Kabanata 21

418 19 5
                                    

Price

''Perfect!.. This kind of pose naman.. Nice! Look on the other camera.. Good!"

Ilang ulit pa akong nagpatuloy ng iba't ibang angulo. Nakailang beses rin akong pinagpalit ng damit bago ko natapos ang parte ko.

"You are so beautiful, Allona. You are the simplest but yours is my favorite." Praise ni Adam, ang half German naming international photographer.

"Thank you, Adam. I prepared a lot for this project."

"Kahit pa naman noong nasa New York ka pa, I know this kind of career will suit you. Nasanyangan lang ako ng ayaw mong kunin kitang modelo but now seeing you here. I am satisfied." Sabi niya habang pinapakita lahat saakin ng larawan ko.

Adam is a well-known photographer. Nafeatured na rin ang mga kuha niya sa Time, Rogue at Esquire. Kilalang metikuluso ito sa mga kuha. Masyadong perfectionist kaya kinakatakutan.

"Stop praising me in front of many. Mamaya sabihin nilang favorite mo ako." Puna ko sa kanya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Lahat naman ay abala sa pag-aayos ng setting para kay Marco. Ibinagsak nito ang kanyang balikat at tumingin saakin habang ang atensyon ko ay nasa screen parin.

"Sino ba mag-aakalang may Andreius ka na?" Bulong niya saakin.

Pinasadahan ko siya ng masamang tingin bago lumingon sa paligid para siguraduhing wala nakarinig sa sinabi niya.

"Stop!" Bulong ko pabalik.

"When are we going out ba kasi girl? Miss ko na si Andreius. Where is he? Tell him, tita miss him."

Agaran ko siyang siniko bago pa may makarinig saamin. One thing we shared in common was our secrets. I know him. He know me. I kept his secret. He kept mine. I still remember when my son got confused noong pinakilala ko siyang tita, sabi ni AA bakit daw tita kung lalake naman ito. My son was so embarrassed that moment when I explained it to him.

"Nasa Davao siya with my parents. Nagpabook na akong flight bukas para makauwi after this first session."

Isa na sa magandang parte ng trabahong ito ay ang isang linggong bakasyon pagkatapos ng dalawang linggong araw-araw na pictorial. Isipin ko pa lamang na makikita ko siya at makakasama ay excited akong lagi magtabaho since after this hectic schedule I will be home.

He sighed. Walang pamilya dito sa Pilipinas si Adam. Nasa San Francisco lahat kaya naman hindi ko maisip kung paano siya for that week rest.

"You wanna come to visit him? Surely he misses you." His eyes glow even before I realized it.

He nodded happily on my offer. Masigla itong tumayo para ipagpatuloy ang trabaho ngunit bago siya umalis sa tabi ko ay dumikit pa itong muli saakin habang nagsuswipe sa kanyang camera.

"Sometimes I am really curious kung ano itsura nga tatay ng anak mo. Yes! you are very pretty at ang gwapo ng anak mo but you don't look like Andreius. I am really curious kung genes ba ng tatay ang nakuha."

Tinapunan ko siya ng madilim pang titig muli ng hindi niya ako tinitigilan sa pang-aasar. Masyado ata tong masaya na ako ang tatargetin buong araw.

Wait and see kapag nameet mo na ang boss natin. Doon mo malalaman kung sino ang kamukha ng anak ko. Iyon ang gusto kong isatinig. Dumaan na ata ang maraming araw matapos ng patuluyin niya ako sa kanyang condo ay hindi ko pa nakikita ang lalakeng iyon.

It's not that I miss him. Naalala ko lang.

"Alam mo Miss, pilit ko talagang inaalala kung saan kita nakita. You look very familiar kasi then ng malaman ko yung last name mo, ikaw pala iyong kapatid na babae na tinutukoy nung Franco Monte De Ramos. Kaya pala, kamukha mo iyon. Ang gwapo nun. Pero mas gwapo parin si Franz.." Sabik na sabi ni Stella na siyang naging personal na make-up artist ko.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon