Kabanata 12

404 15 0
                                    

Together

I have always dreamt about a love so sweet and true. Depends on what kind of love I am hoping for but on this world full of uncertainty, only a fool could say that it exist.

"Sabi ng kuya mo, huwag kitang hayaang lumabas dito." Kalabit ng babaeng kasama ni Kuya Franz.

Ito ang unang pagkakataon na makikita ko siya. Ito rin ang unang beses na may kasamang babae ang kapatid ko. Dahil sa nangyari kanina ay hindi ko na napansin na siya pala ang kasama kong pumanhik sa kwarto ko.

Hindi ako sumagot. Ramdam ko parin ang panginginig ng aking buong katawan. Hindi ko alam kung makakalimutan ko parin ba ang sindak sa aking sistema.

Maybe, she noticed it that is why she rest her hands on my shoulder. Tinignan ko lamang ang kamay niyang nakapatong doon.

"Safe ka dito kasi andito ako. Kaya huwag ka ng mag-alala." Komento ng babae.

Her features were the opposite of Kuya Franz type of woman, I guess. Morena siya, matapang at malakas rin ang aura na kahit sa anong sulok mo siyang tignan masasabi mong wala siyang kalambutan na taglay but her voice sounds otherwise.

Kung titigan ko ang babae ay iba ang ganda niya kumpara sa mga nalilink kay Kuya Franz dati. She is an epitome of Dalagang Pilipina for me.

Sa tagal ata ng pagkakatitig ko sa kanya ay bahagya siyang naasiwa dahil kumunot ang noo nito.

"Marumi ba mukha ko?" Sabay hilamos ng marahas sa kanyang mukha. Namula pa ng bahagya ang kanyang pisngi sa ginawa niya.

"No.. Uhmm.. Sorry. Thank you kanina.." Saad ko.

She smiled fiercely as she crossed her arms in front of me. How could Kuya Franz fell from a strong woman like her?

"Wala iyon. Kung hindi lang ako pinigilan ng kapatid mo ako na bumugbog sa gago na iyon." Palatak niya.

Gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Napakagiliw niyang magsalita para lamang iparamdam saaking okay na ang lahat.

"By the way. Girlfriend ka ba ng kapatid ko?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.

Napamulat siya sa narinig. Ang kanyang mataas na cheekbones ay namula. Hindi niya napirmi ang mata saakin na pinalipat-lipat sa kung saan na pwede niyang tignan.

"Hindi.. Yung kaibigan ko ang gusto ng kuya mo. Kaibigan lang niya ako."

Kaibigan nga ngunit sa kilos niya at epekto ng tanong ko ay hindi ako tanga para hindi ko malaman na gusto niya ang kapatid ko.

"Hindi niya ako tipo. Masyado akong magaspang at barako. Hindi daw niya tipo ang mga amazonang tulad ko." Nangningning ang kanyang mata sa tinuran.

"S'ya nga pala, Nessa.." lahad niya ng kamay saakin.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Kahit pagtagpi-tagpiin ko ang nangyari sa mga nagdaang mga araw, hindi ko maikakaila na unti-unting nagbabago ang ikot ng mundo ko.

Naalala ko bigla ang kailangan kong gawin. I dont know how to convince her but at least I need try. Pinagdaop ko ang kamay naming dalawa. Tinitigan niya lamang ako.

"Kailangan kong makita si Dominic. Tulungan mo akong makita siya."

Binawi niya agad ang kamay bigla hindi pagsang-ayon sa hiling ko. Naningkit ang kanyang mata at dumiretso ang guhit ng bibig na tila nadismaya saakin.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon