Chapter Thirty Four - BARILAN

2.1K 43 3
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Third Person's POV)

Biglang tumigil ang paghinga ni Shann habang nakatingin kay Dric. Napaluha nalang siya habang pilit na pinapatayo si Dric ngunit dahil sa sobrang bigat nito napaupo siya habang hawak ang ulo ni Dric. Naiiyak niyang tinitigan ang mga mata ni Dric at kita niya ang kirot na ibig sabihin nasasaktan siya.

Napahugolgol siya ng magsalita si Dric kasabay ang pagpikit niya.

"D-Dric please d-dont close your e-eyes" pumiyok ang boses niya habang binabanggit iyon. Nakaramdam siya ng pagsikip ng dibdib niya lalo na ang pagsakit ng puson niya. Ngunit baliwala lamang niya iyon.

"D-Dric huwag mo kong iwan!" Sigaw niya at patuloy pa rin na ginigising si Dric.

Parang wala siyang nakita ng lumapit sa kanila si Angelica.

"S-Shann your bleeding!" Tarantang sigaw ni Angelica kasabay nun ang pagpikit ng kanyang mata.

Nagulat si Caleb at Dylan sa mga nangyayare dahil sa sinapit ni Dric sa pagbaril na kagagawan ni Dylan. Mas nagulat pa si Dylan ng magising siya sa reyalidad na nakayakap sa kanya ang isang babae. Ang babaeng nagmamahal sa kanya. Hindi niya alam kung masisiyahan ba siya sa ginawa ni Mika dahil sinalo niya ang bala na dapat kay Dylan iyon o magagalit siya dahil pakilamera ang babae. Sa oras na iyon biglang lumambot ang kayang puso. Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya dahil kita niya sa kanyang mata---

Unti unti ng nawawalan ng lakas si Mika hanggang sa bumagsak ito.

"F*ck! Shann!" Sigaw ng babae. Napabaling ang tingin nila kay Angelica na pilit ginigising ang dalawa. May takot sa kanilang mga mata ng makita nila ang dugo na lumalabas mula kay Shann.

Napapikit ito at napadasal nalang na sana---

'sorry baby, please kumapit ka lang kay mommy'

(Mika's POV)

(A/N: Before she got shot)

Heto pala ako ngayon sinusundan si Dylan. Nang makita ko siya sa parking lot ngmamadali ito. Nagtaka naman ako dahil may dala itong baril. Sa di ko alam ang dahilan kinabahan ako kaya sinundan ko siya.

Nang iliko niya ang kotse niya sa Hardwood kaya mahigpit kong hinawakan ang manibela para iliko din ito.

Habang sinubaybayan ang daan ay kita ko ang pagtigil ng kotse ni Dylan at bumaba na dala pa rin ang baril. Napatingin naman ako at nakita ko si---

"Shann?" Nagulat naman ako ng unti unting itinaas ni Dylan ang baril kaya dali dali na din akong bumaba at patakbong lumapit sa gawi niya. Napansin ko din ang isang tao na nakatutok din ang baril sa kanya kaya labis labis na ang kaba na nararamdaman ko.

Babarilin niya si Dylan!

Nang makalapit ako kay Dric napayakap agad ako ng maramdama ko ang pagbaon ng bala sa aking likod. Nakakamanhid-- sobrang--- nakakamanhid. Hinigpitan ko ang yakap ko sa bewang niya ng unti na akong nanghihina.

Napapakit ako sa sakit--

Ngunit bago pa ako lamunin ng kadiliman---

'Sana kaya mo akong mahalin, Dylan. I love you' sambit ko and all went black

(Angelica's POV)

Tang*na! Ano ng gagawin ko?! Sh*t sh*t magagalit sa akin si Dric kung uunahin ko siya. Pero kailangan unahin si Dric. Arggg! Tang*na. Napaluha nalang ako dahil sa nangyayare. Hindi ako makapaniwala na mangyayare ito.

Ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng kotse at mas mabilis pa sa kabayo ang takbo ng kotse.

"F*ck! Bilisan mo pa!" Sigaw ko at nanginginig na hinawakan ang kamay ni Shann.

"Malapit na tayo, kaya please kumalma ka lang" sambat ng lalaki na nagdala ng blacklist. Kaya pala nagpunta kami dito sa Hardwood Street dahil nandoon ang kompanya na pinagtatrabahuan ko. Hindi maopen sa isang simpleng computer ang blacklist na iyon kaya kailangan ng iilang magagaling sa computer. Atsaka para mabilis na mahanap ang pangalan na hinahanap namin kailangan ng maraming tao kaya naisipan ko na doon na lang.

Naalala ko naman ang buong pangyayare. Tang*na! Gagong Dylan! Bakit kailangan mo pang pumatay?!

Pagkamulat ko ay nakarating na kami sa hospital. Kahit na dapat unahin si Dric ay inakay ko na si Shann. Ewan pero bigla kong nabuhat si Shann kahit alam ko mabigat na babae ito. Times two ang bigat nito.

Sumalubong naman sa amin ang mga nurse pati na din ang doctor. Pagkatapat namin sa Emergency Room ay hinila ko ang doctor at pinanlakihan ng mga mata. Tila tinatakot ko.

"Gawin mo ang lahat kahit ilang pera iyan basta gawin mo ang lahat para buhayin ang kaibigan ko or else your dead" malamig kong sambit at may halong diin. Nanginginig na tumango ang doctor kaya tinulak ko siya papasok sa E.R.

"Umupo ka muna, Angelica" sambit ng babae na kasama namin kanina. Tumango lang ako sabay upo.

Napahilot ako sa sintido pero di ko talaga mapigilanh maiyak. Masakit sa akin ang masaktan si Dric-- si Shann at ang baby.

T-Teka --- ang baby---

No! Huwag sana magkatotoo ag iniisip ko---

************************************

Halaaaa anyare kay baby? Ano na ang mangyayare sa kanila?

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon