Chapter Twenty Two - CONTRACT

3.5K 53 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Shann's POV)

"Kailangan ka namin i-blood test upang malaman natin kung negative ba o positive ba na nakadrugs ka" Iyan ang salita na hinding hindi  ko gustong marinig pero pa rin---.

'T-teka hindi kaya ikukulong nila ako? Posible iyon diba?' naitanong ko sa aking sarili. Napahawak ako sa noo ko at  napapikit na lamang.

"Hindi kami papayag na ikulong ka dahil alam namin at alam mo naman diba na inosente ka. I promise di ka makukulong" napamulat ako sabay tango. Wala akong mailabas na boses, eh. Parang may nakabara?

Pero...

Hindi ko alam pero natatakot ako. Natatakot ako sa malalaman ko. Sabi kasi ni Geline ay dadalhin niya ako sa reaserch room nila (A/N: haha wala kasi kong maisip). Ibig sabihin doon nila ako o-obserbahan. Pero di pumayag si Dric. Ayaw niya daw mas maguguluhan ako at isa sa eksperimentohin. Tama-- sang-ayon ako sa sinabi niya. Ayaw ko baka sa pagkakataon na iyon-- mawawala ang baby or may masamang mangyare pa.

Sabi niya diba kukunan nila ako ng dugo, baka daw negative na nakadrugs ako--- o positive sa drugs. Wahhh natatakot talaga ako sa magyayare? Pano? Pano kung positive? Ano nalang ang mahihirap ko sa future ko? Kay baby? At kay-- Dric? Tuluyan na ata akong maiiwan nito eh.

"Huwag kayong mag-alala kasi di ko hahayaang mawala ang buhay ng baby niyo. At dahil dito lang naman gagawin iyon? Well I suggest-- si Shann lang ang isa sa room. Bali isa guest room niyo ang gagawing laboratory test. Ilang linggo lang naman yun. Then, sa gagastusin naman ako ang bahala" sambit nito. May inabot din siyang isang envelop na kulay black. Ako sana ang kukuha ngunit naunahan ako ni Dric.

"We just need you to sign that contract para naman masiguradong pumayag kayo sayo sa tulong ko?" Tanging tango lang ang naisagot ko habang hinahawakan ang tiyan ko.

"Hindi dapat maabot ito sa itaas, Geline. Ayoko kong kunin nila ang mag-ina sakin" sabi ni Dric.

"Yes, I assure you na hindi hindi yun mangyayare" tumango naman si Dric at sinimulan ng pirmahan yun.

Malalaman ko nga ang resulta ng test pero hindi ang resulta ng kakalabasan ng magiging sunod ng mangyayare. Ang baby? Matagal pa nga malalaman kung sino ang ama ngunit natatakot na ako.

"Angeline, can I talk to you privately, tomorrow?" Biglang wika ni Dric kaya napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa papel na galing sa black envelope.

Tanging tango naman ang naisagot ni Geline at tumitig saglit sa akin.

Para bang -- argg ayy ewan di ko alam kung ano eh. Bumaling naman ang tingin niya sa palabas sa telebesyon. Mukhang bumalik na sya sa pagiging makulit na Angeline.

Pagkatapos ang pangyayare na iyon ay umalis na si Geline. Bukas na daw sisimulan ang paggawa ng isang kwarto na para sa akin.

Ikakamatay ko ma ang tahimik na silid mas ikakamatay ko na wala sa tabi si Dric. Hayst.

Nga pala medyo halata na ang tiyan ko. Masaya kasi may baby na darating sa buhay namin ni Dric.

Pero masakit--

sobrang sakit ng simula siguro pati sa huli sobrang sakit.

(Stacy's POV)

Nakatulala at sobrang lutang ang makikita mo sa akin. Halos di ko na kayang pumikit. Hindi ko na din kayang lumuha pa.

Masakit kasi eh! Wala na kami-- wala ng pag-asa na maulit ang KAMI. Kahit gusto kong magalit sa kanya dahil niloloko niya lang ako? Bakit hindi ko magawa? Dahil mahal ko siya? Oh f*ck! Ako nga lang yung nagmamahal! Ako pa ang nasasaktan! Ako lang ng nagpakatanga.

Woahh isang Stacey Madrigal, Naloko? Naging tanga? Naging desperada? Haha mukha ba talaga akong desperada? Akala ko ba pagmahal mo ipaglaban mo? Mali bang ipaglaban ko siya? Mahal ko siya.

'Pero may mahal siyang iba'

The heck?! Ganito pala pagheart broken? Napapahugot? F*ck!

"Stacey Martisa Madrigal?! Are you with us?!" Mala-kulog na boses ang sumigaw sa pangalan ko. Imbis na sagutin ko siya ay tumayo ako tas tinalikuran ang English Teacher namin. Bastos na kung bastos pero kailangan ko mapag-isa.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang malaking puno dito. Hindi ko alam kung saan pero sa palagay ko hindi naman malayo. Medyo malapit lang. Ngayon ko lang kasi ako napunta dito. Ewan garden ba tawag dito? I don't think so kasi di naman mukhang garden. Tss whatever di ko na kailangan i-datalye ang lahat.

Napaupo ako at sumandal sa puno. Hinawakan ko nalang ang mga paa ko at tilang nilalamig. Sa di ko alam ang dahilan-- napaiyak ako. Akala ko masasanay ako na wala si Caleb sa tabi ko pero hindi, eh. Bakit? Ehhh di kas siya mawala sa isipan ko.

"Ms. Lonely, ha?" Tinig mula sa likuran ng puno. Kaya't napaangat ang ulo ko na mas mabilis pa sa nakakita ng multo. Sinilip ko naman ito at---

Nagulat naman ako ng makita ko kung sino yun--- bakit siya nandito?

"How about---- hmmm--- Care to share, Stacey?" Nakangiti na sambit niya at bahagyang tumingin sa akin.

Napatitig naman ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko-- gusto niya din ng mapag-isa. I don't know why pero nacucuriuos ako. Tapos bigla akong kinabahan yung bang may tinatago ka pero nahuli ka? Ganun ang pakiramdam ko ngayon.

"Dric" nasabi ko nalang ang pangalan ng lalake na kaharap ko ngayon.

************************************

Ayy hala anong ginagawa ni Dric dun? At teka? Ano kayamg susunod na mangyayare?

Woahhh kakaexcite 😂

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon