Kabanata 2

500 15 0
                                    

Permiso

Nadelay pa ang dating ko sa Pilipinas dahil sa bagyo kung kaya't napagdesisyunan ng piloto na lumapag muna sa South Korea.

Katatapos ko lamang maligo ng matanggap ko ang tawag galing kay Dominic.

"Love, napanood ko yung balita. How are you? Dammit. Takot na takot ako ng hindi kita macontact." Alala niya.

Napangiti ako. Hindi dahil sa pinag-alala ko siya kundi dahil sa paraan ng kanyang boses na nagpawi sa mga takot ko kaninang nasa ere kami.

"Ano na? Para na akong gago dito kakatalak wala ka man lang comment?" Irita niya.

Napangisi ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ang sarili sa salamin.

"I'm fine. Nawalan akong signal but I am completely fine." Tipid kong sagot sa nag-ooveracting kong boyfriend.

Totoo nga namang okay lang ako, nahilo lang ako dahil sa turbulence pero ayos na ako ng makaligo.

"Hmmm.. tungkol sa mga projects na pinakita mo saakin kahapon." Pagsisimula niya.

Napamaang ako ng maalalang pinareview ko sakanya ulit ang mga blueprints na binigay saakin. Tho, may napili na ako on my own taste and background, mas gusto ko parin na makarinig sa mas propesyonal.

"Yes. What about it?" Linakasan ko ang boses ko sa tanong ng in-on ko ang speaker ng phone ko.

Inalis ko ang balabal na nakapulupot sa aking hanggang dibdib na buhok. Nilugay ko ito at pinadaanan ng blower.

"I reviewed it along with my co-engineers and we majority picked the other one." Pangungumpirma niya.

Bagaman tatlong plano ang nilatag saakin. 2 blueprints met my requirements but I can only chose one which I did kaso dahil hindi ako masaya sa desisyon ko ay nagpatulong ako kay Dominic at ngayon nga ay ito ang sinasabi saakin.

"But the other one is more detailed.." Diin ko.

He chuckled when I sounded upset. Paano naman kasi ay nasabi ko na sa mga kapatid ko ang desisyon ko. Hindi pwedeng bawiin ko basta basta iyon.

"I know love but material wise, the other proposal fits to everything lalo na at sa beach itatayo ang hotel. Kailangan ang mga materyales ay aayon sa lugar na pagtatayuan and the prices are all listed pati mga tatak neto. I reviewed all the materials and the company providing it and I have no doubt they will give you quality products. Moreover, proposal pa palang naman ang binigay sayo. Kung detalye lang naman pala ang issue, pwede mo namang sabihin sakanila so that they can provide you." Explained ni Doms.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig. Bakit ko nga ba hindi naisip yun?

"Why so sudden?" Walang buhay kong pinatay ang blower at nahulog lamang ito sa gilid ko.

Natahimik siya sa kabilang linya. Ilang ulit kong tinanong sakanya kung okay na ba ang desisyon and he confirmed it. Ngayon nagbago bigla ang opinion niya.

"I'm sorry, love. Pinag-isipan ko rin ito ng mabuti but if you are seeking for growth and maturity on your career and on yourself, this is my best proposal." He growled.

I reviewed all the strong points of the blueprint again and realized that he is right.

Buong gabi kong pinag-isipan lahat ng suggestion ni Dominic hanggang sa makatapak na ako sa NAIA at makarating ng bahay.

"Ate, what is wrong?" Singit ng kapatid ko.

Kanina pa ako andito sa kwarto niya habang pinapanood siyang nagfifitting ng cheerdance unifrom nila. Hindi tulad kong sa academics aktibo at sports, siya ay sa extra curricular tulad ng sayaw. She is talented and smart, another carbon copy of my parents.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon