isip sa Belworts. Nang pumanaw ang ama niya ay siya na ang sumalo sa responsibilidad nito sa kumpanya. Kaya bago pa siya mawala sa tamang ulirat ay pinagkaabalahan na lamang niya ang pagpapatakbo sa kumpanya.

Halos apat na buwan ang lumipas simula nang hawakan niya ang Belworts. Naging panatag na ang isip niya. Hindi na rin niya naiisip ang mga mata ng babaeng iyon. Naging matagumpay ang ginawa niyang busy-busy-han upang makalimutan ang nangyari tatlong taon na ang lumipas. Pero akala niya'y pangmatagalan na iyon pero laking gulat niya nang makita niya ulit ang mga matang iyon sa isang fashion show na dinaluhan niya. Hindi niya lubos maisip na kung kailan nakalimot na siya ay biglang magtatama ulit ang mga mata nila na nagpagulo sa sistema niya sa mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na iyon. Tulad lang din ng dati na halos huminto ang mundo niya. Bumalik lang ulit sa ulirat ang isip niya nang tumalikod na ang babae at bumalik sa backstage. Hindi naman niya alam kung bakit kusang naglakad ang katawan niya papunta sa backstage nang mawala na sa paningin niya ang babae. Nahagip ng mga mata niya na lumabas ito ng hall matapos lumabas ng dressing room. Kusan namang naglakad ang mga paa niya para sundan ito. Hindi siya nakaabot sa sinakyan nitong elevator kaya mabilis na bumaba siya gamit ang hagdan.

Kahit hindi siya sigurado kung anong dapat sabihin sa babae ay sinundan niya ito hanggang sa main lobby ng building. Ganoon na lang ang kaba niya nang makita niyang nagpara ito ng taxi. Hindi niya alam kung paano siya nakaabot sa puwesto nito bago pa nito mabuksan ang pinto ng taxi. Sa oras na nahawakan niya ang braso nito ay bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa mansion nila sa Tagaytay tatlong taon na ang lumipas. Bumalik sa kanyang puso ang sakit ng pagkawala ng painting na iniregalo ng kanyang ama sa kanyang ina. Hindi na niya alam ang gagawin nang mga oras na iyon at hindi na niya nakontrol ang sariling emosyon, ang sobrang galit sa pagkawala ng hustisya para sa nawalang kayamanan ng kanyang ama.

"At sa tingin mo talaga matatakasan mo 'ko?"

-------------------

Votes and comments are greatly appreciated! I hope you could also find some time to read my other stories! Thanks in advance. Enjoy reading!

Angel With A Shotgun Series:

#1: Julianne, The Beautiful Cop

#2: Elissa, The Untamed Lady

#3: Janelle, The Brave Princess

#4: Mariyah, The Fierce Eye

#5: Margaux, The Lost Smile

BOOK 4: Mariyah, The Fierce Eye [#Wattys2018 Winner]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon