Kabanata 3

447 17 0
                                    

Nurse

Isang oras na akong nakatayo sa loob ng musoleo. Sa harapan ko ay ang taong naging malaking parte ng desisyon ko 10 years ng nakalipas. Hindi man naging maayos ang pagkakakilala naming dalawa, masasabi kong napakabuti niyang tao at totoo siyang magmahal.

Kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na sa pagkikita namin ay hindi ko na masisilayan pa ang mukha nito.

"She spent her remaining days happy." Isang oras na ring nasa tabi ko si Jenny na ngayon lamang umimik.

Wala akong mahagilap na wastong pangungusap para pagtagpi-tagpiin lahat ng gusto kong sabihin. Gustuhin  ko mang magsalita ngunit ang kalungkutan na namamayani sa kalooban ko ay humahadlang para makapag-isip ako ng tama.

Matagal na akong inuusig ng konsensya ko na hindi ako nakapagpaalam man lang ng maayos.

"I wish I was here. Sana nakapagpaalam ako ng maayos." I murmured.

Hinawakan ni Jen ang likod ko. Katahimikan ang gumapang sa pagitan namin bago niya hawakan ang aking kanang kamay.

"She wanted to say 'Thank you'. For being brave." She looked at me.

Ngumiti ako at tumango bago ko binalik ang tingin ko sa lapida ni Trixie. I should be the one to say thank you to her.

She has a lot of dreams yet she was taken so early.

Alam ko naman na lahat ng tao ay may deadline sa buhay. May mauuna at mahuhuli. Mayroon pa ngang namamatay agad bago pa man maisilang at mayroon ding umaabot pa ng isang daang taon.

However, mas mahirap ang naiiwan at nahuhuli dahil nasa iyo lahat ng bigat at pait. Kailangan mo maranasan ang pakiramdam ng nawawalan kahit hindi ka naman masasanay.

"Al, as much as I like to stay here with you.. Masyadong nabibigatan na ako sa dala ko. Nakakangalay na e. Batak na varicose veins ko." Daing niya habang tinuturo ang umbok na tiyan at paang namamanhid.

Bahagya pa siyang natawa. Oo nga, may buntis akong kasama.

Inutusan ko siyang bumalik na sa sasakyan. Sa init ng panahon ngayon, hindi magandang napapayag akong isama siya lalo pa at buntis siya.

Taimtim akong nagdasal. Taimtim kong kinausap si Trixie sa aking isipan. Puro pasasalamat ang nasambit ko sakanya. Pasasalamt na naging mabuti siyang kaibigan. Pasasalamat na minahal niya ng totoo ang lalaking minahal ko noon. Pasasalamat sa pagiging matatag niya kahit na ganun ang kalagayan niya.

Everyone has their own kind and type of story. Maaaring parehas ang takbo ng storya —mapadarama, horror, thriller or romance man.. there will be the uniqueness part on each kaya hindi mo masasabing pare-parehas tayo ng pinagdadaanan.

I wish I did say goodbye, Trixie.
I wish I fulfilled my promise.
Sabi mo, bumalik ako kapag ayos na.
Umayos ba ang lahat?
Ikaw ba ang nagdala saakin pabalik dito?
Please continue guiding me hanggang sa magkita na ulit kami.

I bid my farewell umaasang sana naririnig niya ako kahit sa malayo.

Nagsimulang bumuhos ang ulan. Nanginig ang katawan ko sa hangin na dulot nito dahil sa naka-sleeveless lang ako. Kung kanina ay nakakadarang ang sikat ng araw, ngayon ay nag-iba na dahil sa pagdilim ng paligid.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon