Kabanata 27

480 21 4
                                    

Hand

Masyadong naging inseparable ang dalawa sa mga nagdaang oras. Hindi rin naubusan ng kwento ang anak ko sa mga childhood memories na pwede niyang i-share sa tatay niya. Nagpakita pa siya ng mga ilang pictures mula sa cellphone ko at inanyayahan si Andrei dumalaw sa amin para makapagpakita pa siya ng marami.

"Anak, I think you should go wash na para makatulog na tayo." Singit ko sa dalawa na may sariling mundo parin.

"Mommy, it is too early.." He pouted asking for back-up sa ama.

Tinaasan ko ng kilay si Andrei ng makita ko ang nagbabadya niyang pagsagip sa anak.

Ano may sasabihin ka? I mockingly look at him.

"I think you're Mommy is right. You go wash, I will come with you."

Good! Dapat ganyan at alam mo na ako nasusunod sa mga ganitong bagay.

Patayo na siya sa sofa ng hilahin siya ni AA paupo at ang anak ko naman ang tumayo.

"No, I can do it myself. Diba mommy? I am a bigboy."

Ngayon sa akin naman siya humihingi ng tulong para mapakita sa ama ang pagiging independent nito. Hindi na niya ako hinintay magsalita bagkus ay tumakbo na sa bathroom. Ako naman ay naglabas ng susuotin naming pantulog.

"Sorry, wala akong extrang damit na dala."

Wait? What! Bakit ako nagsosorry at bakit ko siya dadalhan ng damit?

Nagulat siya sa sinabi ko ngunit kalaunan ay may ngiting sumilay sa labi habang ako naman ay napaiwas ng tingin sa nasabi.

"I brought some clothes. It's okay." He answered while looking at me.

Inabala ko ang sarili sa ibang bagay dahil sa hindi ko pagiging komportable na kasama siya. Nakaupo lamang siya sa sofa habang matamnan akong pinapanood. We even catch each other looking that made it more awkward.

Bakit ba kasi may halong ganito? Hindi ko ito napaghandaan, pwede ba ng rewind para makapagpractice. Nasapo ko ang ulo ko.

"I wanna stay with my son." He plead.

Sinang-ayunan ko iyon. Maraming taon ang nawala sa pagitan nilang mag-ama at hindi ko ipagdadamot ang magkasama sila. I know AA will be happy staying with his father. Kaya naman..

"Okay. We can divided the days of the week. You can have him 3 days, saakin siya ng 4 days." Hindi ko na iyon pinag-isipan.

Napamulagat siya sa suhestiyon ko. Gusto mo pa ba tumawad? Pinaikot ko ang mata. Okay, fine!

"Ayaw mo? Then perhaps, have him for 4 days tapos 3 days saakin. We can settle that naman, wala akong problema doon. I can fix our scheduling and-"

"What are you talking about?" He cut me off.

Nanliit ang mata niya dahil sa inis na umuukit sa kanya. Parang hindi niya nagustuhan ang deal na nilalatag ko. Bakit may mas maganda ka bang areglo sa sitwasyon natin?

"Akala ko ba gusto mo siyang makasama? I am doing it for your convenience. We can share or you want him for the entire month? I can adjust." Saad ko.

Mas dumilim ang mukha nito. His brows furrowed as he listened and lines on his forehead are arcing. He is pissed.

"What?" I groaned.

"Why, what? Naririnig mo ba mga sinasabi mo. Really? Hahatiin natin ang bata." He hissed.

Naguluhan ako sa mga tirada niya. Syempre ayaw kong hinahati si Andreius. Ayaw ko maramdaman niyang pinag-aagawan namin ang atensyon nito.

"You said you want him beside you. I'm giving you a favor here, Mr. Andrei Alexander!"

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon