Kabanata 4

440 16 1
                                    

Forgotten

I know I couldn't change anything at all. I left him with his heart not only broken but fully crashed. Maybe, he is mad or worst baka sinumpa na niya ako ng sobra.

Konting konti na lang, makakalabas na kami. Makakaiwas na ako. Akala ko kaya ko na siyang harapin but now I realized, I still can't do this.

"Jenny?" Tawag ni Alyanna.

Sobrang nataranta ako ng tumigil si Jenny. Gusto ko man siyang hilahin palabas at tumuloy ng umalis ngunit huli ng bigla siyang tumalikod para harapin ang tumawag sakanya.

"Alyanna." Bati niya.

Nanginginig ako ng hawakan ko ang braso niya. Kung maaari lang ay magteleport ako o maging invisible man lang sa oras na ito ay nagawa ko na. Ito ata ang pinakamalas, nagtangka kang tumakas ngunit hindi ka nakalusot.

"I never thought magkikita tayo dito. Nagpacheck-up ka ba?" Tanong ni Alyanna na sigurado sa dahilan ng pagpunta namin dito. 

At some point, gusto ko ng lunukin ako ng lupa. I know it is rude ngunit hindi parin ako lumilingon sa kanila, hindi ko kaya.

Damn, I'm shaking.

"Andrei. I am Here.."

Pagkarinig ko nun ay biglang tumigil ang oras para saakin. I freeze at the thought of seeing him after 10 years of being on hiatus. I pushed him away, I destroyed him real hard.. Ano na lang maihaharap kong mukha sakanya?

"Thank you, babe." Saad ni Alyanna ng mapagtanto kong nakalapit na nga saamin ang lalaking gusto kong natakasan uli.

Nahapit ko ang aking paghinga. Kahit ata dulo ng buhok ko ay tumigil sa pagsabay sa hangin. What now? Ano na? I'm trapped over here.

"Jenny.. Hindi mo ata kasama si Franco." Tanong niya. His voice remained the same, mas bumaba nga lang ito at mas lumalim.

I felt Jenny renewed my hold to her by holding me back. She pressed my hand to convince me that she will back me up. She slightly dragged me para mapaharap ako sakanila. Bago ako tuluyang mahatak ay pumikit pa ako ng mariin para makalma ko ang puso kong nababaliw na. Hinanda ko ang sarili ko sa ano mang masamang salita na sasabihin niya. Kahit anong imbintang niya ay handa kong tanggapin dahil totoo namang kasuklam-suklam ako.

Kaya naman ng makaharap ako ay magtapo ang aming paningin ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Walang anumang galit, poot o hinanakit ang laman ng kanyang mata. Maaliwalas rin ang kanyang mukha na walang bahid ng kung ano mang masama na kanina ko pa naiisip. Walang laman ang kanyang reaksyon. Para akong estranghero na ngayon lang niya nakita, ganun ang ekspresyon niya.

"Oo pala. Siya yung sinasabi kong nameet ko sa puntod ni Trix. Siya si Monique." Pakilala saakin ni Alyanna.

Sa gulat ko ay tinitigan ko lang kamay niyang nakaabot saakin para makipagkamay. Nilingon ko si Jenny na hindi man lang nagulat sa pinapakita ni Andrei.

Nagtaka ako kung bakit ganito siya makitungo at ang sumunod niyang sinabi ay nagpayanig saakin.

"Hi. Have we met before?" Tanong niya habang pinalipat-lipat ang tingin saakin at kay Jenny.

I know masama ang loob niya. Ngunit hindi naman niya ako dapat tratuhin na hindi niya kilala lalo pa sa harapan ng girlfriend niya at ni Jenny.

"Sorry?" Pag-uulit ko ngunit nasa tono ng pagtataray.

Hindi ko tinanggap ang kamay niya na hanggang ngayon ay nakagawad parin. Nakatingin na sila saaking tatlo, naghihintay sa susunod kong gagawin.

"I'm sorry.. You looked familiar. Btw, I'm Andrei." Pakilala niya saakin.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon