Kabanata 14

377 14 0
                                    

Dead

"I am pregnant, Andrei. I am fucking pregnant with this child and you are the damn father." Sigaw ni Alyanna.

Her voice echoed on my mind. Suddenly my breathing became deeper as the air around me feels heavier. Sindak ang umapaw sa aking pagkatao ng matanto ko ang sinabi niya.

Andrei's grip on me loosen. Dinig ko ang kanyang malakas na paghinga habang nakatitig saakin ngunit ang mga tingin niyang iyon ay walang laman. Para siyang nawalan ng tino, blangko at walang buhay.

Napalunok ako. The terror is very real. Biglang naging magulo ang akala kong maayos. Biglang nawalan ako ng pag-asa.

Tama ba ang narinig ko? Nananaginip ba ako? Ang ama ng dinadala ko ay magiging ama ng dinadala ng iba. Nanuot ang sakit sa aking puso.

Kung kanina ay masaya akong ibalita ang sitwasyon ko, ngayon puro pangamba nalang at takot ang nananaig saakin.. para sa anak ko. Matatanggap ba siya ng lipunan? Aakuin ba siya ng ama niya? Paano?

"You are lying." Pang-aakusa ni Andrei.

Nakapikit siya habang sinasabi niya iyon. Umigting ang panga niya habang hinahanap ang mga kamay kong bumagsak mula sa pagkakahawak nito.

"I hope I am but I am not. Please hear me out." Pagmamakaawa niya.

"No!" Mariing sigaw ni Andrei habang nakatalikod parin kay Alyanna at nakaharap saakin.

"I am 2 months pregnant Andrei. I tried to tell you but you keep on pushing me away. Sinubukan kong sabihin pero pinili mo yang babaeng yan. Ayokong lumaking walang ama ang anak ko. You know I came from broken family. Please don't do this to me. Please don't do this to your child" Iyak niya.

I feel miserable at the moment. I can't be selfish but how about my child? Anong bukas ang naghihintay sa anak ko kung ganoon.

Tiningala ko si Andrei. Now his bloodshot eyes were evidently overflowing. Hindi siya gumalaw. Nanatili lamang siyang walang imik ngunit sumasalamin sa kanya ang bigat ng loob. He is sweating cold as his hands were getting wet. I never saw him this tense before.

"I'm sorry.." Saad ni Andrei. Hinila niya ako para makaalis na doon ngunit natigilan kaming dalawa ng magbanta si Alyanna.

"Ipapalaglag ko ang bata! I am not joking. Ipapalaglag ko ito kung hindi ka babalik saakin!" Bulyaw niya.

Natuliro si Andrei sa narinig. Pati ako ay hindi makapaniwala. How could she say that? How could she harm her own child? I suddenly felt like I was going to burst.

"Yes! Isipin niyo ng selfish ako but I am not joking. Kaya mamili ka, Andrei. Buhay ng anak mo o yang babaeng yan na sumira sa ating dalawa." Masalimoot na sigaw ni Alyanna na rinig na  rinig ng lahat.

Rinig ko ang naging bulong bulungan ng mga taong nakatunghay saamin. They were maintaining their distance but they are very bold of watching us making this scene.

"Don't you-"

"Araaay!" Sigaw ulit ng Alyanna na nagpagimbal  sa aming lahat. Dumaing siya sa sakit.

Mabilis siyang nilingon ni Andrei na ganun din ang ginawa ko. Naestatwa kaming pareho ng makita namin ang kalagayan niya.

She was still standing habang nakaagapay sakanya si Kuya Franz but blood is freely oozing on her legs. Kuya Franz tried to hold her so she can maintain her balance but she's protesting.

"Bitawan mo ako. Masasama kayong lahat. Makasarili kayo. Gusto mo lang maging masaya ang kapatid mo while ruining my life!" Iyak niya habang iniinda ang sakit.

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon