Kabanata 13

406 13 0
                                    

Father

After that night hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon pang makita si Dominic. Ang huli kong balita ay umalis na siyang bansa matapos naming maareglo lahat.

Bagaman hindi parin humuhupa ang galit ng kapatid ko at ni Andrei, hindi na sila umangal pa sa kagustuhan kong pakawalan na lamang si Dominic.

Dahil sa nangyari napilitan akong umuwi ng Manila. Even how much I tried to convince my siblings that I will be okay, hindi nila ako pinakinggan. Kaya Kuya Franz took over the work for me.

Syempre hindi na nagtanong ang mga magulang namin kung bakit nagbago ang plano. Dinahilan ko na lamang ang kagustuhan kong maalagaan si Jenny pagkagtapos manganak which is half way true.

"Will you be able to accompany me sa check-up ni baby Ize?" Bumungad saakin ang bagong gising na kaibigan karga-karga ang aking pamangkin na kagagaling ata sa pag-iyak. He's been a month old now.

Isaiah Gabriel brought life to our family. He became the center of our everything. Unang apo, unang pamangkin rin.

"Oo naman. —" Natigilan ako sa pagtayo ng biglaang humilab ang aking sikmura. Ramdam ko ang pagpilipit ng aking tiyan na tila pinipiga nito palabas ang kung ano mang bagay na naroon.

Napalundag ako at agarang tumakbo sa banyo. Kasabay ng pagsuka ko ay ang pagpatak ng malalamig na butil ng pawis. Napahawak ako sa inodoro ng umikot bigla ang aking mundo. I swear, I feel like dying.

"My god! Manang!" Sigaw ni Jenny. Sa lakas nito ay umiyak ang aking pamangkin na mas lalong nagpasakit sa aking ulo.

Rinig ko ang patakbong yapak ng kasamahan namin sa bahay.

"Manang, pakitignan muna si Ize please." Utos ni Jenny.

Hindi ko na nahimigan pa ang sinagot ni Manang ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

"What is wrong with you? Lately, napaka-grouchy mo. Nakahilata ka nalang maghapon at ayaw mo maglalabas. Hindi kaya.. No, impossible. Bakit ka naman mabubuntis." Dire-diretsong tula ng kaibigan ko.

Inabot ko ang isang rolyo ng tissue habang sumandal sa dingding. Impossible. Alam kong mahigit isang buwan na akong delay, tahimik akong nagbilang. Nagbabakasaling nagkakamali lang ako, we only did it once. Isang beses lang may nangyari saamin and that day I am sure...

No, it can't be. Maybe my calculation isn't right. Hindi maaari.

Napayuko ako. Kumirot ang puso ko sa ideyang baka nga totoo.

"I need the kit." Lingon kong sabi sa naguguluhan kong kaibigan.

She laughed wildly at my avowal.

"Are you kidding me? Nagbibiro lang akong buntis ka. Paano ka mabubuntis kung muntikan lang naman nagahasa. Depende nalang kung hindi si.. Fuck!" She harshly holds my shoulder. Niyugyog niya ako para matauhan sa ideyang parehong umaapaw saaming pagitan.

"Don't you dare tell me.." Namula na ang kanyang mata ng makita niya ang aking paghagulhol.

"Please just give me a kit." Pagmamakaawa ko.

Napalupisaysay siya sahig habang sapo ang ulo. Tumango siya bago may kung anong pinundot sa telopono.

Nanlamig ako ng mapagtanto kung sino ang maaring tawagan ni Jenny. I almost grabbed the phone away from her ngunit dahil sa panghihina ay hindi ko na nagawan pang magprotesta. I am too weak to exert effort for anything.

"Tim.." Tawag sa kabilang linya.

I feel at ease when I realized it was only her secretary.

"Can you buy me pregnancy kit? Yes. And, Uhmm. Make it five with different brand atleast. Thank you."

The Rivalry (Lost Memories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon