Peace
"Mommy can I bring this goggles? How about this? Please please." He was very excited while pointing to his lifebuoy.
Maaga ko siyang ginising para makaiwas sa traffic, ako pa naman ang magddrive kaya mas mabuting handa.
He is running right here and there sa loob ng condo habang inaayos ko ang backpack niya. I told him that we will be having a night out swimming but just for one day pero kung makaasta ito parang isang linggo.
"Anak, isang gabi lang tayo doon. This is too much already."
Saway ko ng magtapon ulit siya ng panibagong swimming outfit. Dyusko tong bata na ito akala mo hindi pa nakakita ng tubig dagat!
Dahil sa naging issue ni Tito Andres sa pagkakaroon niya ng anak sa labas, naantala ang trabaho ng bagong proyekto kaya naman minabuti kong ngayon na aminin sa anak ang katotohanan. I just need to settle him dowm first before that kaya naman susunod na lamang si Andrei pagkatapos ng close-door meeting nila. Iyon ang usapan.
He wants to boycott the meeting but I said no. Hindi ko naman na patatagalin ang pagkikita nila but I need time and space with AA.
"Apo, careful!" Sigaw ni Mommy ng muntikan ng madapa si AA habang tumatakbo papuntang sasakyan.
Nasapo ko nalang ang noo ko ng makita kong akyatin nito mag-isa ang passenger sit. Napakabibo!
Hindi ko alam kung nararamdaman ba niyang may mangyayaring maganda o sadyang hindi ko siya naipapasyal kaya sobrang excited siya ngayon.
"Are you really sure about this, ija? You want me to come with you." She asked.
Everything is set for us, naiayos ko na ang gamit naming mag-ina pati narin ang snack kung sakaling magutom ang pasahero ko sa byahe. It would be a few hours drive to Subic. Mommy offered a family driver but I refused.
"Okay lang, mom. I wanna spend this day with my son alone." I muttered
She looks kind of wary. Sinabi ko sa kanya ang plano ko kagabi, ilang ulit niya akong kinumbinsing isama siya but it would be unfair for me and to my motherhood life.
"Hindi ko naman kayo pakikialaman. I will keep my distance." She continued.
Natawa ako sa alok niya. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang ulit ko siya sabihang umuwi na sa bahay ay hindi parin siya nadadaig ng paliwanag.
"I am your child mom but I am also a mother. Time for me to do my duties. Ikaw, you can go home. Daddy missed you so much. You should stay with him."
Hindi na niya ako nagawang pilitin pa. Niyakap na lamang niya ako ng mahigpit tsaka inalalayan hanggang makapasok sa driver seat.
"Call me me if something happens. Andreius, behave okay. Huwag pasaway doon, Apo. Kainin ka ng mermaid, sige ka."
Ito na ang huling araw na kaming dalawa lamang mag-ina dahil pagkatapos ng araw na ito, may tatawagin na siyang Daddy. Though, I feel weird about it, all I can do now is to have faith and believe on it. Even if the sun rises to east and sets to west, my love for my son will never rest. That's for sure.
"Let's take a mirror selfie baby." Rekomenda ko habang tinitignan ang imahe naming dalawa.
He is wearing a trunk with the same design like my two piece bikini. Dapat matagal ko na itong ginawa kaya tuloy manghang-mangha ako ngayon, ganoon pala katagal na wala akong oras sa anak.
BINABASA MO ANG
The Rivalry (Lost Memories)
RomanceIf the love is bound for you, it will meant to stay. But what if it got lost, will it return back to stay for good?