"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
– Lao TzuEND
Life is a gift. It is a cycle of yourself learning throughout your journey living.
When we embrace all that life has to offer, we can achieve prosperity.
One way to do that is to understand and implement many of the lessons from the people who came before us. They teach us when to hold on or to let go, when to forgive and to forget and when to climb after falling. That is the essence of life. We struggle to survive.
And Andrei taught me how to love unconditionally. Napangiti ako. Pati ba naman sa panaginip ay siya parin ang naiisip ko.
Bumalikwas ako sa pagkakahiga. Pagod na pagod ako. Masyado siguro akong malisyosa pero ramdam ko ang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin kagabi at hindi ko alam kung paano namin nakayanan ang ilang beses.
Dahil doon pakiramdam ko ay ang sobrang napahaba ng tulog ko. Hindi ko na alam ang oras pero pakiwari ko'y medyo tanghali na. Ramdam ko ang hangin na umiihip papasok sa kwarto pero kakaiba ang presensya niyon dahil amoy maalat ang bugso nito, idagdag mo pa ang agos ng tubig na namamayani sa katahimikan.
Saglit..
Pagmulat ko ay imahe ni Andreius ang bumulaga saakin. He is tilting his head while we was patiently watching or waiting for me, I dont know which of the two. Nakapalumbaba lamang siya sa tabi ko like he was there long time but didn't bother to wake me up.
"Where are we?" Tanong ko ng marealized kong wala kami sa bahay.
"Beach." Tipid niyang sagot.
Pinaikot ko ang tingin sa paligid at totoo ngang nasa beach kami pero akala ko ba sa Sabado pa.
"Paano tayo napunta dito?" Tanong ko ulit.
Ang mas nagpagulo sa akin ay ang ayos ng aking anak. Nakasuot siya ng parehas na puting long sleeve at pants. Ayos na ayos ang buhok nito na tila pinahiran ng pomada. Ngumiti lamang siya tsaka ako hinalikan sa pisngi at bago niya ituro ang repleksyon ko sa salamin.
How could this be me?
Tumayo ako at lumapit pa lalo sa salamin. Hinawakan ko ang tulip na flower crown na pirming nakasuot saakin. My hair were curled accordingly with big length. And I am very surprise that I have some light make up on.
Nanaginip parin ba ako? Kinurot ko ang sarili. Hindi nga ito panaginip.
Inayos ko ang hanggang tuhod na itim na roba at lumuhod sa harapan ng anak ko.
"What is happening? Bakit tayo andito? Bakit tayo ganito? Let's call your Daddy. Alam ba niyang may nangyaring ganito? Where is he? I should call him?"
Tatayo na dapat ako para hanapin ang cellphone ng awatin ako ni Andreius.
Sa dami ng sinabi ko ay yakap lamang ang sinagot ng anak ko. He holds my face to calm me. This is not a dream iyon ang natanto ko habang nakatitig sa kampante kong anak.
"Let's go, Mommy. Everyone is waiting.." Yaya niya sa akin.
"What are you saying, anak?" Tuliro kong tanong.
Hindi pa rin ako nakahuma sa pagkalito lalo pa ng tumayo ako ay dahan-dahan niyang kinalas ang tali sa aking roba na naglantad ng suot ko sa loob. It was a short white ruffled dress. It is not conservative nor daring though it is showing a bit of my skin.
I was about to ask again but my son knelt down to help me wear a simple slipper after he wears his.
"Trust me, Mom. This is not a dream."
BINABASA MO ANG
The Rivalry (Lost Memories)
RomanceIf the love is bound for you, it will meant to stay. But what if it got lost, will it return back to stay for good?