Kabanata 28

490 25 6
                                    

Home

"He is my son. Not my Father's son but my own."

Iyon ang katagang tumatak saakin. Why could he be this calm habang ako ay kabado sa panonood. Nasa presscon din si Andrei na ginanap sa kanilang kompanya. He asked me to stay on my parent's house to secure our protection habang inaayos nila lahat ng mga naglabasang issue.

"Are you saying that he is your-"

Hindi pinatapos ni Tito Andres ang ibabatong tanong kay Andrei. Ngayon na nagkatabi ang mag-ama mas lumitaw ang pagkakahawig ng dalawa. This is a sort of reunion for them and I am so happy that they settled their misunderstanding for Andreius.

"Dad." Hinawakan ni Andrei ang balikat ng ama bago hinarap ulit ang interviewer. "Sorry for the interruption. Go ahead."

"What is he doing? Hindi niya ba nakuha na makakasama ang susunod na tanong para sa apo ko." Sawata ni Daddy.

Andito kami ngayon sa office room ni Daddy. Ako, si Mommy na nasa tabi ko, si Daddy na nakatayo kasama si Kuya Franco and Francis. Inako ni Kuya Franz ang responsibilidad na panatilihin ang mga bata sa living room para maglaro.

"Ferdinand, can you please let the boy speak." Pukaw ni Mommy habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Mom has a point. We tried shutting him up many times, Dad. Para naman kay Allona ito at kay Andreius." Sang-ayon ni Kuya Francis na kalmado lamang na nakatukod ang kamay sa upuan namin ni Mommy.

"Sorry Sir Andrei for my choice of wordings but are you accepting the fact that you have.. you know. Hahahah." Hindi maituloy-tuloy ng babae ang tanong niya.

Tumingin pa siya sa ibang mga interviewers asking for a help if she should push the question or move to the other topics. This is very sensitive and brute in front of National television maraming channel and press company ang dumalo dito kaya naman you can feel the intense pressure I guess but still Andrei's expression still stay cool and controlled.

"Illegitimate son, you mean?" He said.

Naging tahasan ang mga bulung-bulungan sa media ng marinig iyon. Marinig ko lamang ang salitang iyon ay kumulo na ang dugo ko. Naikuyom aking kamao. He is not illegitimate son of anyone. He is my son.

"He is not illegitimate. He is my first born child.. and My Father's first grandchild, so, No. He is not what you think he is."

Lumingon si Tito Andres kay Andrei habang sinasabi iyon. Nagtanguan silang dalawa na tila nagkakaintindihan sa bawat galaw at ayos. Mas lalo tuloy umugong ang bulungan na naging sanhi ng pagkakagulo ng mga press. Ang iba ay nagsitayuan para maunang makabato ng tanong.

"Sir what are you saying that he is not illegitimate? Is that means he is your son with your wife Alyanna Cortez?" Tanong isang taga-tabloid base sa pangalan nito sa screen.

Napalunok ako sa mga tanong nila. Hindi na sila mapirmi. Masyadong naging pribado ang buhay ni Andrei kaya naman kung ano nalang ang lumabas sa balita ay agad na pinaniniwalaan kahit walang sapat na ebidensya.

Umiiling siya. "No, he is not my son from Alyanna dahil hindi ko naman asawa si Alyanna in the first place."

"Ibig sabihin po ba ito ay may iba kayong asawa? Pakipaliwanag po." Bato naman ng isang channel anchor.

Mas lalong umingay ang loob ng hall. Kinailangan narin makisali ng mga security para hindi magkagulo. Pero sa gitna ng nagkakagulong audience, sa iisang lalake lamang nakatuon ang buong pansin ko.

"You okay?" Tanong ni Mommy saakin.

I nodded. Atleast I still have energy to response kahit na pakiramdam ko ay nauubos na ako habang nanunuod dito. After this presscon, marami ng magbabago. Hindi sa buhay ko kundi sa mundo ng anak ko. Lalawak iyon.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon