CHAPTER TWELVE
************************************
DEADLY SIN
************************************
(Dric's POV)
In- explain na pala ni Shann ang nangyare. Nalaman ko na binalaan pala niya ang nurse na kung hindi niya susundin ang utos ni Shann yung bumili ng SAMPONG hotdog at bagoong ay kaya niya daw pafired niya yung nurse.
Pftt she's acting weird habang kinukwento niya yun. Naiinis tas biglang tumatawa.
"Sorry, pre" sabi ko sa nurse. Sorry kasi napagtripan siya ng wifey ko hihi. Kinikilig ako pagtinatawag ko na wifey si Shann. Sh*t ang bakla ko!
Nga pala yung pera na ginamit na pambili sa pagkain na yon ay pera ng nurse kaya heto naman ako, binayaran ko nalang siya ng isang libo. Malaki ba? Bilang papasalamat na din yun.
Kasalukuyan akong nagbabalot ng mangga dahil iyon ang request ng babae ko. Ang kulit nga niya, eh. Ako yung nagbabalot at siya ang tagakain. Biglang namang bumukas ang pintoan at niluwa ang pawisang mukha ni Dylan. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatayo.
Hindi ko alam kung ako lang ba? Ako lang ba ang nakakapansin na sumama ang tingin niya? Nung bumaling ulit ang tingin niya kay Shann ay biglang umamo ang mukha at puno ito ng pag- aalala sabay lapit dito.
"Shann, are you alright? May masakit ba sayo? Nabalitaan ko ang nangyare sayo. Sorry wala ako sa oras na yun para tulungan ka ha" diretsang sambit ni Dylan.
Uhhh bakit parang siya ang boyfriend?
(Shann's POV)
Nagulat ako dahil sa pagbiglang dumating si Dylan dito. Napaiwas naman ako ng tingin ng may pag- alala sa kanyang mata ang aking nakikita.
Bigla kasing pumasok sa isipan ko ang ginawa ko kay Mika. Alam niyo at ng diyos na hindi ko ginusto iyon pero--- mahirap man aminin ngunit gusto ng katawan ko. Hindi ko alam pero napaiyak ako.
"Sh*t bat ka umiyak?"
"Shann? Wifey? Do you need something?"
Halos sabay na sambit nila. Humagulgol lang ako at napakapit kay Dric ng lumapit siya sakin. Inangat ko ang mukha ko para tignan ang mukha ni Dric na ngayon ay nag- aalala at halata sa mukha niya na may katanungan.
Napayuko ko dahil--- natatakot ako sa mata niya.
Baka kasi pagpipikit lang ako wala na ang pagmamahal-- wala ng pag- aalaga-- wala na itong emosyon.
Mapapalitan ito ng sakit-- galit pati na --- a-ang pagsisisi.
Pagsisisi na minahal niya ako.
Pagsisisi na pinagkatiwalaan niya ako.
(Dylan's POV)
Naikuyom ko ang kamay ko. 'Bakit kasi si Dric? Sa tagal na panahon mo ako nakakasama-- bat sa iba ka nahulog?' gusto ko sanang ibulyaw kay Shann ang nararamdaman ko na yun pero nandito pa si Dric.
Teka-- ano naman kung nandito si Dric? Mabuti nga yun diba na malaman niya na si Shann ay mahal ko din. Oo mahal ko si Shann matagal na.
Nagsimula ito ng makita ko siya na may tinulungang matanda upang tumawid. She's to kind and pretty. Halos gusto ko sapakin si Daddy nga noon ng paandarin ulit ang makina ng sasakya. Bata pa ako nun pero alam ko mahal ko na siya.
Paano kaya kung--- sabihin ko kaya ito?
"Who's the father of the baby, Shann? Alam mo ba?" Tanong ko. Nang makita kong kumunot ang noo ni Dric ay napangisi ako. Alam ko nagulat si Shann dahil kita ko na napabitaw siya sa pagkakapit kay Dric.
"Syempre ako! Ako ang boyfriend niya eh" sabi nito. Tsk boyfriend? Well maaagaw ko sa iyo si Shann. Kahit nga girlfriend mo naasex ko. Itanong niyo pa kay Shann. Yan sana ang gusto kong sabihin pero relax. Relax lang. Kakasimula ko pa nga lang sa laro eh.
"Sigurado ka?" Nakangisi ko pa ring tanong nito. Napatingin naman ako kay Shann na kinakausap ako sa mata.
'sorry Shann but I love you' sabi ng mga mata ko sa kanya. Alam ko hindi niya yun nababasa. Gusto ko lang mapaisip si Shann kung ano yun.
"Ano ba pinagsasabi mo, Dylan? Are you trying to say that hindi ako ang ama?" Naguguluhan at may halong inis tanong nito.
'ganyan nga mainis ka! F*ck you!'
"Relax, dude. Nagtatanong lang naman para makasigurado" pasimple ko namang tinaas ang kamay ko bilang pagsuko ng susugurin sana niya ako, buti nalang pinigilan ni Shann. Pero mas mabuti yung hindi niya pinigila. Diba?
"D- Dric umalis ka m- muna" mahinang boses ang narinig ko kay Shann. Napangisi naman ako na halos abot tenga.
"What?! No! Ayokong iwan ka dito kasama yan!" Sigaw ni Dric at may paduro duro pa sa akin. Chill lang ako dito habang nilalaro ang bulaklak sa aking mga kamay.
"Mag- uusap lang naman kami, please kahit 15 minutes lang" napatingin naman ako sa dalawa. Pilit pinahinahon ni Shann si Dric dahil halatang gusto niya na ako sugurin.
"Ok just call me if there's something bad happen, okay?" Tumango naman ito. Bago umalis si Dric ay hinalikan niya sa noo bago nagsimulang tunguhin ang pintuan. Sinundan ko lang ng tingin si Dric at ng masiguradong wala na siya ay nakapamulsang lumapit ako kay Shann.
"Dylan w-what are you--" natigilan siya ng bigla kong pinunasan ang noo niya ng makalapit ako sa kanya. Hinalikan ko naman ito.
Pagkatapos ko gawin yun ay humarap na ako sa kanya. Ang mukha niya ay namumula at hindi mawala yung gulat. Ikaw ba? Hindi ka magugulat kung hahalikan ka nalang bigla?
"Ako lang" makahulugan kong sabi sa kanya. Alam ko nagets niya dahil bigla siyang umiwas ng tingin.
"Dylan, stop please? Bat mo ba ginagawa ito? Ayoko ng gulo so, please lang? Kalimutan mo nalang laha--" I cut her off.
"No! I can't do that? You know why? Because of you!" Naiinis kong sambit dito. Nakakainis kasi balak pa niyang sabihin na kalimutan lahat.
'Kalimutan nalang ba lahat lahat? F*ck hindi ako papayag! Ayokong tumigil! Sakin siya at sa akin lang siya! Bwesit bat ang daming mang- aagaw!?'
Desperado? Kung iyan ang tawag sa ginagawa ko? Wala kayong magagawa-- Hinayaan ko noon na mapa- sa kanya si Shann pero iba na ngayon-- kukunin ko lang ang dapat matagal ng sa akin.
"Because-- I Love You... Shann"
************************************
(A/N: Shann and I reaction --> O___________________O )
Kayo? Kahit walang kayo? 😂 Anong reaksyon niyo sa sa ginawa ni Dylan. Aba't obsess ang peggy niyo 😂😂 huwatt?
Know him (Dylan) the straight to the point 😱😁😂😊
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)
RomanceAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...