Kabanata 17

367 15 3
                                    

Let Go

What am I supposed to do?

Iyon lamang ang iniisip ko sa buong biyahe. Sumakit ang likod dahil hindi ako nakatulog ng maayos, hindi rin nakatulong ang pagsakit ng tenga ko dahil sa pressure habang nasa ere. Sa bawat galaw ng anak ko ay nagigising ako.

It was his first trip that is why he is uncomfortable but he never say a word to protest how uneasy he is. Every minute, I'm checking on him and ask him if he needs something but he is very adamant to say he is very fine.

Inabala ko na lamang ang sarili ko sa paggawa ng to do list ko habang andito kaming mag-ina. Mga importanteng bagay na dapat unahin at mga lugar na dapat naming puntahang dalawa. It would be nice to expose him to many Filipino cultures that he really belongs to.

Isang taon lang, Allona. Isang taon lang ng pagtitiis para kay AA. Para sa anak mo at para sa ikatatahimik ng kalooban mo. Hindi naman lang dahil sa offer ang inuwi mo dito. Gusto mo lang rin buuin ang kapiraso na nawawala sa pagkatao ng anak mo. Pagkatapos nun, you can go far away again where no one can come after you.

Libo-libong alaala ang pumukaw sa akin habang palapag ang eroplano pero dalawang emosyon lamang ang namutawi sa aking isipan, takot at kaba.

Sa daming beses na akong umalis, ganoon din kadami ang bilang ng aking pagbalik pero pasasaan ba't magiging huli na ito.

"Son, can you take off your mask?" I'm pertaining to that kiddy mask na pinabili niya sa duty free.

"Why, mommy?" Tanong ng inosente kong anak habang tinitignan ang sarili sa salamin na nadaanan namin palabas ng eroplano.

His mask has his favorite anime on print. Actually, I dont mind but he's been wearing it for the straight 15 hours of our flight. I am worried he might get suffocate or what.

"Because you've been wearing it for 15 hours anak. And it's hot here oh. Baka magkarashes ka." Pangugumbinsi ko habang pinupunusan ang butil na pawis sa kanyang noo at patilya.

He shook his head to disagree.

"Mommy will buy you bag or shirt with that print. How about that?"

He shook his head again.

"Kaneki dont wear bag. And I dont like tshirt." Sagot niya.

Napasinghap nalang ako sa anak kong ayaw magpatalo. I rolled my eyes while he was looking intently at my expression with his bambi eyes. Mga bata talaga, hindi ko maintindihan minsan ang takbo ng isip. Kaya naman minabuti ko na lamang na lagyan ng baby towel ang kanyang likod at hayaan na siya sa gusto.

"Okay.. But promise me to take that off sa car ni Tito Franz. Okay?" Bigo kong talima.

Tumango tango siya.

Sa layo ng nilakad naming dalawa ay nagtanong na ito kung puwede magpabuhat. Mabuti nalang at naisipan kong mag-sneaker kung hindi ay parehas kaming mahihirapan. Ayaw ko namang pilitin itong maglakad pa kung hindi na niya kaya.

May nagmagandang loob pang lalake na nagvolunteer na bumuhat kay AA pero dahil nakakahiya at kaya ko namang kargahin ang anak ko ay hindi na ako nakisuyo pa.

"Baby." Bulong ko sa inaantok ng anak.

He was already half sleeping when he turned to me. Nginuso ko ang carousel na umiikot kaya tumingin naman sya roon.

"Mommy will get our things there. Is it okay if you sit here then wait for me? Babalik rin agad si Mommy." Tanong ko habang hindi parin siya humihiwalay saakin.

I kissed his forehead ng mahimasmasan na siya.
Habang kinukusot niya kanyang mata ay maingat ko siyang nilapag sa hilera ng mga upuan. Nang masigurado kong komportable siya sa kanyang posisyon ay humila na ako ng cart at naglakad patungo sa carousel. Dahil sa pinagsama ang mga bagahe ng dalawang flight sa isang carousel, naging pahirapan ang pagkuha ng gamit.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon