Chapter Thirty One - MEET THEM

2.4K 41 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Third Person's POV)

Nasa magandang bisita ang atensyon ng lahat. Humanga sila sa katapangan ng babae dahil hindi ito natakot umapak sa lugar ng AsianXx. Ngunit hindi nila alam at sobrang kaba ang nanaig sa kalooban nito. Hindi niya magawang lumingin lingon sa palagid, diretso lamang ito kung maglakad.

"Oh, so you are the daughter of Madrigal? Welcome to our company!" Masiglang bati ng isang matandang lalake. May isang dalaga at binata sa kanyang tabi at sa palagay ni Stacey ay nag-uusap ito.

"Where is my blacklist?" Diretsahang sambit niya. Kinalabit naman siya ni JV upang sabihan na huminahon lang. Tumango lamang siya at binaling ulit ang tingin sa matanda.

"Haha you're too excited my Madrigal" natatawang sabi ng matanda.

"Oh by the way I would like to meet my  daughter and son ---" pinutol na niya ang sasabihin ng matanda at---

"Where is my f*cking blacklist?" Naiiritang sigaw niya. Umalingawngaw naman ito sa loob at tila nabingi ang lahat dahil walang nagsalita. Pwera nalang sa pagkasa ng baril.

Napapikit naman siya dahil sa nakita niya. Nakita niya ang bugbog sarado na mga mukha ng kanyang utusan at nakatapat na mga baril dito sa kanila. Nang magmulat siya ay kita niya sa paghingi ng patawad nito. May kumirot sa puso niya dahil isa na doon ang binugbog dito-- her friend-- her childhood best friend.

(Stacey's POV)

Napasandal nalang ako sa swivel chair ko sabay umikot. Gusto kong magwala pero anong premyo pagnakasira na naman ako ng gamit dito? Duhh office ito ni Daddy. Nakihiram lang ako.

"Arggg! This can't be!" Sigaw ko at tinapun ang ballpen. Dahil sa ballpen na iyon--- wahhh kakainis! Yung matanda na iyon!

Kasalukuyan kung binato lahat ng ballpen ni Daddy sa kung saan ng may umaray. Pagkaangat ko ng tingin ay napangiwi ako. Tsk di ko kasalanang maheadshot siya ng ballpen ha?

Umayos na lamang ako ng upo at iniisip pa rin ang nangyare kanina. Tang*naaaaaaa! Anong gagawin ko?

"Stacey thank you pala and sorry kasi ng dahil samin kailangan mo yung gawin" paumanhin ni Arjie ang childhood friend ko. Napasimangot nalang ako at yumuko. Naiiyak ako huhu nubayan akala ko si Caleb lang ang pwede kung iyakan hindi pala.

"Im sorry" nagulat ako ng nasa tabi ko na siya at hawak na ako. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako sa ulo.

"It's ok" mahinang sagot ko. Wala naman ako dapat na ipagsisihan diba? Kung para sa kanya-- sa kanila-- at para kay Shann. Gagawin ko para mabawasan yung problema na ginawa ni Caleb.

"Kailangan mo ba talaga itong gawin? Stacey pwede mo namang bawiin lahat eh kung ayaw mo babalik ako dun sa--"

"No! No -- please dito ka lang. Ikaw na lang sandalan ko eh tsk! Kahit ipapahamak ko o di ko yun gusto gagawin ko pa rin! Alam mo naman yung dahilan diba? So stop questioning me" may halong irita kong wika. Kahit hindi ako nakitingin sa kanya ay alam ko tumango ito. Rinig ko din ang buntong hininga niya.

Napatitig naman ako sa blacklist. Ang liit nito pero sobrang importante. Pagnalaman ko ba ang kung ano ang laman nito? Sino na kaya ako?

'Magbabago na ang pangalan ko' sabi ng sarili ko.

(Shann's POV)

Nandito pala ako sa mall at naghahanap ng mga gamit ng magiging baby namin. Hihi excited ba? Nakakatakot nga ang mabuntis pero masaya kasi makikita ko na ang first baby namin ni Dric. Ayy-- hindi pa pala sigurado. Hayst.

"Wife, umuwi na tayo" biglang salita ni Dric. Napasimangot naman ako kasi wala pang 30 minutes kami nandito sa mall eh.

"Naman eh!" Sigaw ko kaya napabaling ang tingin nila sa gawi namin. Hinawakan ko na lamang ang kamay ni Dric at nagsimula ng maglakad kasabay siya. Wala pala kaming nabili uwahh bad siya! Hmmp!

Pagkarating naman sa parking lot ay para siyang natatae. Ehh? Taranta kasi eh. Matanong nga---

"Hubby natatae ka ba?" Takang tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at litong lito tapos----

"Hahahahahaha!" Ayy aba-- bakit siya tumawa?

"Ang tanong mo kasi ahahaha sh*t pftt hahaha!" Tawa pa niya. Nainis naman ako bigla kaya hinampas ko siya at nauna ng pumasok sa kotse. Bahala siya diyan!

(Dric's POV)

Natawa nalang ako sa tanong ni Shann at nakalimutan saglit ang balita. Ayts nagtampo ang wife ko. Naman--- pumasok na ako sa driver seat at bumaling muna kay Shann. Umiwas naman ito ng tingin sa akin habang nakasimangot pa rin. Hinila ko siya ng kunti at hinalikan ang noo niya. Pagkatapos ay hinimas ang tiyan niya.

"Sorry na baby ko" bulong ko. Pagkaraan ay naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Shann sa pisngi ko. Napangiti ako ng palihim. Hihi kinikilig ako eh.

"Huwag mo na akong tawanan ha?" Parang bata niyang sabi sa akin. Tumango tango naman ako at natawa ng mahina. Nakakatawa talaga eh nagiging childish ang wife ko.

(Third Person's POV)

"Umalis na sila boss" sambit ng lalake sa di kalayuan habang nakatingin sa kotse na papaalis.

'Ok umalis ka na diyan' sagot ng nasa telepono.

Tumango naman siya kahit hindi nakikita ng kausap niya. Pinatay na niya ang tawag at nagsimula ng maglakad at lumabas sa  parking lot.

Sa kabila naman ay nag-usap usap ulit sila ng plano. Maraming balita silang nalaman at isa na doon ang pagtawag ng AsianXx sa kanila.

************************************

Yow how is it? Chos kayo na bahal umintindi sa english ko. Message me if wrong grammar yun ok?

Ano naman kaya ang balita? Yeyy! Nakuha na ni Stacey ang blacklist ngunit bakit ganun ang naramdaman niya! Awiee.

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon