CHAPTER EIGHT TEENTH
************************************
DEADLY SIN
************************************
(Shann's POV)
"Dric-- hubby" tawag ko nito pero di niya ako pinapansin. Nandito pala kami sa malaking kwarto namin. Nag-study siya habang ako pinipilit siya sa gusto ko.
Hindi na pala ako pumapasok dahil pinagbabawalan ako. Kasi nga buntis na ako kaya dapat nasa bahay nalang daw ako. Ehhh nakakamatay yung tahimik eh.
Napayuko nalang ako sabay hawak sa tiyan. Hindi pa naman halata eh kaya pwede pa ako mag-aral. Kaya ngayon pipilitin ko siya ulit na mag-aral ako. May private teacher or home teacher ako pero iba yung nasa classroom, eh.
Doon mas gaganahan ka makinig dahil pagkatapos magdisscuss ay may activity kaagad. Doon marame kang kompentsiya. Palakihan ng score. Marame ka pang kakwentuhan sa lahat diba? Dito walang friends, doon meron.
"Sabing hindi pwede! Ano ba, Shann?! Di ka na nakakaintindi?!" Galit niyang sigaw. Uwahhh huhu nagalit si Dric sa akin. Ginalit ko siya.
'Kulit mo kasi, eh!' salita ng isip ko.
"S-sorry po g-gusto ko lang kasi mag-aral doon, eh" umiiyak kong salita sa kanya na nakayuko pa rin. Hindi naman maubos ubos ang luha ko na pumatak kaya heto ang shorts pant ko ay medyo nababasa na.
Tumayo ako at nagsorry ulit sa kanya at tulad ng kanina di ko inangat ang tingin ko. Alam ko kasi galit na mukha ang makikita ko. Natatakot ako na tignan ito.
Humakbang na ako para pumunta sa higaan namin. Nang makalapit na doon ay humiga na ako tapos nagtago ako sa kumot at humagulgol doon. Gusto ko man isigaw na hate ko na siya ay wala akong karapatan dun. Dapat nga ako ang i-hate niya.
Maya maya ay tumahan na ako dahil nakakapagod na ang umiyak. Ang ingay ko nga eh. Buti nga di ako sinumbatan ni Dric na tumahimik. At dahil sa pagod ay nakatulog ako.
(Dric's POV)
Napabuntong hininga nalang ako. Ang gago ko! Bakit ko ba sinigawan si Shann? Oo nakairita dahil paulit ulit. Ang nakakainis pa ay mas gusto niya mag-aral dun.
Umalis pala ako sa kwarto na hindi niya napapansin. Sumalubong naman ang parents ko. Para silang naiinis sa akin? Ehh?
"What's with that face?" Tanong ko sa kanila na naiiirita pa rin. Bigla naman ako tinampal sa noo ng magaling kong ina.
'What the?' para saan iyon?
"Mom! Dad! Ano ba!" Sigaw ko. Dadaan sana ako ng hinarangan naman ako ng machulado kong ama. Napaface-palm nalang ako. Hayst. Napakamot nalang ako ng noo dahil di ko kayang galitin yung parents ko. Ehhh ikaw kaya ang barilin ng mga salita? Aba ang sakit nun ah.
"What?!" Pataas kong sabi sabay dumabog. Bata na kung bata pero kasi nakakainis na!
"Ikaw'ng bata ka! Kung may problema kayo dapat pag-usapan niyo!" Sabi ng mommy ko.
Nainis naman ako. Ehh alam ko naman na dapat mag-usap kami eh. Hindi niyo lang alam-- gusto ko talaga siya kausapin pero ito namang gago na ako-- inaway ko si Shann. Alam ko naman na dapat di ko siya sigawan eh at awayin. Pero-- argg basta!
"Son, ikaw ang lalaki kaya ikaw ang mag-sorry. Kasalanan mo man o hindi. You will be the one first to say sorry" (A/N: ewan sa english 😂 gets niyo naman eh) mahinahon na sambit ng ama ko habang tinapik tapik ako sa balikat.
Napagkawala ako ng malalim ng paghinga dahil tama naman eh-- tama na ako ang mag-sorry kahit kasalanan man niya o hindi. Unti unti naman akong huminahon at humupa ang inis at galit ko. Hindi dapat ako magalit o mainis ky Shann baka hahantong ito sa hiwalayan eh. Kahit may rason na akong iwan siya ay di ko talaga magawa.
Ewan lang? Naaawa kasi ako kay Shann at sa bata. Naaawa ako kasi walang magandang pamilya ang bata kung mapasakanila si Shann sa mga gago. Naaawa nga lang ba? Syempre hindi-- sobrang mahal ko siya Shann, eh. Sabi nga nila 'pagmagmamahal ka dapat kaya mo isakrapisyo ang lahat kahit na ikakasakit mo lang iyon'. Sabi pa nga 'pagmahal mo ipaglaban mo'.
Mahal ko si Shann.
"Go and say sorry" nakangiting wika ng maganda kong ina. Someday-- someday si Shann naman ang magiging ina-- tulad ni mommy na may anak at asawa. Asawa na dapat ako ang nasa pwesto ng buhay ni Shann.
Umiling ako. Gusto ko magsorry pero may kailangan ko pang gawin. Importante ito sa akin-- kay Shann.
"Not this time mom" sabi ko nalang. Pagkatapos ko magpaalam sa parents ko ay humingi muna ako ng favor na sana alagaan muna nila si Shann hangga't wala pa ako dito. Napatingin naman ako sa hagdan at iniimagine na nakikita ko ang kwarto namin ni Shann. Maya maya ay umalis na ako sa bahay.
(Third's Person's POV)
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang dalawang kaibigan ni Shann na hanapin siya. Halos gusto na nila libutin ang lugar ng pinas at paghindi nila ito nahanap ay nababasag at nasisisra ng mga kawawang walang kabuhay buhay na mga gamit nila.
Sa kabilang banda si Dric naman ay busy sa pakikipag-usap sa importanteng tao na papasok sa buhay niya-- at buhay ni Shann.
"Ok pero sa isang kondisyon--" pabitin na wika nito. Tumitig naman ito sa mg mata ni Dric na may halong kalokohan.
"F*ck you!" Sigaw ni Dric at halatang nagalit siya sa narinig nito. Napabunting hininga nalang ito dahil ---
"Hahahahaha!"
************************************
Woahhh ahaha ano yun? Sa tingin niyo sino ang papasok na baging character?
Awihihi sorry sa tagal ako mag ud. Ikaw kaya ang mag-aral tas dami dami agad ng projects? 😂 Anueee kaya mo? 👏
Lovemuch!
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)
RomanceAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...