Chapter Eight: HATE ME

7.7K 91 2
                                    

CHAPTER EIGHT

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Third Person's POV)

Tatlong araw ang nakalipas ngunit puno ng luha at sakit ang buhay ngayon ni Mika. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na ang kaibigan niya-- ang matalik niyang kaibigan-- may ginagawang mali kasama si Caleb.

Ngunit hindi niya mawaiwasang di mag alala sa kaibigan niya na nahimatay noon. Dumagdag ang sakit ng kanyang nararamdaman nang makitang pinapahiya, sinasaktan, pinandidirian ang kanyang kaibigan.

Gusto man niyang tulungan ito pero hindi niya magawa. Nakatayo lamang siya sa malayo habang pinapanood ang pananakit ni Stacey sa kaibigan niya. Hindi niya masisisi si Stacey. Sobrang sakit para sa kanya iyon-- pati na din sa kanya.

Sa buong araw puno ng sakit ang madadatnan ni Shann ngunit malaking pasalamat-- dahil nandiyan ang boyfriend niya na si Dric. Naaawa siya kay Dric dahil di man lang niya alam ang pinaggagawa ni Shann. Walang kaalam alam sa nangyayare. Gusto na niyang magsumbong ngunit takot siyang mawala sa kanya ang mahal niya. Si Dylan. Takot siyang mangyare yung sinabi ni Caleb sa kanya.

Araw ng pasasalamat, #TGIF kumbaga. Sa araw na iyon nag- iisa lamang siyang naglalakad sa gilid ng daan. May boyfriend nga pero--. Walang taga- hatid, taga- sundo.

Napabuntong hininga na lamang siya at biglang lumiko sa ibang daan. Hindi na lamang siya papasok. Buti nalang nakapagsebilyan siya kaya't hindi mapagkamalang um- absent.

Sa kanyang paglalakad may nakita siyang kotse sa di kalayuan.

'Kay Dylan ba iyon?' tanong nito sa kanyang sarili. Parang sumigla ang puso niya ng mapagtantong kay Dylan nga ito.

Dali dali naman itong tumungo. Halos tumakbo na ito tapos biglang---

'D-Dylan...'

Napatigil siya ng maiinag na ang tao sa loob ng kotse. May isang lalake at isang babae--- naghahalikan.

Kahit 8 meters lang ang layo ng kotse sa kanya. Alam niya ang nakikita niya.

Tumulo ang luha niya ng hindi niya namamalayan. Nakatitig pa rin ito sa kinaroonan nito. Halos madurog ang puso niya. Parang nabagsakan siya ng langit lupa-- siguro pati na ang mga bato. Sobrang sakit at mabigat ang kanyang nararamdaman.

Umiwas siya ng tingin ng makita niyang tapos na ito sa paghahalikan. Pinahid ng kanyang kamay ang kanyang nababasang pisngi habang mahigpit na hawak ang strap ng bag niya. Tumalikod na lamang siya. Ayaw na niyang lumingon ulit. Tama na-- sapat na ang kanyang nakita.

Hindi niya alam na dinala na pala siya ng mga paa niya pauwi sa bahay niya.

Iyak ng iyak lamang ang nagawa niya buong araw. Hindi pala-- hanggang bukas at sa susunod pang bukas umiiyak pa rin ito. Mahirap kalimutan lalo na pagmahal mo ang taong iyon.

"Ang panget mo na, ate" sabi ng bunso niya. Si Jim, 14 years old. Matangkad na ito kahit sa edad niya ngayon, gwapo din ngunit sa isip ni Mika may gwapo si Dylan.

"Matagal na, Jim" sabi niya na lamang at ngumiti ng pilit.

'kaya siguro hindi niya ako magustuhan-- no, magugustuhan... Dahil sa panget ako' sabi ng isip niya.

Napatingin naman siya sa cellphone niya na ang wallpaper ay si Dylan. Masarap titigan ang mukha nito kahit di man lang ngumiti. Kahit ganun, napainlove siya ng todo ng lalake.

Habang natulala siya biglang pumasok sa isipan niya si Shann. Si Shann lang ang matatakbuhan niya sa lahat ng problema niya. Si Shann na handang makinig sa kanya.

(Mika's POV)

"M-Mika may kailangan kang malaman" di mapakaling wika ni Shann sa akin. Kinabahan naman ako bigla, ewan ko pero parang ayaw kong marinig.

Binitawan ko muna si Shann at tumayo ng matuwid sa harap niya kahit yumuko ito.

Dumaan ang katahimikan hanggang sa marinig namin ang tunog ng bell hudyat na tapos na ang last subject. Ibig sabihin nun hindi kami pumasok ni Shann sa subject na iyon. Di ko nalang pinansin iyon, nakatingin pa rin ako sa kanya. Nagsalita si Shann kasabay nun ang pag angat ng ulo niya.

"Si Caleb at si D-Dylan--" ng marinig ko ang name na iyon mas kinabahan ako at bumuhos pa ang luha ko.

"We're having s--sex" dugtong nito. Natulala ako sa sinabi niya.

'we're having sex'

'we're having sex'

'we're having sex'

AHAHAHA-- joke ba iyon? Tatawa na ba ako? Bakit ang sakit?

"M-Mika believe me h-hindi ko ginusto iyon -- nadala lang ako sa p-pangangailangan ko-- m-maniwala ka, please. M-Mika sorry" humagulgol lang ako at habang umiiyak din atsaka unti unting lumuhod.

Hindi ko alam kung maniwala ba ako sa sinabi niya...

Ang hirap kasi...

Sobrang sakit...

Gusto kong magalit...

"M-Mika, Im so s-sorry" pagmamakaawa ng patawad ni Shann habang nakaluhod. Napailing iling ako at napatakip nalang sa bibig. Di ko mapigilang bumuhos ang mga luha ko.

"M-Mika s---"

"Tama na!" Sigaw ko nalang. Sobrang sakit kasi. Ang sakit ng nalaman ko, sobra. Bakit si Shann pa? Bakit? Bakit nakipagsex siya kay Caleb at Dylan?! Ang sakit-- bakit pati si Dylan?

'Bakit nangyayare ito?'

Akmang hahawakan niya ako pero umatras ako.

"Huwag mo akong hawakan! Nakakad-diri ka!" Sigaw ko sa kanya. Nakita kong gulat na gulat siya pati din ako nagulat din sa sarili ko.

May nagsabi sa sarili ko na mali yung ginawa ko at meron ding nagsasabi na tama lang ang ginawa ko.

'Bakit ko ba nasabi yun?' kahit nasaktan ako sa nalaman ko, mas masakit yung sinabi ko sa kaibigan ko. She's my Bestfriend. Alam ko kung sino siya because she's my BESTFRIEND. Ang bestfriend ay handang makinig pero-- parang di ko pa kaya makinig. Sobra na-- sobra na ang sakit!

"M-Mika Im became an sex addict-- and Im sorry for became an sex addict s-sorry" sambit niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

'sex addict?' paano nangyare yun? Kilala ko si Shann hindi siya ganun. Gusto ko yakapin siya dahil naaawa ako. Kita kasi sa mukha niya na hirap na hirap siya pero-- nasaktan na niya ako...

"I-I gotta go" sabi ko nalang at tumakbo palayo sa kanya.

Kailangan ko muna mag isip. Space upang mag isip. Hindi ko na kaya ang sakit, masakit na-- I Need Space.

************************************

Oyeeee you need space? Go to OUTER SPACE 😂. Lab-it ahahaha.

Noted
Believe the truth!

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon