Memories
"Where are you going?" Madalian niyang naiyapos ang braso sa aking tiyan ng maramdaman niya ang pagbangon ko.
Nanatiling naghaharumentado ang puso ko sa bawat sagi ng kanyang balat saakin. Sa kabila ng nangyari saamin kagabi, hindi ata ako masasanay dahil ang sistema ko ay nababaliw parin sa kahit anong gawin niya.
I feel soar down there. It was my first time. Hindi ko inasahan na isang iglap ay maisusuko ko ito sakanya. I am a very conservative person but my principle got knocked down in just a blink.
Hindi ko napigilan umiyak sa realisasyong iyon. Nawala ang pinaka-iniingatan ko sa lalakeng hindi ko pag-aari ngunit sigurado kong mahal ko. Paano si Dominic? Paano si Alyanna? Paano kami? Lahat ng iyon ay bumabagabag saakin sa buong gabi. Hindi ako nakatulog dahil inuusig ako ng konsensya ko. Hindi dapat nangyari ang nangyari na.
"Bakit gising ka na?" Tanong ko.
Maingat niyang nilingon ang relo sa kamay na nakayakap saakin. Alas dos na ng madaling araw.
"Saan ka nga pupunta?" Inulit niyang tanong.
Pinagmasdan ko siya. Napakaamo ng kanyang mata na nakatitig lang saakin. He is still half naked habang ako ay balut na balot na. His bicep flexed when he tried to hug me tighter. I felt his breath on my back as he moved closer.
"Iinom lang ako ng tubig."
"Babalik ka pa ba dito?" Malungkot niyang talima. Akala ata niya aalis na ako pagkawala ko sa hawak niya. Kinurot ang puso ko dahil doon.
Tumango ako. Bagaman madilim ang silid, nasisinagan ng buwan ang aming parte kaya naman sigurado akong kita niya ako. Ramdam ko ang pagbuga niya ng hangin bago ako pakawalan.
Nanginig ang aking tuhod ng mapasandal ako sa ref. Alon lamang ng dagat ang tanging naririnig. Kumalma na ang panahon hindi tulad kagabi na talagang tila nagagalit ang paligid sa lakas ng hangin at ulan ngunit ang pagkatao ko ay nabaliktad.
Hindi ko na napigilan ang tinatago kong luha at nagsibagsakan na ito. Tahimik akong humikbi. Dama ko ang lamig na nanunuot sa aking katawan. Nagtatalo ang isipan at puso ko kung saan ako nagkulang ng depensa. Nawala sa isang gabi ang sampung taon kong pinaghirapan.
Anong katangahan ang nagawa mo, Allona? Anong karupukan ito?
Nakarinig ako ng kaluskos na tumigil sa aking harapan. Bago ko pa man mapunasan ang aking mga luha ay naramdaman ko na ang mainit na yakap na kumulob sa aking nanginginig na balikat. Hindi ako nakapagsalita. I know he knew what am I thinking and now my thoughts were all scattered. Paano ko malulusutan to?
"Al.." Mabagal ngunit mariin niyang bigkas.
Titingalain ko dapat siya ngunit agad niyang hinawakan ang ulo ko para manatiling nakasubsob sa kanyang balikat. Hindi niya ako hinayaang makatakas.
"It was you all along, Allona Monique." May halong kasiguraduhan ang kanyang bitaw sa aking pangalan.
For a second, I realized something already. He knew me. He remembers me. When? How?
"You, r-remember m-e?" Mautal-utal kong sagot.
Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Masyado pa akong nagulat at hindi pa ako makahuma sa nangyayari. Kagabi ay naisuko ko lahat, halos mabaliw ako sa dami ng naiisip kong maling dulot nun at ngayon naman ay nakakaalala na siya. Naaalala na pala niya.
"I'm sorry.. I'm sorry for forgetting you. Hindi ko ginusto. I am so stupid."
Itinulak ko siya. Ang poot at galit ay umusbong sa aking puso. Alam na niya pala.
BINABASA MO ANG
The Rivalry (Lost Memories)
RomansaIf the love is bound for you, it will meant to stay. But what if it got lost, will it return back to stay for good?